Prologue

10 0 0
                                    

3rd Person's Point of View.

"Dom, bumaba kana rito. Nakahain na ang pagkain." Tawag ni Doña Marga sa kanyang Bunsong anak na si Dominique.

Pinipili ni Doña Marga na sya na lamang ang tumawag kay Dom para kumain dahil iniintindi nito ang hindi pakikipag-usap sa ibang tao. Labag man sa kalooban ng Doña ay iniisip na lamang niya ang kanyang anak.

Bumaba na si Dominique mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at tumungo sa kanilang dinning area.

"Dominique, hindi na ako makakapayag na ipagptuloy mo ang iyong home study. Tignan mo ang mga kapatid mo. Pumapasok sila sa mga kilalang unibersidad at maraming kaibigan." Biglang sabi ng padre de pamilya ng Porsilla na si Damien Porsilla sa anak na si Dominique.

Ngunit titig lang ang natanggap nitong sagot mula sa anak nito.

Kahit naguguluhan ay pinili nalamang ng mga kapatid ni Dominique na manahimik na lamang.

Dati ay masayahin at madaldal itong si Dominique. Pero biglaan na lamang itong naging tahimik. Ang pinaka malapit niyang kapatid na si Christian ay hindi maunawaan ang biglang ikinilos ng kanyang kapatid.

Ang panganay naman na si Demitri ay nangangamba rin sa naging pagbabago sa kanilang kaisa-isang kapatid na babae.

Si Jovan naman ay inoobserbahan at binabantayang maiigi ang ikinikilos ng kanilang kaisa-isahang prinsesa sa pamilyang Porsilla.

Someone's Point of View.

"Dominique Nicola Porsilla, bakit ka nga ba nagbago at ano ang nagpabago sa masaya, makulay at maingay mong buhay. Kailangan kong alamin ang lahat sa likod ng pagbabago ng iyong pagkilos, ngunit kahit ano pa man ang dahilan mo ay mapapasaakin ka at walang makakapigil saakin."

Plagiarisim is a crime.

SpeechlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon