Di ko talaga alam kung anong ginagawa ko dito. Bakit ba kase kami napasok sa gulong ito?
Napuno ng sigawan at hiyawan ang arena ng kaharian ng Aurum. Halos lahat ng tao ay nandirito. Ngayon kase ay nakatakdang maganap ang taunang prisoners tournament kung saan ang dalawang mananalo ay mabibigyan ng karapatang makalaya at malinis ang pangalan.
Narito kami sa bungad ng arena dahan dahang lumalabas. Isa ang aming selda sa dalawang masuwerteng napili upang makilahok sa taunang tournament. Ang kaharian ng Aurum ay may limang selda. Ang selda namin at ang selda na kinabibilangan ni Top ay kasali ngaun. Si Zeig ay kanina pa nakahanda ngunit tila may inaalala.
"Isang magandang magandang araw sa ating lahat. Maligayang pagdating sa taunang Prisoners Tournament!!!"
Lahat ng mga manonood ay napatingin sa nagsalita na ngayon ay nakatayo sa gitna ng arena. Nagtataka ako kung bakit tila nag iba ang awra ng mga kasali sa tournament.
"Kilala mo ba siya Zeig?"
"Nagpapatawa ka ba? O sadyang wala kang alam sa mundo? Ang nagsalita kani kanina lang ay ang isa sa tatlong kinatatakutang assassin sa mundo, THE JESTER"Kunsabagay, clown kase ang nagsasalita. Pero ang malamang isa siya dun sa three legendary assassin, kinikilabutan ako promise. Pakiramdam ko may kakaibang mangyayari sa araw na ito.
"May tatlong kinatatakutang assassin sa mundo. Angel of Death, isang assassin na ang target ay ang mga kriminal at mga masasamang loob. Para sa akin siya ang pinakamabait dahil nakatrabaho ko na siya noon, mahilig siya sa kutsilyo. Pangalawa, The Jester, mas malala ito dahil kung sino ang ipapatay ng naghire sa kanya papatayin niya. Isa rin siya sa mga pinakakinatatakutang nilalang sa mundo."
"At yung pangatlo?"
"Ang nilalang na gumagamit ng kadena. Wala akong masyadong alam sa kanya pero isa lang ang dapat mong isipin. Mapanganib siya."Halos napanganga na lang ako sa sinabi ni Zeig. Totoo naman kase eh. Delikado ang Jester na ito.
"Okay, mga kaibigan ang unang maglalaban laban ay ang ikalimang selda. Pumunta na kayong lahat sa gitna ng arena"
Sila ang una. Ano kayang mangyayari?
"Magandang tanong yan?"
Nagulat na lamang ako ng biglang lumitaw ang jester sa aking likuran. Lahat ng mga kasama kong preso ay napaatras, maging si Zeig at hindi rin makakilos dahil alam niyang sa isang maling galaw, matatapos ang buhay ko. Sinenyasan niya akong kumalma kahit ang puso ko ay sasabog na sa kaba. Ito pala ang pakiramdam kapag alam mong pwede ka nang mamatay.
"Wag kang mag alala. Wala akong gagawing masama sa iyo. Hindi pa naman kayo ang maglalaro eh so wala pa talaga"
Inakbayan niya ako bago muling nagsalita.
"At dahil espesyal ang taon na ito ay ganito ang magiging takbo ng laro. Ang ikalimang selda ay lalaban sa akin sa loob ng dalawamput limang minuto. Kapag nakaligtas kayo, makakalaya na kayo"
Nagkaroon ng mga bulungan at usapan ang buong arena. Lahat ay nagtataka ngunit sa karamihan, ito ay napaka interesante. Wala silang pake sa buhay ng mga preso, ang mahalaga ay nag enjoy sila sa panonood.
Tsk. Mga walang puso.
"Mukhang pumapayag na kayo" sabi ng Jester sabay labas ng isang orasan. "Bale ang orasan na ito ang magsisilbing buhay ninyo. Pag naubos, panalo kayo." Di niya pa rin ako binibitawan.
Maya maya pa ay naglatag siya ng mga sandata. Isang mahabang espada, pana at palaso, itak, palakol, barya at baraha.
"Pili lang kayo ng sandatang gagamitin ko." Sabi pa niya bgo niya ako iwanan. Pero bago siya umalis ay binulungan niya pa ako. "Sana makaligtas ka para naman may laruan akong maiuuwi"
Kinikilabutan talaga ako sa kanya...
Paglipas ng ilang sandali ay nakapili na ang mga preso: baraha ang napili nila dahil iyon ang pinakamagaang sandata at di iyon nakakapatay ayon sa paniniwala nila.
"Bakit parang tutol si Top sa desisyon nila?"
"Dahil ang sandata ng Jester ay ang mga baraha."Natatakot ako para sa mangyayari sa kanila ngunit mas natatakot ako sa maaaring mangyari sa amin. Makaligtas kaya kami?
"Itong baraha lang na ito ang kailangan ninyong iwasan para makalaya. Handa na ba kayo?"
Tumunog ang gong hudyat na nagsimula na ang unang bahagi ng Prisoners Tournament kasunod nito ay ang sigawan ng mga kalahok nito...
BINABASA MO ANG
LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)
FantasyLux Invernus Isang sandatang ginamit ng mga tao laban sa dios ng digmaan na may basbas ng ibang mga dios noong unang panahon. Isang alamat at pambatang istorya. Pero sabi nga ng matatanda, bawat alamat ay may tinatagong katotohanan..