Prologue

96 1 1
                                    

"Don't worry, kung mahulog ka man sakin, sasaluhin kita."

"Kung maging tayo man o hindi, hindi parin kita papabayaan."

"Iniisip mo siguro yung future natin 'noh? Wag ka mag-aalala, mangyayari din yan."

"Kung saang lupalot ka man ng mundo, hahanapin parin kita."

"Take a picture, it lasts longer."

'Yan ang mga katagang sinabi mo saakin noon. Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo lang akong mahulog sayo, pinabayaan mo ako, iniwan, at binaliwala. Binitawan mo 'ko.

"Manhid ka ba talaga?"

Tinanong kita niyan dati at hindi ko inaasahan ang sagot mo.

"Oo, bakit?"

Alam mo ba kung gaano mo ako nasaktan nang dahil sa sinabi mo?

Akala ko nung una, naglolokohan lang tayo. Akala ko, parehas tayo ng nararamdaman. Akala ko, hinihintay mo lang akong umamin sayo. Akala ko lahat nang sinabi mo, mangyayari.

Umasa ako. Umasa ako na sana maging tayo, na sana lahat ng sinabi mo, mangyayari

Pero nagkamali pala ako.

All Rights Reserved 2014

©samantharossleano

Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon