Kim's Pov
Ang tagal din hinintay ni Ara yung pagkakataon na mag propose siya kay Bang. Maigi na nga lang at nagtiis at nagtiwala silang dalawa sa isa't isa. Nung umalis si Mika a year ago di pa din siya nakakabalik hanggang ngayon. Nagpasabi na lang siya ng pabati para sa dalawa. Ayun nga nung nasa batangas nga kami.
Yung dahilan pala niya kung bakit di siya nagpasabi o nagpaalam nung umalis siya 6years ago eh mabigat nga naman. Nagkita kami sa States ng di inaasahan at dun ko nalaman ang dahilan niya.
Flashback....
Katatapos lang ng 1st anniv nila Ara at Bang. Pangako niya sakin pag naging successful daw yung suprise niya with Bang treat niya daw ako ng 1week vacation to US.
Ayun naging successful naman at ngayon nandito ako sa NYC. Naglilibot. May pocketmoney din siyang pinabaon sakin. Hay. Siya na ang mayaman. Hahaha.
Habang naglalakad ako sa park may nakita akong bata na nagtatakbo. Takbo lang siya ng takbo dahil na din sa bula na lumilipad. Hanggang sa di inaasahan nadapa siya.
Umiiyak na siya na ang tagal bago may lumapit sakanya kaya lumapit na ko upang patahanin siya.
Ako: Hey.. (hug) shhhh. Stop crying.
Girl: Huhuhuhuhu... huhuhu.
Ako: Are you ok? Hush baby...
Girl: Ang sakit po. Ang sakit ng tuhod ko po.
Ako: Patingin ako? (sabay tingin sa tuhod) Hala baby. Dumudugo. Teka lang.
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang dumudugo niyang tuhod. Pinunasan at hinipan ko ang sugat niya dahil mahapdi. Nang tumigil na ang pagdugo di na din siya umiyak.
Nagtama ang mga mata namin. Tiningnan ko ang bawat angulo ng mukha niya. May kamukha siya. Sa mata. Sa ngipin. Iisa lang ang may ganung mga ngipin.
.....: Mhyca nasan ka? (sigaw ng isang babae)
Teka yung boses na yun. Kilala ko yung boses na yun.
....: Anak ko? Nasan ka na? (garalgal na sigaw ng babae)
Lumingon ako kung nasan yung babaeng sumisigaw. Paglingon ko nakita ko agad siya. Nagkatama ang mga mata namin.
Ako: Mika.....
Pabulong ko nasambit ang pangalan niya. Parang nastatwa siya ng makita niya ako. Lumapit ako sakanya dahil hanggang ngayon di pa din siya umiimik.
Ako: Mika....
Mahina ang boses ko nung tinawag ko ang pangalan niya. Nagulat siya ng nakita niyang nasa tapat na niya ako.
Mika: Kim....
Ako: Ako nga Ye. Kamusta kana?
Mika: O-okay lang. Kunin ko na muna yung anak ko.
Ako: Ako na lang ang magbubuhat. Gusto ko lang siya mayakap. Ewan ko pero tingin ko ang bait ng batang to.
Mika: Oo Kim. Mabait talaga yang bata na yan. Napaka bibo. Napaka masayahin niya.
Kim: Saan ba ang punta niyo niyan ngayon?
Mika: Pauwi na kami. May binili lang ako. Sabi ko sakanya dito lang muna siya at saglit lang ako.
Ako: Miks alam ko nanay kana. Pero sana kahit iwan mo siya magpabilin ka naman kahit isa sa mga tao dito. O kaya sinama mo na lang siya.
Patama ko talaga yun sakanya. Kasi hanggang ngayon di pa din niya sinasabi ang dahilan niya kung bakit siya umalis after ng graduation.
Mika: Kim....
BINABASA MO ANG
Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )
FanficNaisipan ko lang po silang gawan. Comments and Violent reaction okay lang po. Thank You.