Chapter 10

38 2 0
                                    

"At ang nanalo, Bounty Hunter Top at si Bard Sven. Palakpakan mga manonood!!!" Masiglang sabi ni Jester. "At gaya nga ng sinabi ko, kayo ay mabibigyan ng kalayaan. Bravo! Bravo! Ang galing! Hahahahahaha"

Lumapit sa amin si Top at saka nakipagkamay kay Zeig. Masaya naman si Zeig dahil ligtas ang dati niyang kaibigan. Pero paika ika itong maglakad saka dumudugo pa rin ang binti nito. Ganun ba talaga katalim ang mga baraha na iyon para makaputol ng katawan?
Maya maya ay sa akin naman lumapit ang Bard. Inakbayan din ako nito saka nagsalita. "Alam mo may kuwento ako sa iyo" hehe di ako nakahirit dahil tinikom na niya agad ang bibig ko bago pa ako magsalita. "Noong unang panahon, panahon pa ng mga dios ay nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan nila. At dahil sa digmaan na iyon kaya nagkaroon ng mga tao."
"Oh tapos?"
"Ang digmaan na iyon ang naging dahilan kung bakit ganito ang mundo natin, ang Terra Majika. Nagkaroon ng laban sa pagitan ng mababait na dios at masasamang dios. Alam mo ba kung sino ang nanalo?"
"Syempre yung mababait, lagi namang nagwawagi ang kabutihan sa kasamaan"
"Hahaha mali ka."
"So yung masasamang dios ang nanalo?"
"Mali pa rin."
"Eh sino?"
"Wala pa. Kase hanggang ngayon..." Ibinulong na niya sa akin ang sunod niyang sinabi. "Patuloy pa din ang digmaan nila. At eto ang malupit..." Eto na naman nag eecho na nmn ang boses niya. Di ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin nito kase wala man lang reaksyon kahit si Zeig.
"Ikaw, Mage Cloud. Kasali ka sa digmaan ng mga dios."
"Ano?! Nagpapatawa ka ba? Hahahaha ayos ah. Ako kasale?" Kinikilabutan ako pero tinatanggi ko lang kase may kakaiba akong nararamdaman sa mga sinasabi niya.
"Oo hahaha maniwala ka sa akin. Sa ngayon wala pa, kase tulog pa sila. Pag gumising na sila ulit."

Patuloy ang pagtawa ng Bard habang papalabas ng Arena. Buset. Di ko alam kung totoo o hindi yung mga pinagsasasabi nun eh. Kunsabagay, bard nga eh edi nuknukan ng daldal. At kadalasan, gawa gawa lang ang mga kwento nila. Walang katotohanan pero kinakabahan pa rin ako hahaha. Paano kung totoo? Pero imposible.

"Magfocus ka, bata" sabi ni Zeig na nakapagpabalik sa akin sa magiging sitwasyon namin mamaya. "Feeling ko parehas lang ang rules. Kailangan nating tumagal ng dalawampung limang minuto sa mga pag atake ng Jester."

Oo nga pala. Kami na ang lalaban. Lalaban o tatakas? Ah bahala na. Sama sama kaming pumunta sa gitna ng arena. May mga nakalatag kase na sandata, malamng papipiliin niya kami kung anong sandata gagamitin niya gaya ng laban kanina. Papalapit pa lang ako pero ramdam ko na ang tensyon. Samantala, si Zeig ay kinausap ang ibang mga preso. Mukhang may inihandang plano ang isang to. Kung ano man iyon ay sana umepekto. Ang Jester naman ay nginitian ako. Pero kakaiba ang ngiti niya. Nakakatakot.

"Humanda ka Cloud, alam ko ang ganyang ekspresyon. Halos ganyan din ang ekspresyon ng Angel of Death pag nakita niya ang target niya nung nagkasama kami sa trabaho. Nakalock na si Jester sa yo."

Sh*t. Ako pala ang target niya. Hindi pwede to. Kailangan kong makaligtas. Hindi ko pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking Ama at saka ng mga kababayan ko. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi ako papayag!!!

Nagfocus ako. Hindi ko muna pinagtuunan ng pansin ang paligid. Nasaan na nga ba ang aking libro? Simula nung hinuli kami at naging preso ay hindi ko na iyon nakita at nahawakan man lang. Nasaan ka na? Taimtim akong nagsalita.

"Inuutusan kita, aking libro. Bumalik ka na sa nagmamay ari sa iyo." Alam ko nag echo iyon sa buong paligid. Magsasalita na sana si Jester kaso natigil dahil sa sinabi ko.

Mula sa hangin ay nabuo ang aking libro. Ang libro na ibinigay sa akin ng yumao kong ama. Ayos. Makakalaban na ako ng maayos nito. Binuksan ko ang libro. May ilang spell na na nakasulat doon. Kabilang na dun ang unang spell na nagamit ko, ang Holy Light of Judgement.

"Nakakamangha, isa ka palang mage." Sabi ni Jester na tila mas lalo pang natuwa sa akin. "Sa inyong lahat, ang mga sandata na nakalagay sa inyong harapan ay maaari ninyong gamitin upanag makalaban sa akin. Sa loob ng dalawamput limang minuto, kailangan ninyong mabuhay para makalaya. Pasensya na pero hindi na mauulit yung nangyari kanina kase nasa harapan ko na ang TARGET ko."

Kumuha si Zeig ng isang espada. Yung pinakamaganda pa ang nakuha niya. Bukod sa matalim pang knight ang espada na ito. Hindi basta basta.

"Lahat kayo, kung gusto niyong makaligtas, protektahan ninyo si Cloud." Utos ni Zeig.
"Bakit naman namin gagawin iyon?"
"Kase pag namatay si Cloud, wala nang mabubuhay sa atin kahit ako mamatay din"

***

Muling nanumbalik ang sigawan ng mga tao. Inilabas kase ang isang malaking orasan na gawa sa purong mahika upang makita ng lahat ang oras ng aming laban. Nakaready na din ang Jester upang makipaglaban. Nararamdaman ko na malaki ang tsansang mamatay ako. Pero kahit na ganon, ibibigay ko ang best ko.

Tatlo.
Dalawa.
Isa.

Sa pagsisimula ng oras ay lahat kami ay naghiwa hiwalay. Napunta ako sa pinakadulo kung saan ay di agad ako maaabot ng Jester. Nasa front line si Zeig. Bagay na bagay sa kanya ang maging leader.

"Ayos. Nagkakaisa kayo laban sa akin. Para akong lumalaban sa mga pinakakamagagaling na sundalo ng isang maliit na kaharian. Oras na siguro para magseryoso."

Pagktapos sabihin ni Jester iyon ay namatay agad ang preso sa tabi ko. Nalaslas ang leeg hanggang sa nawakwak. Nasa malapit lang siya. Di rin maganda ang nangyayari sa paligid. May itim na usok kaseng unti unting bumabalot sa arena at tanging halakhak lang ng Jester ang nangingibabaw.

"Lahat kayo!!! Magsama sama!!!" Utos ni Zeig. Sa mga oras na ito alam kong di na umuubra ang kanilang plano. "Protektahan si Cloud!!!"

Lumipas ang labing pitong minuto at dalawa na lamng kami ni Zeig. Nawala ang itim na usok at ang lahat ng mga kasama ko ay patay na. Ni walang sigaw, ni walang ingay na narinig ngunit ang kanilang kamatayan ay kakilakilabot maging sa mga manonood. Patong patong kase ang kanilang mga pugot na ulo. At sa ibabaw noon ay nakatayo ang Jester. Ang nakakapanghina pa, lahat ng katawan nila ay nakapalibot sa akin. Sa kabila ng aking panginginig ay siya namang pagliwanag ng aking libro.

"Cloud!!! Papalapit na siya!!! Takbo na!!!" Sigaw ni Zeig habang papatakbo sa aking pwesto. Dahan dahan ding bumababa si Jester sa kanyang pwesto. Kinakabahan ako. Kailangan kong mag isip ng paraan para makaligtas. Saka ko napansing may spell na nabubuo sa isang pahina ng libro. Muli ay naramdamn kong kailangan kong magbigkas ng enkantasyon.

Tinitigan ko ang Jester.  "Naloko na" sabi nito saka mabilis na tumakbo papunta sa akin.

"Dios na gumagabay sa buhay at kamatayan, dinggin ninyo ang aking dalangin. Gamitin ang liwanag upang itaboy ang kadiliman. Bigyan ako ng kapanyarihan upang linisin ang makasalanan... LIGHT OF PURIFICATION!!!!"

Pagkatapos noon ay nagkaroon ng malakas na liwanag na mas maliwanag pa kesa sa Holy Light of Judgement.

Nakarinig ako ng mga tunog na dulot ng isang kadena. Nagulat ako, may kadena na nakakabit sa likuran ng Jester. Gustuhin ko mang alamin kung saan galing iyon pero wala akong maaninag bagkus ay nagulat pa ako dahil kadiliman ang pinanggagalingan ng kadena na iyon. Bakit ganon?

"Kung ako sa iyo ay di ko pakikialaman ang kadena na nakakabit sa akin" sabi ni Jester. Nasa iyo pala ang BOOK OF JUDGEMENT. HINDI KITA PWEDENG GALAWIN."
"Bakit?"
"Magagalit siya..."
"Sino?"
"Yung may ari ng kadena"
"Sino ba sya?"
"Katulad mo din siya. Bakit di mo puntahan dun sa kadiliman?"
"Ayoko"
"Hahahhaa, kahit ako ayoko rin. Takot ako sa kanya eh."
"Bakit naman? Mas malakas ba sya sa iyo?"
"Oo. Pero pag naglaban kayo baka matalo mo siya. Kung alam mo gamitin yang sandata mo. Kaso hindi eh. Mahina ka pa. Palakas ka daw, yun ang sabi niya."

Hindi ko ito maintindihan hanggang sa nawala nalang ang liwanag. Kasabay nito ay ang pagkawala ko rin ng malay.

LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon