Hindi ko alam kung anong nangyari pero pagkatapos mawala ang liwanag ay nakita na lamang namin ni Zeig na sunog na ang malaking Ogre.
"Anong kapangyarihan mayroon ka?" Tanong ni Zeig.
Hindi ko alam. Hindi ko alam ang isasagot. Ang puting libro na ito ay nagtataglay ng napakalakas na mahika na maaaring makatulong sa amin upang puksain at pagbayarin ang mga kalaban. Pero ano nga ba ang lihim ng puting libro na ito?
"Teka, wag mo munang isara ang libro. May nakasulat na oh"
Tiningnan ko ang sinasabi ni Zeig at heto, may nakasulat na spell, 'HOLY LIGHT OF JUDGEMENT'. Di ko alam ang ibig sabihin ngunit ang liwanag kanina ay sadyang makapangyarihan na pati ang ibang mga halimaw sa paligid ay nag atrasan. Pagkatapos kaseng mawala ang liwanag ay nakarinig kmi ng mga yabag ng mga paang tumatakbo papalayo sa amin.
Dahil dito ay napag desisyunan na naming ipagpatuloy ang aming paglalakbay. Mabuti na lamang at wala nang gumambala sa aming anumang uri ng halimaw.
Habang nagpapahinga kami ay biglang nagtanong sa akin si Zeig. Kanina pa kase siya nag iisip ng malalim at sa tingin ko ay may naglalaro na namang palaisipan sa utak nito. Detective siya eh, wala tayong magagawa doon.
"Cloud, ano ang madalas gawin ng Papa mo?"
"Magbasa ng libro"
"Anong klaseng libro?"
"Ahh, mga libro ng kasaysayan"
"Ano yung huling librong binasa niya bago siya namaalam?"Napatigil at napayuko ako sa huli niyang tanong. Naalala ko na naman kung papaano pinatay ang aking Papa. Hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dahil sa kahinaan ko nung mga oras n iyon. Pero dahil sa kanyang regalo sa akin, sisiguruhin kong maipaghihiganti ko siya.
Pero ano nga ba ang huling librong binasa niya? Sa aking pag iisip ay bigla akong napatawa ng wala sa oras.
"Bakit? May nakakatawa ba sa tanong ko?"
"Wala naman. Naalala ko na ang huling librong binasa niya na nakita ko. Lux Invernus."
"Lux Invernus?" Tanong ni Zeig na parang di makapaniwala kaya lalo akong napatawa.
"Nakakatawang isipin na ang scholar na tulad ni Papa ay nagbabasa ng mga pambatang storya hindi ba?"Hindi siya tumawa bagkus ay muli na naman siyang nag isip ng malalim.
"Anong kinalaman ng kwento ng Lux Invernus sa lahat ng mga pangyayaring ito?"
"AAHHHHH!!!"Natigil ang aming pag uusap nang may narinig kaming sigaw ng isang babae. Agad akong tumakbo upang saklolohan ito nang hindi man lamang pinakikinggan ang babala ni Zeig. Wala akong paki alam sa kanyang paalala. Ang mahalaga ay matulungan ko ang babae at maligtas na siya. Ayokong may mamatay pa na inosenteng nilalang dahil sa kahinaan ko.
Pagdating ko sa kinalalagyan ng babae ay nakita ko ang tatlong kalalakihan na nagbabalak pagsamantalahan ang magandang binibini. Wala nang saplot pang itaas ang dalaga at tanging ang kanyang mahabang buhok na lamang ang nagtatakip sa kanyang dibdib.
"Bitiwan niyo siya!"
"Kami ang nauna sa kanya."
"Tama. Maghanap ka nalang ng iba. Sa amin na ang babaeng ito."
"Saka bihira lang kaming makahuli ng ganito, ng isang birhen hahahahha"Walanghiya din talaga tong mga ito. Akala ko mga halimaw lang ang may kakayanang gumawa ng ganito. Nakalimutan ko na pala na mas masahol pa ang kayang gawin ng mga tao kaysa sa mga halimaw. Binuksan ko ang aking libro upang mag cast ng liwanag.
"Holy light of Judgement!!!"
Naghintay pa ako ng ilang segundo ngunit hindi gumana. Bakit? Babanggitin ko pa sana ang spell kaso ay nasapak na ako ng isa sa mga lalaki. Dahil dito ay hinawakan naman ako ng dalawa pa. At yung sumapak sa akin ay pinagsusuntok ako sa tiyan, sa mukha at sa ibat ibang uri ng aking katawan.
"Masyado kang pakialamero!"
Kainis.
Bakit hindi gumana?
Ganito na lang ba ulit ang mangyayari?
Lagi na lang ba akong talo?
Umaasa na lalakas pa kahit hanggang dito na lang talaga?
Ipinikit ko ang aking mga mata. Nag aantay ng suntok nila ngunit walang nangyari.
Pagdilat ko ay nakita ko na lamang na sinangga ni Zeig ang kamao ng lalaki."Sino ka naman?"
"Ako lang naman ang bangungot mo"Isa isang pinagbubugbog ni Zeig ang tatlong binatang manyakis. Napakagandang oportunidad ito na makita ang Legendary Bounty Hunter na nakikipagsuntukan sa mga kalaban.
Dahil dito ay tumakbo na papalayo ang tatlo.
Mabilis akong lumapit sa dalaga upang siguruhin kung ayos lang siya. Pagkatapos ay tinanggal ko ang aking kapa, proteksyon ko sa lamig, at ibinigay ito sa kanya upang magkaroon siya ng saplot pang itaas.
"Ayos ka lang ba?"
"Oo salamat. Mabuti na lamang dumating kayo. Kung hindi ay baka may ginawa na sila sa akin."
"Walang anuman, ako nga pala si Cloud"
"Sofia ang pangalan ko."
"Heto namn si Zeig"
"Zeig? Yung Legendary Bounty Hunter?"
"Detective Zeig na ngayon" paglilinaw ni Zeig na tila iniiwasan ang ganitong uri ng usapan.Sa gitna ng aming pag uusap ay biglang nagsipagdatingan ang mga sundalo at pinalibutan kami.
"Mga lapastangan!!!" Sigaw ng kanilang pinuno na isang Knight. "Anong ginawa ninyo sa mahal na prinsesa?!" Sabi nito habang nakatutok ang dala niyang sibat sa aking leeg. Manlalaban sana si Zeig kaso ay napapalibutan kami ng mga sundalo at lahat bg espada ay nakatutok din sa amin.
"Dalhin sila sa palasyo. Doon sila bibigyan ng kaparusahan."
"Pero wala kaming ginawang masama! Bagkus ay tinulungan pa namin siya"
"Sa kaharian ng Aurum, isang kasalanan ang mahawakan at makausap ang mahal na prinsesa."At dinala na nga kaming bihag doon..
BINABASA MO ANG
LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)
FantasyLux Invernus Isang sandatang ginamit ng mga tao laban sa dios ng digmaan na may basbas ng ibang mga dios noong unang panahon. Isang alamat at pambatang istorya. Pero sabi nga ng matatanda, bawat alamat ay may tinatagong katotohanan..