Kabanata 35

272 8 0
                                    

Kabanata 35

Family

Gumising ako kinabukasan ng namamaga ang aking mga mata. I fixed myself at lumabas na. Nakita ko si Nanay at ang dalawa kong kapatid na kumakain na ng almusal.

I smiled widely.

"Goodmorning, Nay!" masaya 'kong bati at hinalikan siya sa pisnge, hinayaan niya ako et wala siyang itinugon sa akin.

Bigla akong nakaramdam nang kirot ng hindi man lang nila ako hinintay na magising para sabay-sabay kaming kumain.

Hinalikan ko rin sa pisnge ang dalawa kong kapatid ngunit si Kevin lamang ang tumugon. Kenneth remain cold as if he didn't see me. Napakagat labi ako sa sakit na natamo.

"Goodmorning, Ate." masaya tugon sa akin ni Kevin na para bang wala siyang nalaman kahapon.

"Kumain ka na." malamig na sabi sa akin ni Nanay.

Agad ko iyong pinagtakha dahil kahapon nama'y ayos kami. Huminga ako nang malalim at ipinag-kibit balikat na lamang iyon. I feel like my life was change.

Umupo ako sa tabi niya't nagsimula na ring kumain. Pinakiramdaman ko sila. They remain silent as I remembered about Kevin's camera.  "Kevin iyong camera na hinihingi mo kailan mo ba kailangan?" I asked habang nagsasandok ng pagkain sa platito.

"Next week pa naman, Ate."

I smiled, "Sa akinse se-s'weldo na ako. Susubukan nating bumi--"

"Ako na ang bibili ng kailangan mo, Kevin. Simula ngayon hindi ka na hihingi sa Ate mo naiintindihan mo?" putol sa akin ni Nanay na siyang ikinabigla ko.

"Nay.."

Nilingon ako ni Nanay at muling malamig na tiningman, "Mag-empake ka na. Pagkagaling mo sa eskwelahan sa bahay ng mga tunay mong magulang ka na uuwi. At mula ngayo'y hindi ka na magbibigay ng pera rito at lalo na ng mga suhol ng mga kapatid mo."

Nagsimulang mamasa ang aking mga mata, "N-Nay.." iyon lamang ang aking nasasabi sa pinaghalo-halong nararamdaman ko.

"Bakit Nay? Paalisin mo na si Ate?" si Kevin, nagsisimula na ring umiyak.

"Kailangan na niyang bumalik sa tunay niyang mga magulang."

"Nay... mas gusto ko dito." pagmamaka-awa.

Hindi naman sa aya'ko sa mga tunay kong mga magulang. I can visit them. Hindi naman maaaring iwan ko na lamang sila. Not noe that they still need me.

"Hindi ka ba naaawa sa iyong tunay na ina? Shoshana is a good mother. Ilang taon rin siyang naghintay na makasama ka. Huwag kang maging maramot, Krist. Isinasauli lang kita sa tunay mong mga magulang. Ipinagdamot na kita, pero ngayong nakita ko ang pananabik nila sa'yo, hindi na kaya ng konsensiya ko. Mag-resign ka na pati sa pinapasukan mo. Hindi mo na kailangang magtrabaho't hindi gusto ni Shoshana't Brookx na nagtatrabaho ka." tumayo ito't inilagay ang pinagkainan sa lababo.

I wanted to stop her but she didn't gave me a chance to talk and just go, leaving me with my eyes crying.

Maya-maya'y sumunod sa kaniya si Kenneth na akay-akay si Kevin.

"Pero Kuya, hindi pa ako tapos." si Kevin na umiiyak na.

"May pasok tayo. Baka ma-late na tayo "

Nagmamaka-awang tiningnan ako ni Kevin. Suminghot-singhot siya't walang nagawa kun'di ang sumama sa Kuya.

I sighed.

Pilit kong pinigilan ang luhang gustong tumulo mula sa aking mga mata. Tumayo ako't inayos ang pinagkainan nila. Hinugasan ko iyon at bumalik sa aking k'warto. I wanted to convinced her pero nang pumunta sa kaniyang kuearto at makinig ang kaniyang pagiyak ay siyang nagpaatras sa akin. Doon hindi ko napigilan ang maiyak. I can sense her pain that's killing me softly. Doon hindi ko napigilan ang sundin siya. Maybe she can be better if I will go. She's right, I should not be selfish.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon