Chapter 3

74 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sa kanilang paglalakad sa gitna ng kagubatan ay may napansin si Zeig sa daan. Mayroon kaseng mga bakas ng paa na kung di siya nagkakamali ay mga paa ng mga goblins. Delikado ito, bukod sa mga malalakas na werewolf, malaking problema din ang dala ng mga goblins.

"Kailangan na nating makaalis dito!"

Halata sa mukha ni Zeig na nag aalala siya sa maaaring mangyari sa kanilang tatlo. Para kaseng mauuulit na naman ang nangyari sa nakaraan na ayaw na niyang balikan at alalahanin pa. Sana pala ay hindi na niya tinanggap ang kasong ibinigay sa kanya. Pero dahil sa laki ng pabuya at dahil na rin sa dami ng utang niya, kailangan niyang gawin ito.

Detective Zeig or Hunter Z, isang legendary bounty hunter na ngayon ay isa na lamang pangkaraniwang detective ay tinanggap ang kasong iniutos sa kanya ng hari. Kailangan niyang imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa kanilang kaharian. Ang mga pinapatay kase ay ang mga ELDERS. Ang tatay ni Cloud ang ikalabing isang biktima. Naiinis siya sa sarili niya dahil nahuli sila ngunit ang malamang ang DARK KING pala ang kalaban ay nangangahulugang may malalima na dahilan kung bakit sila pinapatay. At ang misteryong iyon ay kailangan niyang tuklasin. Isa na lamang ang nabubuhay na Elder na sa pagkakaalam niya ay nasa mahabang paglalakbay sa kanluran. Kailangan nilang mahanap ito ngunit sa ngayon ay kailangan muna nilang makabalik ng kastilyo upang balaan ang hari na hindi basta basta ang kanilang kalaban.

Muling umalulong ang mga lobo dahilan upang magpanic ang binatang si Cloud.

"Zeig, paparating na sila" sabi ni Tina.

Sunod ay nakarinig na sila ng mga yabag ng mga paa. Palatandaan na ang mga werewolf ay pinapalibutan sila.
Tanging ang liwanag lang ng buwan ay kanilang ilaw sa mga oras na ito. Isang bagay pa ay kumakapal na ang mist o fog sa paligid. Dahil dito ay mas mahihirapan silang makita ang kalaban.

"Aahhhh!!!!!" Sigaw ni Cloud na kapag narinig mo ay tiyak na kaaawaan mo siya.

Maya maya pa ay tumalsik si Cloud at bumangga sa puno. Kitang kita ang dugong umaagos sa kanyang balikat. Malalim na kalmot ang kanyang natanggap mula sa mga werewolf.

"Aaarraaayy!!!"
"Kumalma ka!" Sigaw ni Zeig habang lumalapit kay Cloud. " Tiisin mo muna iyang sugat mo. Hahanap ako ng paraan para makatakas tayo dito." sabi niya ngunit tuluyan ng nahimatay si Cloud.

Masama ito. Hindi makakalaban si Zeig dahil buhat buhat niya si Cloud. Hindi niya naman pwedeng pabayaan ito dahil kargo na nila ito.

"Oh Dios ng bituin at ng kalangitan, dinggin ang aking panalangin, bigyan mo kami ng liwanag pangpuksa sa kadilimang ito." Sabi ni Tina na tila nag eecho ang boses sa paligid. "Tumakbo na kayo!"
"Pero paano ka?"
"Ipangako mo nalang na papatayin mo ang Dark King"
"Tina!!!!"

At biglang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag ng mga oras na iyon. Kinuha naman iyong pagkakataon ni Zeig upang tumakas kasama si Cloud.

Samantala, pagkawala ng liwanag ay parang tumigil ang mundo ni Tina ng bigla siyang sugurin ng mga goblins. May humablot sa buhok niya dahilan upang siyay mapahiga sa sahig. Ang kanyang libro naman ay pinagpira piraso ng mga maliliit na nilalang na ito. Nakasuntok pa ng ilang beses si Tina ngunit dahil sa dami ng kalaban ay di na siya nakapanlaban pa.

Alam na niya ang naghihintay na bangungot sa kanya sa kamay ng mga goblins na ito.

Isa isang sinira ng mga goblin ang kanyang kasuotan. Dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ng mga goblin ay di na siya makagalaw. Nang wala na siyang suot na damit ay duon na siya sinimulang lapastanganin ng mga halimaw na ito. Pinaglaruan siya ng pinaglaruan hanggang sa hinila na siya papunta sa kanilang lungga. Doon ay magiging kasangkapan ang kawawang dalaga, kasama ng iba pang mga dalaga, upang makapagparami ang mga goblins sa lugar na iyon.

Ang paulit ulit na pagbayo sa kanya ng mga halimaw ang naging dahilan upang mawalan siya ng pag asa at mawala siya sa katinuan.

****

Ang nangyari kay Tina ay isang bagay na alam ni Zeig na mangyayari ngunit wala siyang nagawa. Sa kabila ng pagtakas niya ay ang patuloy na paghabol sa kanya ng mga werewolf. Alam niyang sa ginawang iyon ni Tina ay kailangan pa niyang magpalakas upang magapi ang kalaban.

"Pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito." Ang tanging nasabi na lamang ni Zeig sa kanyang sarili. Naulit na naman kase ang bangungot ng nakaraan. Ang isang alaalang ayaw na niyang balikan pa.

Halos maubos na ang lakas ni Zeig nang makarating sa gate ng kastilyo. Sa ibabaw ng mga pader ay nakaready na ang mga sundalo na patamaan ang mga were wolf na humahabol sa kanila.

Ayos na sana ang lahat ngunit dahil sa isang suntok sa tiyan na natanggap ni Zeig mula sa isang aninong alagad ng Dark King ay mukhang magkakanda leche leche pa ata ang lahat.
Ang kilabot na nararamdaman ngayon ni Zeig ang nagpapatunay na ang Dark King ay nakatayo mismo sa kanyabg harapan...

LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon