Z O E Y
"Zoey, balita ko raw may transferee ha. At I heard this guy got perfect in Gilmore's Entrance Exam." panchichismis ni Sugar sakin na para bang amaze na amaze siya sa nasagap niyang balita.
"Eh ano naman ngayon? Sa tingin mo ba may pake ako diyan? Oh siya sige, sabihin na nating matalino siya. Do you think that would feed me? Tss." iritado kong sagot habang nagtetext ako gamit ang iPhone ko.
"Zoeeeeey! Ano ka ba naman? Aren't you amazed? First time in Gilmore Academy's History na makaperfect ng entrance exam and besides, baka magkaroon tayo ng kalahok for the school's upcoming district competition atsaka that would benefit us as Gilmorians. Atsaka hindi na bababa ang tingin ng mga taga-ibang schools satin lalo na yung mga taga-Corinthian Academy na yun." pagkataas-taas na speech ni Karmelli habang iniirapan ako.
Haaay. Ayos talaga tong mga kaibigan kong to eh, noh? Halos patayin nako sa mga titig nila. Kung nakakamatay lang ata tong pagtitig nila sakin, tiyak deads nako.
"I don't care. I never am. I never will." sagot ko kasabay ng pagtaas ng right eyebrow ko.
"Nako! Halos wala ka yatang alam sabihin kundi I don't care eh. I-don't-care-in ko iyang mukha mo diyan eh. Haaay. For once in your life, magkaroon ka naman ng pakielam sa sasabihin namin. Nakakatampo ka na eh." sabi ni Sugar sabay labas ng kanyang pouty lips.
"I agree. Nakakatampo na." Karmelli retorted habang nakapout.
"Uhhmm. Girls, pwede bang tumahimik na kayo diyan at nang makaihi na ko. Wait for me huh? I'll just pee for a while." Dali-dali akong tumakbo papunta ng cr pero mukhang wrong move yata.
Tsk.
Did I just bumped somebody? At bakit nasa pintuan ako ng Male CR at nakadapa sa .... Oh my gee.
"Waaaah! Bastos! Maniac! Why am I on top of you? Pervert! Waaaaa--"
"Heeey! Can you please shut the fuck up? As far as I remember, you were the one who initiated to enter this so-called Male Cr and then you bumped at me. Tsk. Mind standing up? Taking much delight on my body, huh?" Tatayo na sana ako pero all of a sudden, tinulak niya ako paraan para tumama yung ulo ko sa sahig.
"What the hell. Aray! Ang sakit!" Mangiyak-ngiyak kong tugon sa kanya na nagpadala ng guilt sa dalawang mata niya. Nagulat ata siya nung natulak niya ko. I know he did that accidentally without even thinking na baka mapano ako.
"Damn. Look! Miss, whoever you are, I'm sorry. I didn't mean to hurt your head. Goddamn, I'm sorry." Ang ayos na sana eh. Kitang-kita na yung sincerity sa mata nya eh kaya lang ba't nagmura siya? Tsk. Di ako naconvince.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko guiding me to stand up sa pagkakauntog at yun nga tumayo na din ako. Bipolar ata tong lalaking to eh.
"Teka lang. Ano bang ginagawa mo?" Hinila niya ko papuntang bench. "Uy, ano bang ginaga--"
"Sshh. Does it hurt?" He asked while massaging my head.
Oh my god. Does he really have to do that? Weird but....... I find it sweet. I swear my heart skip a bit when he asked that added to the fact na mukhang concerned na concerned siya. Parang kanina lang, tinulak niya ko ngayon naman siya tong mukhang alalang-alala sa'kin. Bipolar nga siya.
Snap out of it, Zoe. He's a stranger.
"Okay na ako and besides, you don't have to do that. I can manage myself." I said then walked away from him dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamblush sa harap niya. Thinking of it kills me. Paano na kaya kung matunghayan niyang pulang-pula ang mukha ko na parang nireregla. Shet! Tiyak nakakahiya iyon.
-----------------------------
Weird guy! Ba't ba pumapasok sa isip ko yung ginawa nung lalaking yun? Did I just encountered a stranger? Yeah, isang estranghero na hindi mawala-wala sa kokote ko. Waaaah! Erase! Erase.
"Kyaaah! Zoeeey! Tingnan mo papalapit na siya! Waaah!" Tsk. Parang nakalunok ng megaphone yata 'tong isang to. Sino na naman ba tong tinutukoy nila?
"Haay nako! Sino na naman ba yan? Ba't kailangan tumi--"
Hindi ko na naituloy ang pagtatanong ko nang bigla kong nakita ang tinitilian nila. Si Weird Guy. My jaw dropped. Naglakad siya sa quadrangle sabay tanggal ng shades niya. He looks so undeniably hot. Ewan ko ba.
Siguro nung nagpaulan ng kagwapuhan, siya lang ang hindi nakapayong. Nasalo niya lahat eh.
"Oy Zoe, sirhan mo nga yang bibig mo. Baka makalunok ka pa ng langaw niyan. Sige ka!" Sugar jokingly said.
"Whatever, Sugar. Mauna nalang ako sa inyo" at tsaka, lumayo na ako sa kanila. Mala-late pa ako sa klase nito eh.
Pumunta ako sa bulletin board kung saan nakalagay ang mga sections.
Alvarez, Zoey Grace
Montecillo, Sugar
Alcantara, Karmelli
Ang unang mga hinanap ko talaga ay ang mga pangalan namin. At parang wala pa ring pinagbago. Classmates pa rin kami noon pa man. Kabilang kami sa Section F, ang last section. Yeah, tanga na kung tanga pero I don't care. Nakakapagod kayang mag-aral. What's even its purpose? Sorry sa mga studious diyan, gan'to talaga ang pananaw ko sa buhay. Ika nga ni Albert Einstein "We have an exam tomorrow but I didn't study because a single piece of paper can't judge my future." To be short, wag istressin ang sarili baka hindi worth it paglaki.
Natauhan ako nang may kumalabit sa'kin. Tiningnan ko siya at parang may something sa mata ko na hindi maalis-alis ang tingin sa kanya. To be exact, natulala ako.
"Ah, Miss.. Zoey, saan ba dito iyong Section A?" Tanong niya habang kinakamot ang kanyang leeg. Pero.. Wait. Wait. Teka muna. Pa'no niya nalaman ang pangalan ko? Stalker ba siya? Mamamatay na yata ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Hindi ko alam pero nakaka-tulala talaga ang kagwapuhan niya.
"Ahh.. Miss?"
Parang talaga siyang artista. Atsaka, hari talaga siya ng kagwapuhan.
"Miss.. Zoey?"
At doon na ako bumalik sa sarili ko.
"Ahh, ano nga ulit iyon? Pero.. teka, paano mo nalaman yung pangalan ko?"
Tinuro niya iyong ID ko. Kaya pala! Masyado naman akong assuming.
"Sabi ko, pwede bang ituro mo sakin kung saan ang Section A? Pero bago iyan, pakilala nga muna ako. Ikaw yata ang magiging pinaka-unang kaibigan ko dito eh. Ako nga pala si.. Ikaw na nga muna"
Pabitin pa tong isang to.. Pero ang talino naman niya. Napabilang siya sa Section A. Gwapo na nga mabait pa. He really is an ideal guy.
"Zoey Grace Alvarez" inilahad ko ang kamay ko para makipag-shake hands at tinanggap niya iyon sabay sabing, "Dale. Dale De Guzman"
-------------------------------
A/N: Eto na guys! We've made a new story. Oo, dalawa kami writers na pinaghalo. Haha! I mean Collaboration. Dahil baka di ko kayanin na gumawa ng story ng mag-isa lalo na ngayon na super hectic ng schedule sa school. Sige, eto na muna for now :*
Keep supporting! ;)
BINABASA MO ANG
D and Z Collides
Teen Fiction"Falling in love is inevitable, Gray." - Drayson Zach Ferrer Copyright (c) 2014 by DualisticDuo