Chapter 5

44 2 0
                                    

Hindi ko pa rin lubos maisip kung papaano kami nakaligtas sa mga nangyari sa aming kaharian. Papaano kaya kami nabuhay gayong ang lahat ng mga sundalo at mga naninirahan doon ay namatay na?

Gustuhin ko mang tanungin si Zeig ay di ko magawa dahil sa awra nito pagkagising ko plaang kaninang umaga. Masyadong seryoso at napakalalim ng iniisip. Ayoko namang magsalita at baka may masabi akong di niya magustuhan. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako isinama. Pero magandang pagkakataon ito, kase kasama ko ang maalamat na Bounty Hunter na ngayoy isa na lamang detective, si ZEIG. Alam kong matutulungan niya ako kung paano lumakas at marami akong matututunan sa kanya.

***

Kami ngayon ay nasa aming paglalakbay papunta sa kaharian ng Aurum, ang isa sa pinakamatibay na kaharian sa mundo. Ayon sa kasaysayan, hindi pa nakakaapak ang Dark King sa lugar na ito dahil sadyang organisado at may patnubay ng mga dios ang kahariang ito. Isang magandang lugar para makapagsanay at lalo pang lumakas. Ipinangako ko kase sa sarili ko na ipaghihiganti ko ang kamatayan ng aking ama at ng lahat ng aking kababayan.

Siguro aabutin hanggang bukas ang aming paglalakbay. Pero ang daan patungo sa nasabing kaharian ay mapanganib din. Kanina lamang ay inatake na kami ng mga wild boar. Mabuti na lamang at napatay sila ni Zeig.

"Bata, alam mo ba na ang mga halimaw ay tao ang paboritong pagkain?"
"Oo naman bakit?" Nagulat at natuwa naman ako dahil sa wakas kinausap niya na rin ako. Ang hirap kaya na parang multo ka lang sa tabi niya. Pero malamig pa siya makipag usap, ayos lang basta alam kong babalik din siya sa dati, yung Zeig na nagligtas sa akin nung nakaraan.
"Pero alam mo ba na may ibat ibang klase sila ng pamamaraan kung kainin ang tao? Tulad ng goblins. Kapag lalaki ang biktima, papatayin agad nila ito bago kainin. Pag babae, lalapastanganin muna nila bago kainin. Sa kaso naman ng mga werewolf, uubusin ka nila habang humihinga ka pa. Ang mga ghoul naman ay patay ka na nga kakainin ka pa. Pero ang may ari ng footprint na ito, lulutuin ka muna para maging masarap na pagkain" paliwanag ni Zeig habang nakatingin sa isang footprint sa gitna ng daan.

"Sa hobgoblin ba yan? Malaki eh" tanong ko.
"Ogre"
"Ogre?"
"Mga berdeng nilalang na kumakain at nagluluto ng tao"

Kinilabutan na naman ako sa narinig ko. Grabe naman, akala ko kwentong bayan lang ang tungkol sa mga Ogre. Di pala, totoo pala yun.

"Ang mga Ogre ay nag iisip na gaya ng tao, skilled hunter din sila at di basta basta pinapakawalan ang kanilang target."

At nagsimula na naman ang mga ingay sa paligid. Nasa gitna kami ng kagubatan. At ang sinag ng araw ay hindi makapasok dahil sa kapal ng mga sanga at mayayabong na dahon ng mga naglalakihang puno dito. Mukha tuloy gabi dito.

Siguro ay panahon pa para gamitin ang regalo sa akin ni Papa. Ang white book na ito. Sa pagbukas ko ng libro ay nakaramdam agad ako ng kakaiba. Parang nadagdagan ang lakas ko at gumaling agad ang mga sugat ko. At nagkatotoo nga, wala na akong sugat.

Ayos na sana ang lahat ngunit walang nakasulat sa libro..

Lumapit pa si Zeig upang i check ang libro.

"Nawala ng mga nakasulat dito." Sabi ko. Napalingon si Zeig sa paligid bago ako muling kausapin.
"Marahil ay dahil sa nangyari kagabi. Sa gitna ng pagsugod at pag ubos ng kampon ng Dark King sa inyong kaharian ay biglang nagbukas ang puting libro at ang bawat letra na nakasulat sa libro ay lumabas at inatake ang lahat ng kalaban. Nagkaroon ka din ng proteksyon dahil sa libro na iyan."

Ibig sabihin, niligtas pala ako ng libro na ito.

"Kung wala nang nakasulat diyan ay wala na rin yang kwenta maliban na lamang kung maibabalik mo sa libro ang bawat letra. Pero malabong mangyari iyon. Sa ngayon ay tumakbo na muna tayo"

Kahit hindi ko na gets ang mga sinabi niya ay mabilis akong tumakbo dahil naramdaman ko ang sampung pulgadang Ogre na ngayon ay hinahabol na kami.

I refuse to runaway. I think Ive had enough to run.

"Cloud, ano ba?!"
"Di ako natatakot sa iyo!!!"

Binuksan ko ang libro. Di ko alam kung bakit ngunit may lumabas na dasal mula sa aking bibig upang gamitin ang white book.

"Oh mga dios, bigyan mo ng kaparusahan ang mga nilalang na kampon ng kadiliman. Mga dios na patas sa lahat ngunit galit sa masama, parusahan ang Ogre na ito. JUDGEMENT!!!"

At sa isang iglap ay biglang nagkaroon ng napakalakas na liwanag na kahit ako at si Zeig at napapikit. Di ko na alam kung anong nangyari sa Ogre pero mukhang ligtas na naman kami.

THIRD PERSON'S POV

Sa kaharian ng Aurum, lupain ng mga ginto, ay nasaksihan ng mga naninirahan at mga sundalo at ng royal family ang isang asul na liwanag na nagmula sa kagubatan. Lahat ng tao ay nag usap usap dahil dito.

Samantala, ang matanda naman na nasa paglalakbay ay nasaksihan din ito.

"Di ako pwedeng magkamali, ang liwanag na iyon ay galing sa Lux Invernus" sabi nito sa sarili.

LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon