Chapter 7

38 2 0
                                    

Nagising nalang ako na nasa loob na ng isang kulungan. Ang malas talaga, tinulungan na namin yung prinsesa, napasama pa kami. Tapos yung knight na iyon, akala mo kung sinong magaling nakakabadtrip.

Sa kabilang sulok ay wala pa ring malay si Zeig. Di ko talaga lubos maisip na mapaparusahan kami dahil sa paghawak ko sa prinsesa. Hindi ko naman alam na may ganung batas sa kahariang ito. Sa tingin ko masyado atang OA ang batas na ito. Bakit nga kaya?

Ilang saglit pa ay nagising na din si Zeig at kasabay nito ay napansin ko na kanina pa pala ako pinagmamasdan ng mga kasama naming preso sa loob ng kulungan. Oo, may mga kasama pala kami na kanina pa nakatingin lalo na sa akin.

Napalunok ako nang mapansing may kakaiba sa mga titig nila. Kinabahan ako bigla. Eto ba yung nababasa ko sa ibang mga istorya na dahil sa tawag ng laman ang mga preso na ito ay ginagahasa ang mga bagong presong tulad namin?

Hindi maaari...

Hindi pwedeng madungisan ang aking pagkalalaki sa mga presong ito!!!

"W-wag kay-ong lalapit!!!" Sabi ko habang nagtatago sa likod ni Zeig.
"Kakagising ko lang eh, ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Zeig na tila wala pa rin sa sarili. Sana bumalik na siya sa huwisyo para maipagtanggol ko ang sarili ko.

Papalapit ng papalapit ang mga preso sa amin. Madami sila. Di namin kakayanin tong mga ito.

Ito na ba talaga?
Ito na nga kaya ang katapusan ko?

Virgin pa ako...

Hindi pwedeng sila ang makauna sa akin!!!!

Maya maya pa ay bigla silang nag atrasan at bumalik sa madilim na parte ng kulungan. Hayysss. Mabuti na lamang. Dumating pala ang pesteng knight na nagpakulong sa amin dito.

"Masuwerte kayong dalawa. Dahil sa utos mg mahal na prinsesa, di na kayo bibitayin" sabi ng knight na tila hindi masaya sa utos ng mahal na prinsesa.
"Di naman na pala kami bibitayin eh, bakit hindi mo kami pakawalan?" Tanong ko.
"Ang utos ng mahal na prinsesa ay di maaaring bumali sa batas ng kaharian. Maaaring nakaligtas kayo sa bitay ngunit kayo ay mananatili pa ring preso sa aming kaharian."
"Pwede bang ipaliwanag mo kung bakit bawal hawakan ang prinsesa? Para naman malinaw sa amin kung bakit kami nakakulong" tanong ni Zeig na base sa kamyang tono ay halatang naiinis ito sa mapagmataas na knight.
"At bakit naman ako magpapaliwanag sa mga presong katulad ninyo?"

At sa isang iglap dumugo ang ilong ng mayabang na knight. Hindi naging hadlang ang steelbars na pumapagitan sa amin para masapak ni Zeig sa mukha ang knight. Mabuti nga sa kanya.

Samantala, ang knight naman ay napatakbo palabas pero bago makalabas ay sinabihan niya kami na pagbabayaran daw namin ang ginawa namin sa kanya. Hahahaha buti nga sa kanya.

"Ngayon sino pa ang gustong dumugo ang ilong diyan?"

Halos di rin makalapit ang mga preso sa amin. Nakakatakot naman kase talaga ang hitsura ni Zeig. Siguro lahat ng galit niya ay nilabas niya sa suntok na iyon. Pero ngayon, ang kailangan naming isipin ay kung papaano kami makakatakas sa kulungang ito. Papaano nga ba kami makakaalis?

"Hahahaha, nakakabilib ka talaga Zeig"

Mula sa kabilang selda ay nagsalita ang isang lalaki.

"Top, ikaw pala yan"
"Sinong mag aakala na sa selda tayo magkikita, hahahaha" sabi ni Top. Mukhang kaibigan siya ni Zeig.

"Sino siya?" Tanong ko.
"Old friend"
"Bounty hunter din?"
"Oo."

"May alam ka bang paraan para makaalis dito?" Tanong ni Zeig.
"Bakit di tayo sumali sa PRISON TOURNAMENT?"

Prison Tournament? Ano yun?

"Kalayaan ba ang kapalit kapag nanalo tayo?"
"Oo pero dalawa lang ang pwedeng manalo."
"Kung gayon ay kailangan naming manalo para makalaya"
"Pasensya na kaibigan. Kung ikaw lang walang problema. Pero gusto ko ring makalaya, kaya di ako papayag na kayo ang manalo."
Nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Kung ano mang klaseng kalokohan  ang PRISONERS TOURNAMENT, kailangan naming ipanalo ito para makalaya sa kulungang ito...

LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon