Chapter Two: To Introduce
Halos natapos na ang flag ceremony at isa-isa nang pumunta ang mga teachers sa mga classrooms na pagtuturuan nila. Heto namang dalawa hindi mapigil ang bibig sa pagtanong kung paano naging kami ni Nico at kung bakit naghiwalay. Hindi ko na pinansin, ayaw ko nang pag-usapan. Past is past. Ayaw ko na nun. Masisira lang ang career ko kapag magpapaapekto pa ako. It's been 7 years, I think, naka move on na siguro yung tao, kung ganun, magiging okay na ang lahat.
Mabuti naman at naiwasan ko ang mga tanong nitong dalawa. Sinasabi ko nalang na ayaw ko nang pag-usapan o di kaya'y sasabihin sa kanila na malapit na ang first period nila.
Dahil vacant ang first period ko ginamit ko ang oras na iyon para mag-ayos ng mga maliliit na bagay sa table ko. Inilagay ko ang schedule sa drawer ko para hindi mawala. Inayos ko na ang lahat, mula sa mga folders, mga files, mga forms at iba pa. Ngayong araw din ako maghihingi ng names ng mga bata na pagtuturuan ko.
Tatlo nalang kaming natira sa faculty room, and I think ang prefect of discipline na si Mr.Gomez at isang babae sa tabi ng table niya na parang nasa mid 40s na.
"So ikaw ang bunso sa inyo Ms.Montero?"tanong sa akin ng prefect of discipline, nagbabasa ako ngayon ng libro ko galing dun sa private school na una kong tinuruan, wala pa kasi akong nakukuhang libro mula rito kaya minabuti ko nang basahin ang sa private school.
"Yes sir, actually dalawa lang naman kami ni kuya"napa 'oh' naman siya.
This is what I like about the teachers here, open sila para sa isa't-isa, though may iba na tahimik lang at busy sa kanilang mga ginagawa pero other than that, lahat ay welcoming.
"Nagka boyfriend ka na ba Ms.Montero?"awtomatiko namang nabalikwas ang tingin ko papunta sa babaeng nasa mid 40s. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin ako sa mesa na nasa tapat ko. He is not here, nasa first period class niya.
"Y-yes m-maam"damn it!. Nauutal ako. It has been 7 years right?, Hindi na ako dapat maapektuhan.
"Oh, no wonder, sa ganda mong yan....ilan na ba hija?"tanong niya sa akin.
"Isa pa lamang p-po" napa 'oh' naman siya.
"Ilang years na kayo hija?" Nakangiting tanong ni Maam na para bang excited sa magiging sagot ko.
Huminga ako nang malalim.
"Ahh....wala na po kami....Maam" sagot ko na ikinalungkot naman ng hitsura niya.
"Kailan lang kayo naghiwalay hija?" Tanong ni Mr.Gomez . Mabigat ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko nasagot ang tanong niya nang hindi umiiyak.
"S-seven years ago sir" napa-'oh' naman silang dalawa. Kahit gusto ko nang sabihing tumigil na sila ay hindi ko magawa dahil masyado ko silang nirerespeto kung kaya naman ay kahit mabigat at masakit na ang aking dibdib dahil sa mga tanong nila na pinapaalala ulit sa akin ang noon, ay sinasagot ko parin sila at pinagtutuunan ng pansin ang bawat tanong.
"Wala ka bang mga manliligaw?"tanong ni Mr.Gomez. I am getting uncomfortable now. Ang ayaw na ayaw ko ay ang pag-usapan ang lovelife ko o kahit magtanong tungkol sa mga manliligaw. But, I need to act as if it doesn't make me uncomfortable, baguhan pa lamang ako dito at ayaw kong magka bad record sa kanila.
"Meron naman p-po"
"Oh, wala kabang planong sumagot o umibig....ulit?"tanong naman nung babae.
Umiling ako.
"For now, focus muna ako sa trabaho ko, I think dadating din naman yan, but for now, I want to enjoy my single life. I'm still young, maybe I would find the right person soon"sabi ko na ikinangiti naman nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Romantizm"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...