Chapter One: The Ex
"Mommy aalis na po ako" hinalikan ko si mommy sa kaniyang pisnge na ngayon ay umiinom ng kape kasama si Daddy sa balcony. They always do this every morning, ang sweet nga eh. Lagi silang magkasama, sa mga lakad ni daddy ay sumasama din si mommy at ganun din si mommy kay daddy. They are both lawyers at rinig ko noon na ig-give up na ni daddy ang pagiging lawyer niya para mamahala nalang sa restaurant na ipinamana ni Lolo.
Political Science sana yung pinili kong course pero agad din akong nag-shift dahil unlike mommy and daddy, mas gusto kong maging teacher.
Hindi naman tutol si Mommy at Daddy, pero parang nanghihinayang sila na hindi ako naging Abogada kagaya nila, Daddy and I had a fight with this, isang semester lang ang natapos ko sa Political Science at agad din akong nag shift to Education.
Until now ay parang galit parin si Daddy pero nakikipag-usap naman na siya sa akin paminsan-minsan kaya masaya na ako. Time will heal it. Dadaan din ang panahon at mapapatawad niya rin ako.
"Hmm, ingat ka anak ha, tell me about your first time in public when you get home later"nakangiting tugon ni mommy sa akin.
"Yes mom"tumingin ako kay daddy na nakatingin lang sa newspaper na binabasa-basa niya habang umiinom ng kape.
"D-daddy, aalis na po ako"I kissed him in the cheeks. Kabado ako dahil takot parin ako kay daddy. I know, I failed him, gusto niya akong maging Abogada pero sinuway ko siya at nag-shift ng kurso.
"Hmm, ingat ka"sabi niya nang hindi lumilingon sa akin. Kahit papano ay napangiti ako kaya masaya akong ngumiti kay mommy at ganun din siya. Para bang sinasabi niya na magiging okay din kami ni Daddy.
Kaya umalis na ako. Bumalik ako sa loob ng bahay para pumunta na sa main door para umalis. Dala-dala ang bag ko na may mga laman ng kakailanganin ko doon, suot ang uniform kong pang-guro sumakay na ako sa sasakyan ko na hinanda pa ng driver. Nginitian ko siya at nag-bow naman siya.
Nakaandar na ang makina ng sasakyan nung pumasok na ako kaya maya-maya lang ay pinatakbo ko na ito palabas ng gate at iniliko papunta sa labasan ng Village.
This will be my first time. First time ko tong pumasok sa Public School na pagtuturuan ko. Nagsimula kasi ako sa private dahil yun ang advice sa akin ni Gryka, pinsan ko na nasa same school na papasukan ko bilang guro. Maganda kasi daw kapag may experience ka sa Private School.
Science Major ako at doon sa Grade 7 magtuturo. Dahil baguhan pa ako ay hindi muna ako binigyan ng Advisory.
***
"Good Morning"sabi ko sa guard na nasa Guard's House.
"Good Morning Ms.Montero"nakangiting bati niya sa akin. Kilala na kasi niya ako dahil nakita na niya ako nung isang week dahil nagpunta ako rito para gawin ang mga dapat gawin. Like magpa-register para sa Biometrics at makipag-usap sa Science Coordinator para sa kung anong level ang tuturuan ko at anong branch ng Science ang ituturo ko.
I am on Biology now kasi second quarter na. Dalawa kaming Science teacher at sa grade 7 ay Biology ang ituturo. Marami kasing mga sections ang grade 7 kaya dalawang teachers ang maghahati-hati sa mga sections para magturo ng Science.
Pumasok na ako sa faculty room at ngumiti sa ibang mga guro na nandoon. Dalawang guro pa lamang ang naroon dahil 6:30 am pa naman. Agad akong pumunta sa Biometrics at inilagay ang likod ng aking thumb at nang marinig ang thank you mula sa isang robotic voice ay umalis na ako roon at nagpunta sa table ko.
Last week kasi nung nagpunta ako rito ay nagdala na ako ng table para sa akin. May bakanteng pwesto naman doon sa bandang likod ng faculty sa gilid ng ikalawang pinto nito kaya doon ko na inilagay ang table.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Romance"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...