Sweet Dreams

72 3 1
                                    


Kanina pa sya tulalang nakatitig sa hawak na baso. Mahigit isang oras na rin ang nagdaan nang magsimula syang uminom habang nakaupo paharap sa hanay ng mga mamahaling bote ng alak. Anim ang counter stools sa kanyang home bar na pinasadya pa nya para magkasya. Hindi kalakihan ang espasyong nasakop ng bar pero merong back door na nagkokonekta papunta sa kanyang mini garden kanugnog ng maliit na pool. Madalas gawing tambayan ng tropa ang kanyang bahay dahil cozy at masarap daw magrelax. Sabagay, medyo malayo sa ingay ang lugar na 'yon sa Pasig. Maganda rin ang lokasyon ng bahay nila sa Paranaque pero nagdesisyon na syang bumukod mula nang mag-college sya. Bukod pa sa medyo malayo ang byahe nya pagpasok sa school kung sa bahay pa nila sya magbubuhat.


Dating maliit na bungalow ang bahay nya ngayon. Rest house ito ng pamilya pero madalang nang matauhan. Kaya noong hiniling nya na doon na sya magstay, agad naman silang pumayag. Pina-renovate nya ng konti at dinagdagan ng special sections ang bahay. May second floor pero ilang baitang lang ang hagdanan kaya hindi rin kataasan ito. Dalawa ang kwarto sa itaas, isa para sa kanya at isa na ginawa nyang 'base'. Sa ibaba naman ay isang guest room at ang home bar na halos parte na ng sala at kusina.


Nilagok nya ang natitirang laman ng baso at napatingin sa pinto ng kanyang kwarto. She's there. I'm not dreaming, right? Hindi pa rin sya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari ngayong araw. Nagbuga sya ng malalim na buntong-hininga at muling binasa ang nakasulat sa id na nakapatong sa countertop. Dinukot nya ang cellphone sa bulsa. Ilang segundo lang at busy tone na ang narinig nya. Muli syang nagdial at sa pang-apat o limang ring ay narinig na nya ang inis na boses sa kabilang dulo.

'Goodness! Ard! Alam mo ba kung anong oras pa lang?!', angil nito.

'Sorry.'

Narinig nya ang pagbuga nito ng hangin. 'Right. What is it, insan? I know it's something urgent para tawagan mo ang pinakamamahal mong pinsan sa dis oras ng gabi,' mahabang litanya nito. 'I hope it's not a woman, eh? Oh, that's unlikely,' sabay tawa ng kausap.

He cleared his throat. 'Arrrhhmm...,' Bakit nawalan ata sya ng boses. Tumikhim syang muli.

'Ahm, you know, I'm with this girl and I don't know.....'

'Whaaaat? Babae nga! Just wait until Tito and Tita hear about this! Hahaha! Yan lang ba? Grabe hindi mo na dapat inistorbo ang tulog ko. Go for it, man!'

'Would you please shut up and hear me out first?' yamot na singhal nya sa pinsan. 'I need your help.'

Huminto ito sa pagtawa at tumahimik. Now his cousin is serious, thank goodness.

A minute of awkward silence passed.

'Hey, Mr. Richard Miguel Rodriguez, don't tell me naka-aksidente ka?', seryosong tanong nito.

Napakunot ang noo nya sa narinig. 

'Wala pa akong nababangga sa ilang taon na nating pagmamaneho. Alam mo yan higit kanino man kaya bakit mo.....Oh, shit! Wala akong nadisgrasya or whatever! Baka ikaw meron?'

'Hahaha! Masyado ka naman insan. But, defensive ka ata? And you're talking a lot, too. That's rare. Something's really up. Ano ba yon?', naghihikab na wika ng pinsan.

He paused for few seconds before speaking. Tinatantya kung ano magiging reaksyon ng kausap.

'Connect me to the 'guys' at your school. I think I've got what they're searching for. Very precious one.'

Matagal bago nagawang magsalita ng pinsan nya. Tulog pa siguro ang brain cells nito.

'What did you say?! Wait, insan. Ano yang pinasok mo?! Don't get involve with them! Magulo ang mundo nila!' Hysterical na litanya nito.

Memories Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon