Chapter 1

15 2 9
                                    

" Uhm Klia alam mo nagbebenta ako ng mga ibon baka gusto mo bumili? Yun talaga ung pinunta ko dito sa blind date e, wala kasing bumibili sakin" stated by a man with thick eyeglasses who's now sitting infront of me. Kingina naman Ares. Ano ba tong pinagkukuha mo?

" Uh no, sorry hindi ako pwedeng mag alaga ng ibon" sagot ko at bigo naman itong tumayo ng nakatungo at mukhang lungkot na lungkot. Naaawa ako sakanya pero ano namang sasabihin ng mama at papa ko pag umuwi akong may dalang ibon? For sure magagalit ang mga yon dahil wala naman akong paglalagyan

Napabuntong hininga nalamang ako habang hinihintay ang sunod na darating. This would be the very last guy na imemeet ko na for sure hindi ko rin naman magugustuhan dahil ang weweird ng mga napapatapat sakin. Kundi atabs, nagtitinda ng ibon. Ano naman kayang kasunod?

" Are you miss Oaklee Emery Buenavidez? "

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko bago nilingon ang tumawag sa pangalan ko. I was slightly stunned dahil halos nakatingala nako para mameet ang mata nito. He's so tall and he looked like a webtoon character who's eyes are so fierce. He is wearing a gym outfit. Mukhang kakatapos lang mag gym and maybe that explains kung bakit medyo pawis sya. His  features shouts perfection at hindi ko naman maiwasang bahagyang mapanganga dahil dito.

Oh my God. Is he human?

" Miss?"

" U-uh Yes. But please call me Klia" agad kong sagot na bahagyang ikinakunot ng kanyang noo. Masyado bang halata na namangha ako?

" U-uh you can sit down. Ang awkward naman kung maguusap tayo ng nakatayo hindi ba?" Saad ko bago tumawa na halata mo namang hindi totoo. Anong nangyayari sa akin?

" Miss Emery, hindi rin ako magtatagal. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi dapat ako ang kaharap mo ngayon. My friend, Thomas had something important to attend to kaya hindi sya nakapunta. He feels bad so he wanted to say sorry " saad nito pero nanatili lamang akong nakatingin sa kanyang mata. Tinawag nya bakong Emery?

Kung dati ay inis na inis ako pag tinatawag sa pangalan ko, ngayon parang gustong gusto ko ng marinig ang Emery dahil ang ganda ng pagkakabanggit nya dito.

Pero tama ba ang narinig ko? Hindi dapat sya ang kaharap ko ngayon?

Ouch

" Emery? "

" Y-yes. Tell him that im fine and that he doesnt need to be sorry. Thank you for informing me by the way" sagot ko at napatango tango naman ito

" Alright. I have to go, thank you for understanding, miss." Saad nito at hindi man lang ako hinintay makasagot bago sya tumayo. Pero bago itong tuluyang umalis ay hinablot ko ang kanyang braso na sya namang ikinahinto nito

" Uhm.. Can I get your number?" lakas loob kong tanong na agad nyang ikinasimangot

" Sorry miss, may girlfriend ako" sagot nito na ikinagulantang ko pero hindi ko na pinahalata. Ano bang pumasok sa isip ko at tinanong ko ang number nya?! Saka ang kapal din naman pala neto. May sinabi bakong kaya ko kinukuha number nya ay dahil type ko sya?!

" No no please dont get the wrong idea. I was supposed to ask for Thomas number, nagkamali lang" sagot ko bago umiwas ng tingin. May sense pa ba tong sinasabi ko?

" Give me your phone" paguutos nito na agad ko namang sinunod. Nang matapos sa pagtatype ay umalis na ito at hindi nako hinintay na magpasalamat.

Gusto kong magtititili sa upuan ko paglabas nito. Kung hindi lang nakakahiya sa mga tao, baka nagtatatalon pa ko.

Lumabas nako ng coffee shop ng may ngiti sa mga labi at agad na pinuntahan ang kotse ni Ares. Napangisi ito ng makita ang itsura ko at napailing

" Mukhang may natipuhan ka sa naka date mo ah" saad nito kung kaya naman nawala ang ngiti ko

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon