Ang Lightning of Justice ay tumama sa loob ng pinto na pinanggalingan ni Jester kanina. Nawala ang kadiliman sa arena at nawala din ang kadena sa likod ni Jester.
Ahhh, nawala si Jester. Tapos na ba? May sampung segundo pa. At sa sampung segundo na iyon ang limang baraha ay isang metro na lang ang layo sa akin. Kahit salagin ko ay di na ako aabot sa oras.
"CLOUD!!!"
Parang bumagal na naman ang takbo ng paligid. Napakabagal ng oras. Ang limang baraha, bagaman wala na ang may ari, ay may sariling buhay at nababalot pa rin ng maitim na aura. Eto na ba ang katapusan ko. Alam kong maghahati hati ang katawan ko oras na madikit sa akin ang limang iyan pero bakit? Bakit kailangan kong mamatay sa ganitong paraan? Gusto ko lang makalaya. Gusto ko lang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ama at ng pagkasira ng kaharian namin. Gusto ko lang lumakas gaya nung lalaking nagligtas sa akin sa kamay ng isang werewolf nung gabing iyon. Bakit ganito?
Marami pang misteryo ang kailangan kong hanapan ng kasagutan at kailangan kong malaman iyon.
Ayoko pa.
Pakiusap....
GUSTO KO PANG MABUHAY!!!!!!!!!!!!!"Booom!"
At isa isang sumabog ang mga baraha. Alam kong tapos na pero parang naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. Si Bard Sven, iniligtas niya ako. Pero bakit wala akong tiwala sa taong ito. Bakit parang may balak siya na di namin magugustuhan.
"Ayos ka lang Cloud?" Tanong ni Zeig. Di ako makapagsalita. "Uy, sabi ko ayos ka lang ba? Natamaan ka ba?" Di pa rin ako makasagot hanggang sa muli na naman akong nawalan ng malay. Pero bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang sinabi ni Bard Sven.
"MAY ORAS NA NAKATAKDA PARA SA IYONG KAMATAYAN AT HINDI PA IYON NGAYON HAHAHAHA."
***
Sa paggising ko ay nagulat ako sa nakita ko. Ang hari kase ng kingdom na ito, nakaupo sa harapan ko.
"M-mahal na H-hari." Agad akong napatayo para makapagbigay galang. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang hinang hina pa ako.
"Kamusta na ang lagay mo. Maaari ka nang maupo" may awtoridad na pagkakasabi nito. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng silid na ito.
"Medy-yo ayyos na po"
"Nandito ako upang humingi ng tawad sa ginawa ng isa sa aking mga Knight sa inyo ni Zeig. Alam kong may batas ukol sa paghawak sa prinsesa pero dahil sa kayo ang nagligtas sa kanya ay nagpapasalamat talaga ako ng lubos." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Ang mahal na hari humihingi ng tawad sa akin?
"Wala na po iyon kamahalan. Tapos na po eh, saka ang mahalaga po nanalo kami."
"Nga pala, may mas mahalaga akong sadya kaya kita dinalaw dito."
"Ano po iyon."
"Elder, maaari ka nang pumasok. Pati na rin ikaw Zeig."Nagulat ako sa nakita ko.
Ang hinahanap naming Elder, nasa harapan ko na.
"Kayo si..."
"Cloud, nakalimutan mo na agad ako. Makakalimutin na pala ang anak ng matalik kong kaibigan. Hahaha"
"Ninong!" Agad akong napayakap kay Ninong. O sabihin na nating Elder Hunyid, siya pala ang ikalabingdalawang elder.
"Alam kong darating at darating ang taong maghahanap sa akin. Pero di ko naman inasahan na ang inaanak ko pala ang pinili."Pinili? Anong ibig niyang sabihin?
"Makinig ka Cloud. Ang Dark King ay patuloy na kumikilos upang sakupin ang mundo ng Terra Majika. Sa ngayon ay malapit na niyang makuha ang hilagang bahagi. Kinakailangan namin ang tulong mo at ng librong hawak mo" sabi ng mahal na hari. Walang bakas ng pagtataka sa mukha ni Zeig ibig sabihin maaaring alam na niya ang totoo. Pero anong kinalaman ko sa digmaang ito?
"Bakit ako po?"
"Dahil ikaw ang may hawak ng libro. Cloud, aking inaanak, alam mo ba kung bakit ako umalis ng kaharian natin?" Umiling ako dahil di ko naman talaga alam. "Yun ay dahil sa libro na yan. Noon pa man gusto nang makuha ng Dark King ang libro na yan."
BINABASA MO ANG
LUX INVERNUS (SEASON ONE COMPLETED)
FantasíaLux Invernus Isang sandatang ginamit ng mga tao laban sa dios ng digmaan na may basbas ng ibang mga dios noong unang panahon. Isang alamat at pambatang istorya. Pero sabi nga ng matatanda, bawat alamat ay may tinatagong katotohanan..