" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER NINE
Ilang minuto na ang nakalipas pero hanggang sa oras na iyun ay hindi pa rin makapaniwala si Hendrix na legal na silang mag-asawa ni Crystal Angela.
"Paano iyan pare mas hindi mo na maitatago kay bossing na may relasyon kayo ni misis?" Nandoon ang tuwa dahil nakikita ang saya sa pagkatao ng kasamahan sa trabaho na napalapit na rin sa kanya at ang asawa nito.
"Panahon na siguro pare para ipagtapat ko sa kanya o ipakilala ko ang asawa ko. Hindi habang-buhay na maitatago iyan and besides wala akong dapat ikatakot. Bukod sa nagmamahalan kami ni misis, hindi naman niya siya pag-aari kaya't wala siyang pakialam kung mag-asawa na kami." Tugon ni Hendrix na sinang-ayunan ni CA.
"Tama ang asawa ko Anthony, nasa tamang edad naman na tayong lahat para makapag-isip ng maayos. And besides pinsang-buo ni daddy si tita Whitney so kahit hindi sasabihin ni hubby dubby kay Kenjie ang tungkol sa amin I'm pretty sure na makakarating ito sa kanya." Sabad nito na halatang nagniningning ang mga mata sa tuwa.
Siya, ( Anthony) ang naging witness ng dalawa sa civil wedding nila sa Los Angeles, California.
"Kaysa naman para kayong teenagers na nagtatago sa pagkikita, gawin n'yo ng legal ang pagsasama ninyo." Ika nga ni Anthony sa dalawa minsan nagkita-kita sila sa condo ni Crystal.
Kaya naman nagkaroon ng idea si Hendrix, kumuha siya ng tamang panahon at ninayay niya itong magpakasal kahit civil wedding para may basbas ang pagsasama nila. Halos araw-araw naman silamg nagkikita kapag nasa L.A si CA.
"So kailan ninyo ipapaalam sa Pilipinas ang tungkol sa inyo? Kasi kung ako ang tatanungin ninyo mas magandang habang maaga pa'y magtapat na kayong dalawa. Gano'n din kay bossing, kayong dalawa ang may karapatang magsabai sa kanya although sabihin na nating wala siyang karapatang magalit pero dahil boss natim siya it's better na kausapin n'yo ng maayos." Muli ay wika ni Anthony.
"Thank you pare sa lahat. Hindi ako makata pero malaki ang utang na loob namin ni misis sa iyo. Someday ako naman ang magbabalik sa kagandahang-loob mo. Don't worry gagawin namin iyan sa lalong madaling panahon." Sagot ni Hendrix.
"Kapag makapag-isip-isip ka ng uuwi bro at gusto mong magtrabaho sa detective agency ay huwag ka sanang magdalawang-isip na lalapit sa akin. Isang sabi ko lang kay daddy may puwesto ka na kaagad. Thank you Anthony." Seryoso na ring saad ni Crystal Angela.
"Thanky you sa inyong dalawa at dahil araw n'yo ito'y mauuna na ako sa inyo. Sa ibang araw na lang natin pag-usapan ang tungkol sa trabaho sa ating bansa. Again, best wishes my dear friends." Ani Anthony sabay lahad ng palad upang muling kamayan ang bagong kasal.
Yes! Indeed!
Mag-asawa na ang international detective agent at lady pilot.
Ilang buwan din naman silang naging mag nobya at nobyo. Pero dahil may kanya-kanya silang trabaho lalo at piloto ang nobya ay bihira din itong magtagal sa L.A. Kung magtagal man ay isang linggo pero sinusulit din naman nila basta nandoon ang dalaga, lagi silang magkasama sa condo ni Crystal Angela na ang nakakakita'y iisiping nagsisiping ang dalawa pero dahil mahal na mahal ni Hendrix ang kasintahan ay ni ang angkinin ito na hindi pa sila kasal ay hindi niya nagawang isipin. Kuntento na siya sa yakap at halik.
Kung sa ibang bagon kasal agad silang nagtutungo sa ibang bansa o ibang lugar para nagpulot-gata, pero ang bagong kasal na sina Crystal Angela at Hendrix ay iba. Ang kaibahan ay hindi na umuwi ang huli sa accomodation nila at sa condo na ito ng asawa magpapalipas ng gabi.
Parehas na rin silang tapos naligo at nasa higaan na silang pareho ng nagsalita si Hendrix habang nakayakap sa asawa.
"Love kailan ang bakasyon mo sa airplane?" Tanong ni Hendrix sa asawa.
BINABASA MO ANG
NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionDrama, general fiction. A story that will makes you cry, makes you laugh, to hate, to curse maybe even you will hate the writer too. But at the end you will love it after all.