Chapter 4

51 2 0
                                    

Nagising na lang ako sa kingdom hall.

Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos akong atakihin ng werewolf pero nabigla ako sa nakita ko. Kalat kalat kase ang mga katawan ng mga sundalo at mga knight ng aming kaharian. Putol putol, pugot ang ulo, pati lamang loob ay nagkalat sa paligid.

Ang dating magandang hall ay tila naging katayan ng baboy dahil sa massacre na naganap.

Ang masama pa rito ay may mga babaeng sundalo din akong nakita. Hubot hubad sila at wala na ring buhay. Di sila namatay dahil sa kanilang mga sugat, namatay sila dahil sa labis na paglapastangan sa kanila ng mga halimaw.

Tila pinanghinaan ako ng tuhod at hindi ako makatayo ng maayos dahil sa nakikita ko. Sa gawing gilid ay nakita ko si Zeig na nakaupot nakasandal sa pader habang naninigarilyo. Bakas sa mukha niya ang matinding galit at kalungkutan dahil sa nangyaring ito. Sa tingin ko ay hindi ko siya makakausap ng maayos kaya minabuti ko na lamang na maglibot sa hall, nagbabakasakaling may buhay pa sa mga bangkay na naririto.

Ang sangsang ng amoy ng paligid. Ilang beses din akong napasuka dahil sa nakakakilabot na tanawing ito. Maya maya pa ay nagulat ako ng mapag alaman kong hawak hawak ko pa rin ang puting libro. Kung ano mang meron dito ay sana magamit ko upang makapaghiganti sa mga kalaban.

Napakalakas talaga ng pwersa ng kadiliman. Ang aming kaharian na tinaguriang isa sa mga paborito ng mga diyos ay nilupig lamang ng kalaban sa loob ng isang gabi. Mula sa bintana ay makikita ang mga bahay at establishment na nasusunog may mga hayop ding buhay at nagkalat. May mga bangkay ng matatanda at mga bata halatang kinain ng kung anumang uri ng halimaw ang sumugod dito.

Di ko alam kung papaano pero masaya ako at nakaligtas ako. Alam kong dahil sa pangyayaring ito, sa akin nakasalalay ang paghahanap ng hustisya para sa kanila at aming kaharian.
"P-a-k-i-u-s-a-p"

Napalingon ako sa bandang kanan ng makarinig ako ng isang tinig ng babae. Di ako maaaring magkamali, ang babaeng iyon ay si Maestra Eva, ang aming guro sa mahika. Dali dali akong lumapit sa kanya upang siyay tulungan. Wala siyang suot na damit at ang puting likidong nakakapit sa kanyang pagkakababae at sa ibat ibang parte ng kanyang katawan ay patunay lamang na siyay nilaspatangan ng higit pa sa dalawang halimaw.

Kaagad kong inalis ang mga putol putol na bangkay na nakadagan sa kanya. Pagkatapos ay kumuha ako ng pangtakip sa kanyang katawan.

"Maestra" sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay. Tila nanghina ako lalo nang maramdaman kong malamig na ang kanyang kamay.
"Pa-ta-y-in .. mo.. na.. a..ko" pagsusumamo nito sa akin.

Hindi ko kaya. Wala akong lakas para doon. Isa siya sa mga pinakamabait na maestrang nagturo sa akin kung paano mabuhay bilang mage. Hindi ko basta basta kayang sundin ang gusto niya.

Biglang lumapit sa amin si Zeig at nagulat ako nang saksakin niya ang leeg ni Maestra Eva ng isang espada. Bagamat ganoon ang nangyari, ay nakangiti ang maestra habang tumutulo ang luha sa knyang mga mata. Pagkatapos nito ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.

"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko.
"Dahil yun ang hiling niya." Sagot nito. Cold na siya ngayon.
"Pero ba...kit?" Hindi ko na napigilan ang aking luha sa pag agos sa aking mga mata. "Bakit ba nila sinugod ang kaharian. Bakit nila pinatay ang aking ama  at ang lahat ng tao dito? Bakit?"
"Hindi ko alam. At yun ang aalamin natin" walang emosyong sagot nito. "Mag impaki ka na ng gamit. Aalis na tayo sa lalong madaling panahon."
"Hindi ba tayo maghahain ng panalangin. Maaaring buhay pa ang mahal na pari" kailangan mapag alayan muna sila ng panalangin sa pamamagitan ng mahal na pari upang magabayan sila ng mga diyos sa kabilang buhay.
Walang sagot si Zeig sa akin ngunit may itinuro siya sa bandang itaas. Dahan dahan akong lumingon at muli akong napatumba dahil sa aking nakita. Ang katawan ng mahal na pari, nakapako sa pader, putol putol.

Ano ba kaseng nangyari? Bakit ganito? Ano bang hinahanap nila?

"Bilisan mo na lang kumilos baka mamaya tayo pa ang sumunod sakanila" pagkatapos nito ay tuluyan ng lumabas ng hall si Zeig.

Kailangan naming makapagpalakas. Kailangan naming mabuhay. Ang pangyayaring ito ay may ibig ipahiwatig. Kailangan naming malaman kung ano ba ang kanilang pakay...

"Ano, nakahanda ka na?" Tumango ako bilang sagot. "Halika na"
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa kaharian ng Aurum"

Dito magsisimula ang aking paglalakbay at pakikipaglaban sa mga kampn ng kadiliman. Di ko alam kung anong naghihintay sa amin pero isa lang ang sinisiguro ko, magpapalakas ako at tatalunin ko sila. Kung ang puting libro na ito ang makakatulong sa akin ay gagamitin ko ito.

Nagsimula na kaming maglakad.

LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon