Family
“Hello??”
[Oh HEllow!!Dhae!!]-sigaw sakin ni Chae.
Tinawagan ko sila para magsinungaling kong nandun man si papa. Pero nandito napala ako ngayon sa loob ng taxi. Papuntang bahay. Mukang 15minutes pa bago ako makarating sa bahay.
[Oh, bakit ba Dhae, ang AGA-AGA!!!!!!!!]-Jhae
[Hi]-Thae
“Kailangan ko yung tulong niyo!”
[Ano yon DHAE!!!!]-Chae.
“Makinig kayong tatlo, papunta na ngayon diyan si papa sa mga bahay niyo kung sino man sa mga bahay niyo ang mauuna niyang puntahan kailangan niyong sabihin sa kanya na umuwi na ko. Gumawa ako diyan ng group project sa bahay niyo kagabi kaya dyan ako natulog at ngayon pauwi na ko!!”
[WHATTTTTTTTTTTT??????????????] –Chae.
[Ano??SAN KA NATULOG DHAE!!!???] –Thae.
[OMG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!] –Jhae.
“Pwede ba wala nang madaming tanong kailangan niyong magsinungaling kay papa. Alam ko naman na magaling kayo don!”
[San ka ba kasi natulog!?!?!]-Chae
[OMG!!!]-Jhae
[Ikinahihiya kita!!]-Thae.
“Ikukukwento ko mamaya magkita tayo sa mall libre ko. Pero magsinungaling muna kayo diyan!! BABYE!!”
Bigla kong ibinaba ang phone. Alam ko naman kasi na kapag hindi ko pa to ibaba mamimilosopo naman silang tatlo.
“Manong pwede po bang pakibilisan niyo po” –sabi ko kay manong driver.
“Nake eha , nagmamadale ka be?” –sagot ni mamang driver.
“Opo manong kaya naman pakibilisan po.”
“Osege eneng bebelesan naten”
Naku naman si manong matanda na hindi na marunong magpantig ng O at U nagtatrabaho parin.
Sa wakas nga nakadating narin kami dito. At naku si Kuya!
“Salamat manong!!”
Dali-dali akong lumabas sa taxi.
“Kuya!! Nandyan na si Papa?”
“Wala pa princess bilisan mo na dun at magbihis ka na!” -Alexander
Tumakbo ako sa kwarto ko at nagbihis agad. Tsakto naman na paglabas ko sa closet ko may kumatok sa pintuan.
“Princess si papa..” –Alexander
“Sige kuya salamat, bababa na ko!”
Dali-dali naman akong lumabas at pumunta sa sala. Patay nandon nga si Papa.
“Papa…” –bigla akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi.
“Oh my beautiful krystal” –sabi ni papa at niyakap ako.
“Oh papa, narinig ko dito na nagpunta daw kayo sa bahay ng kaibigan ko?”
“Ah, Oo maaga pa kasi akong dumating dito kanina galing Seoul, excited pa naman akong makita yung princess ko, kaso nabalitaan ko na wala ka dito kaya napagpasyahan kong sunduin ka.”
“Papa, sa susunod hwag niyo nakong sunduin narunong akong pumunta don kaya marunong din akong umuwe. At pagod din kayo papa kailangan niyo ring magpahinga.”
“Hindi ako makakapagpahinga kong alam ko naman na hindi ko pa nabibigyan ng oras yong princess ko..at tsaka nga pala kailangan na nating umalis ngayon mag-ayos ka na.”
“Pero papa, san naman tayo pupunta?”
“May kailangan lang tayong imeet matagal ko narin kasi silang hindi nakita eh.”
“Pero papa, sino naman sila at isasama niyo pa ko?”
“Yung mga Pearson.”
“Ha??Baket?”
“Wala nag set up na kasi ako namag-uusap kami importante iyon kaya sama na rin kayo ni Miracle at kuya Alexander mo.”
“Pa ayaw kong sumama may date ako, si Krystal nalang at Miracle.”-Alexander.
“Ikaw talagang bata ka…Oh, Krystal ikaw nalang yung hinihintay kailangan mo nang magbihis.”
“Ahh,papa pwede po bang hindi din ako sumama si Miracle nalang..Please..”
“Anak, yung mama mo sasama din. Nakakahiya naman sa tita at tito mo na si Miracle lang yong bitbit namin. Sige na princess.”
“Ahh..sige po..”
“Isa pa Krystal nandon naman si Leed, ayaw mo ba siyang makita?” -papa
“AH…hindi naman po sa ganon ..sige po magbibihis na ko.”
BINABASA MO ANG
The Teardrops in My Umbrella♥
Teen FictionThe Teardrops in my Umbrella :) (C) 2014 (Sehun-EXO)(Krystal-F(X)) KRYOHHH Read, Vote, Comment and Be a Fan :)