FIERCE SCARECROW

67 8 3
                                    

A/N" Pagpacnxhan nyo na ang grammar ng english ko... Astig kc pag my english sa story...trying hard ika nga... XD Sorry s typo at mispell...Hope magustuhan ninyo... Please leave your comment pra malaman ko kng ok lang ang story ko... Salamat...

KEÑA CROWSLEA's POV

*Driiiiing! Dring! Dring!!!!*

"I'll see you again tomorrow class and ready for a pop quiz." Habang sinasabi iyon ni Prof. Duran ang teacher namin sa philosophy ay nagmamadali niyang sinimsim ang kanyang mga gamit at mabilis na nilisan ang aming silid.

Mahinang dumaing ang aking mga kaklase at pabulong na nag-usap-usap matapus naming marinig ang huling bilin niya saamin.

Mahina lang dahil nandito pa ako sa loob kaya hindi sila makapag-ingay nang malakas ngunit oras na lumabas na ako lahat nang pinipigilan nilang ingay ay parang bulkan na sasabog.

Sino ba namang hindi susulitin ang ingay kapag nawala na ang nagiging dahilan upang bumara ang yong lalamunan. At ako ang bara nila sa lalamunan sa tuwing nagkaklase.

Maging ang mga teacher na humahandael saamin na every time na tutunog ang bell ay nagmamadaling umalis sa silid and the reason is its all because of me. Kulang na nga lang wag na silang pumasok saamin or should I say na wag nalang akong pumasok para wala silang problema.

Ako na kinakatakutan at inaayawan na makita at makahalubilo nang mga tao. Ako na pinangdidirihan at pinag-uusapan ng bawat estudyante maging mga guro. Ako na walang muwang sa mga pangaakusa nila saakin at panghahamak. Ako, ako, ako puro nalang ako!!! Chos! lang ang drama, bwahahahaha.

Sinimsim ko na ang aking mga gamit at tumayo na.

Tumahimik ang buong klase nang ako'y tumayo at sabay-sabay silang yumuko.

Walang nangangahas na sabayan ako sa paglabas nang silid. Ako ang lagi nilang pinapaunang lumabas imbis na sila ang magunahan. Hindi ko alam kung kelan ng simula ang ganitong patakaran. Basta napansin ko nalang na walang lumalabas pag lumabas ang Prof. namin.

Mga abnormal talaga sila ang gumagawa nang sarili nilang multo. Bahala sila basta ako maganda, matalino at sexy paki ko sakanila. Ramrampa na ako palabas nang seldang ito.

Pagkalabas ko nang silid ang madilim na ulap ang aking unang natanaw at ang pagguhit nang matutulis at nagliliwanag na kidlat sa langit. Tumingin ako sa kaliwa’t kanan nang malinis, walang ingay, walang estudyanteng nagkalat sa corridor. All in all I own the hallway again. Tulad ng aking mga kaklase na wala pang balak na sumabay saakin pagbaba, maging ang mga katabing silid ay nakigaya na din. Papaunahin muna nila akong bumaba bago sila magsipaglabas.

Dito sa aming building ako ang katumbas nang isang white lady yun nga lang in a day light. Takot silang lahat na masilayan ako kaya hindi agad sila lumalabas.

Napabuntong hininga nalang ako bago inayos ang aking fake reading glass at full confident na simulang humakbang.

Sarado lahat nang pinto maging bintana sa bawat room na aking dinadaraan. Ni ingay nang tawanan, kwentuhan at asaran ay wala akong naririnig para bang nakikiramdam sila upang malaman nila kung dumaan na ako.

Nahagip ng aking paningin ang medyo nakaawang na bintana na agad ding isinira nang kung sino mang estudyante nang mapansin siguro na tumingin ako.

Nakarating ako sa hagdan na wala pa ding lumalabas ni isa sakanila. Nagkibit balikat nalamang ako at itinuloy ang paghakbang pababa ng hagdan. Bale nasa forth floor ang department namin kaya medyo malayo pa ang lalakarin ko bago matungo ang canteen.

Di ko pa ata nababangit na I'am taking BS Entrep as a irregular student pero full scholar. Kinuha ko ang course na'to kasi gusto ko magtayo nang sariling negosyo gamit ang talentong mayroon ako. Althought hindi ako maituturing na Prof. sa larangan ng photography but I had given a few awards nang isali ko ang ilang art piece ko sa mga contest. Siguro pag may budget na ako mageenroll nalang ako ng photography kahit tutorial lang.

WHEN THE NIGHTMARE AND SCARECROW AND MEETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon