Chapter 9

37 2 0
                                    

Halos tumakas ang kaluluwa ko dahil sa pagtalsik ng isang braso sa aking harapan. Grabe, ang nakikita ko ay hindi tournament kundi isang MASSACRE.

Ano bang tournament yung wala kang kalaban laban sa kalaban?

Badtrip.

Ang mga tao ay hindi na hyper gaya kanina. Ikaw ba naman ang makapanood ng ganito ewan ko lang kung matuwa ka pa.

Putol na kamay.
Pugot na ulo.
Hati ang katawan.
Laslas ang leeg.

Lahat yon ay dahil sa mga baraha ng Jester na yun. Take note, limang baraha pa lamg ang ginamit niya pero dalawampu na ang bagsak. Malapit nang matapos ang 25 minutes at patuloy pa rin sa pagtakas ang mga preso.

Tama, tumatakas na sila dahil natatakot na sila kay JESTER.

Kung ako rin ang nasa kalagayan nila ( na mamaya ay nandoon na nga) eas gugustuhin ko pang manatili sa selda kesa mamatay ng ganito.  Ayokong mapugutan ng ulo o maputulan ng kung anumang bahagi ng katawan dahil sa kahibangang ito.

***

Tatlong minuto na lang bago matapos ang lahat. Tatlo na lang ang buhay sa mga preso ng ikalimang selda. Si Top at dalawang binata.

"Sana, makaligtas si Top." Sabi ni Zeig. "Di biro ang kalaban nila. Pero hanga ako dahil tumagal siya sa kalaban nila na imposibleng matalo nila."
"Wag kang pakasisiguro, may isa sa kanila na kayang tapusin si Jester sa pamamagitan ng mga salita." Pagsabat naman nung isa sa mga kasama namin sa selda.
"Talaga?" Tanong ko.
"Oo, maniwala kayo sa akin. Ayun, ung may puting buhok. Isa yung bard."

Ahahaha.

May bard palang kasali. Panigurado madaldal iyon at maraming kuwento. Naaalala ko noon pag may bard na napapadpad sa aming lugar ay nagpapakwento talaga kami sa kanya. Bata pa ako noon at tuwang tuwa kami sa kanya. Nakakatawa kase at nakakatakot ang mga istorya niya.

Oo tama. Nagkuwento siya ng ibang version ng LUX INVERNUS. Sabi niya, hindi daw totoo ang nasa istorya dahil lihim ang kapangyarihan ng nito. Totoo daw at tanging ang mga pinili lang ang pwedeng humawak nito.

Hahaha. Puro kalokohan. Pero nag aalala ako at namamangha sa bard na kasama ni Top. Makaligtas kaya sila at saka ano yung sinasabi ng kasama naminna kapangyarihan gamit ang mga salita?

***
Di nagtagal, namatay yung kasama nila. Nahati sa tatlo ang katawan. Ang lakas ng halakhak ng Jester at siguradong kikilabutan ang lahat ng makakarinig nito. Nag umpisa na ulit siyang umatake, nakakailag pa rin naman si Top kaso , dahil sa dami ng barahang umaatake sa kanya ay nasugatan na siya sa kaliwang binti dahilan upang hindi na siya makatayo.

Tila kinabahan ako sa mangyayari. Ang baraha kaseng nakasugat kay Top ay bumalik kay Jester at dinilaan nito ang dugo sa baraha.

"Ikaw, nakakatuwa ka. Ikaw ang pinakamalakas sa lahat ng nandirito. Anong pangalan mo?" Tanong niya habang unti unting naglalakad papalapit kay Top. Punung puno ng dugo ang kanyang mukha at ang kanyang mga mata, walang dudang isa nga siya sa pinakakinatatakutang assassin sa mundo.

"Top"

"Ahhh. Bounty Hunter Top. Hahaha nakakatuwa naman na magkakaroon ako ng kalabang Bounty Hunter ang trabaho"

Hindi ko ata kaya ang susunod na mangyayari pero nagulat ako at kaming lahat ng biglang inakbayan ng bard si Jester. P*nyemas, saan nanggaling ang isang to?

"Alam mo may ikukuwento ako sa iyo, kaibigan" panimula nito. Magsasalita sana ang kausap pero tinakpan niya ang bibig nito. "Alam mo ba nung unang panahon, panahon pa ng mga halimaw ang namamayani sa mundo Terra Majika ay may isang tao ang naglakas loob na lumaban sa kanila."
"Tapos" mukhang nakuha namn niya ang atensyon ni Jester pero natatakot pa rin ako sa maaaring mangyari. Lahat kase ng baraha ay nakalutang at nakatutok sa bard.
"Siyempre, gusto niyang mapalaya ang mga tao kaya humiling siya ng kapangyarihan sa mga dios."
"Dios?"
"Oo sa mga dios. Tapos sumunod na nangyari ay binigyan siya ng sandata para kalabanin ang mga halimaw. At natalo ang mga halimaw. Ang galing diba?"
"Tinalo niya?"
"Hindi. Hindi niya kase kayang buhatin ang sandata dahil napakabigat nito."
"Eh papaano nataboy ung mga halimaw?"

Ang mga sunod na salitang lumabas sa bibig ng bard ay kakaiba dahil bigla itong nag echo.

"Kase dahil sa sobrang bigat nito nung bumagsak galing langit ay sumabog ito dahilan upang matakot ang mga halimaw. Sumabog parang BOOM!"

At bigla ngang sumabog ang orasan ng Jester..

Mabilis na kumawala ang Jester sa pagkakaakbay sa kanya ng bard.

"Tapos na ang oras. Panalo kami."
"Tsk. Inisahan mo ko dun ah."
"Kahit di ko pasabugin ay tapos na talaga."
"Mapanlinlang ka masyado, bard"
"Hahaha. Ganun talaga"

At lahat kami ay di makapaniwala dahil naisahan niya ang assassin. Sila ay nanalo at mabibigyan na ng kalayaan. Wow, ang galing.

"Ang talino"
"Wag kang mamangha. Tayo na ang susunod."

Tama. Kami na ang susunod na lalaban sa Jester...

LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon