Chapter 11

35 2 0
                                    

Nagising ako dalawang minuto bago matapos ang oras. Mukhang saglit lang ako nawalan ng malay. Pero ang ipinagtataka ko, yung mga putul putol na katawan ng mga yumao naming kasama ay buo na. As in buong buo, walang sugat wala talaga. Pero wala na ring buhay. Mukha silang maaamong tao na natutulog kahit ang mga nanonood ay tahimik na rin.

Pero ang laban, hindi pa rin tapos. Patuloy pa ring naglalaban si Zeig at Jester. Di ako makapaniwala sa nakikita ko pero si Zeig, grabe nahahati niya yung mga baraha ni Jester. Ang galing.

"Teka, papaano niya nagawa yun?"
"Kase yung espadang hawak niya may bless na ng LIGHT OF PURIFICATION"

Nagulat naman ako nang magsalita si Bard Sven. Katabi ko pala siya kanina pa. Sa sobrang galing ni Zeig di ko napansin na may katabi pala ako. Pero bakit siya nandito?

"Akala ko ba nakalaya ka na?"
"Oo."
"Bakit ka nandito?"
"Kase gusto kong mapanood ang mangyayari. Alam mo ba ang galing humawak ng espada ng kasama mong Bounty Hunter."
"Oo nga eh."
"May katangian ng pagiging isang magaling na pinuno. Para siyang si King Arthur."
"Huh? Sino si King Arthur?"
"Alam mo kase, hindi lang mga kwento sa mundo natin ang alam ko. Alam ko din ang mga kwento sa kabilang mundo. Si king Arthur ay isang hari. Magaling na hari."
"Malamang hari kaya nga King Arthur eh."
"Bukod sa Mage pwede ka ding pilosopo. May potensyal ka eh." Sarkastiko niyang sabi. "So ayun na nga, si Arthur ay naging hari nung mabunot niya ang espadang Excalibur. At mula noon ay pinrotektahan niya ang kanyang kaharian kasama ng kanyang mga Knights."
"Ahhhh."
"Sa tingin mo, mabubunot din kaya ni Zeig ang espada?'
"Anong espada?"
"Yung hawak niya. Nabunot niya diba. Ang galing. Hahahahhaa" saka lumabas ang patawa tawang si Bard Sven. Hayys, ewan ko kung may saltik yon o baliw.

Isang minuto na lang. Kahit may kapangyarihan ang espada ni Zeig kailangan kong tumulong. Binuksan ko ang aking libro at nakita ang kailangan kong spell.

***

"Pinapahanga mo ako. Ikaw siguro ang pinakamalakas na presong nakalaban ko. Siguro dahil isa kang Legendary Bounty Hunter na humuli ng tatlong tauhan ng Dark King. Bounty Hunter Zeig."
"Pasensya na, pero hindi ako dapat matalo kaya sineseryoso ko ang laban na ito."
"Okay, seseryosohin ko na rin ang laban"

Tinapon ni Jester ang lahat ng hawak niyang baraha ngunit may lumutang na lima sa hangin.

4 aces. At ang ikalima ay ang Joker.

Lahat ng baraha ay nababalutan ng itim na aura. Ramdam ko iyon. At kitang kita naman. Nagsisimula na namang dumilim ang paligid ng arena kagaya ng ginawa niya kanina. At ang mga mata ni Jester. Nakakatakot. Nakalock ito kay Zeig.

"Ngayon tingnan kung hanggang saan ang tibay ng espadang hawak mo... Bounty Hunter."

Isang baraha ang umatake sa kanya. Sinangga ito ni Zeig, ngunit laking gulat naming lahat ng maputol ang espada ni Zeig.

Pero may basbas iyon ng magic ko? Bakit ganon? Ahhh wala ng oras kailangan kong mag cast ng spell.

"Pasensya na hindi ako papayag na makapagcast ka ulit ng isa pa"

Sabi ni Jester at isang baraha ang umatake sa akin. Mabuti na lamang at may kpangyarihan akong salagin ang mga ganong atake. Salamat sa puting librong ito at kaya kong protektahan ang aking sarili.

Pero bakit ang lakas ng baraha niya. Ace of Heart. Halos gamitin ko ang lahat ng lakas ko para salagin ito. Muli ay nakarinig ako ng tunog ng kadena. Sa unti unting pagdilim ng arena ay nakita ko ang kadena sa likod ni Jester. Ang dulo ng kadena ay nanggagaling sa pinto kung saan lumabas si Jester. Malamang nandoon ang gumagamit ng kadenang nakakabit kay Jester.

"Zeig!!! May isang minuto pa!!! Pilitin mong maiwasan lahat ng atake niya!!!" Sabi ko.

Ang problema ko na lang ay ang barahang sinasalag ko. Di ako makakapag chant kapag may ganito. Papaano ko ito maiiwasan?

***

May ideya ako. Kaso mukhang makakagawa ako ng labag sa mga utos ng mga dios. Bahala na ang mahalaga mabuhay kami. Dahan dahan akong umatras habang sinasalag ang Ace of Heart. Sabi nila ang pag ibig ang isa sa pinakamalakas na kapangyarihan sa mundo at iyon ang sinisimbolo ng Ace of Heart. Ang hirap hirap naman nito.

Kaugalian sa mundo ng Terra Majika na hindi na dapat galawin ang katawan ng mga taong namatay sa pakikipaglaban. Susumpain daw ng mga dios ang lalapastangan sa mga katawan nila. Pero wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan kong matakasan ang barahang ito. Nang makakuha ng tyempo, tumakbo ako at kinuha ang isa sa mga bangkay bilang pangsalag sa Ace of Heart. Dumikit ang baraha sa katawang ginamit ko. Ayos.

Samantala, halos di na maiwasan ni Zeig ang pag atake ni Jester. Tatlumpung segundo. Malapit na niyang mahuli si Zeig. Kailangan ko nang mag cast ng spell. Pinikit ko ang aking mga mata sinimulang damahin ang paligid. Kahit nakapikit alam kong may magical circle na sa buong arena at sa kalangitan.

"Dios ng kalikasan pakinggan mo ang dalangin ko. Itaboy ang kadilimang namamalagi sa lugar na ito. Linisin ang makasalanan at puksain ang kasamaan. LIGHTNING OF JUSTICE!!!"

Isang lugar lang ang inisip kong patamaan ng puting kidlat. Yun ay ang pinanggagalingan ng kadena...

LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon