Don't English me I'm panic.

203 5 0
                                    

Mahirap maging fluent sa English. Totoong di biro at makakaipon ka muna ng madaming kahihiyan bago ka makapagsalita ng apat hanggang limang sentences na walang pagaalinlangan. Meron akong account na ginawa dati sa Multiply. Sikat na sikat ito dati ung social platform ha hindi yung account ko.hihi. Hindi ko tanda kung nauna ba to sa Facebook. Ang multiply kung tama ang paggamit ko noon ay isang blogging networking site. May mga friends ako na nagbblog don. Gumaya naman ako. 

Ang pinakatumatak sa akin ay yung kwento ko tungkol sa sobrang nakakahiyang experience ko na nagudyok na sa akin na magaral at masanay mag-english. Gusto ko man sya kalimutan, pero parang habang buhay na ako hahuntingin ng memory na yun. Note: Hindi pa din ako bihasa pero sa tingin ko naman nagimprove ako kahit konti kahit na hanggang ngaun nalilito pa din ako sa receive o recieve. Don't judge me. I am human LOL. 

Nung minsan nagrereview kami ng anak ko para sa weekly exam nya. Isang part ng exam ay sasagutin ng anak ko kung nakaOPEN or nakaCLOSE yung mga pictures na nakalagay sa test paper. Game. Review na. Unang number bag na nakabukas, so open ang sagot. Napanganga lang ako nung may picture na ng nakabukas na gripo, nakabukas na ilaw, at nakabukas na radyo. Kung tutuusin nakabukas nga naman. Nanghingi pa ako ng opinyon kung tama ba ung exam. Pero syempre sa mentality ng mga pinoy, kapag ganitong kinwestyon mo ang test paper either mayabang ka or gusto mo palitan na lang yung teacher para ikaw na lang ang magturo. Ending, mayabang daw ako hahaha. Ok fine.

Mas ok sana kung masanay na ang anak ko sa tamang terms pero syempre gusto ko pa din ng 100 sa test hahaha. Pikit mata na lang at di ko din naman alam pano ieexplain, sasakit pa ulo ko. (100 nga sya sa exam kinabukasan) 

So kekwento ko yung nakakahiyang nangyari sa akin noon. Parang kill me now kahit 3 seconds lang! Laslas suklay talaga.

Ang nanay ko kasi bumoboypren ng amerikano. Nung minsang dumalaw yung boypren ng nanay ko at kumain kami sa labas tinanong nya ako..

BF ng Nanay: "so where would you like to go?"

Sumagot naman ako with smile, confidence and CONVICTION! 

Ako: "Oh I want to go to the BITCH and see the BITCHES!"

Grabe parang nagalleluia sa paligid ko! Finally isang buong sentence! Not until...

Kano: (tinawag ang nanay ko) "Where did she learn that language?!" 

The end. Wala na. Katapusan ko na. Tawanan ka pa ng kapatid mong bully kahit alam na alam ko din naman na di sya marunong. Mas madiskarte lang kasi sya kasi yes at no lang lagi nyang sinasagot. 

Akala ko hindi na mauulit ang moment na yan. Mali. Madami pang naging kasunod. Talagang hindi nila ako tinatantanan. 

Nagaral ako sa Manila. Isang araw nakatayo ako sa tapat ng Metropolitan Theater, tatawid ako para makasakay ng jeep pauwi sa amin. Dati kasi nandon pa ang terminal ng bus papunta at galing ng Naic. Doon kasi ako nagppracticum. Biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Binaba ang bintana sa may passenger's seat at nagtanong. Mga kano nga pala sila.

Kano: "Hi Ate, can you teach us how to go to Mabini." wide smile pa ang mga hinayupak. Eto yung moment na parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Nakauniform pa naman din ako. Inexpect siguro nila na makakasagot ako ng ayos kasi haler college student cannot spoken the dollar?!

Pano ko ba sasabihin na dumeretso lang kayo sundan nyo yung mga jeep at pag nakita nyo yung parang rotonda ikot kayo don. Syit. 

Ako: "You go straight. Follow the jeepneys. When you see the circle, go around and just go straight."

Gusto ko mamatay on the spot! Lalo na nung nakita ko yung reaction sa mga mukha ng mga lintek. You go to my land and you don't know our language?? DIE! Pulang pula ako. Nakakaawa mga itsura nila. Para bang constipated ng ilang bwan. Hindi nila alam tuloy kung pasasalamatan nila ako o hindi. Nagtry pa ako magexplain pero huli na ang lahat. TINATAWANAN na nila ako. Pawis na kasi ako at namumula na sa kahihiyan. Simula noon, madalas na ako magbasa ng novels, hindi na ako nanonood ng tagalog movies at higit sa lahat hindi na ako nakikipagusap sa foreigners! hahaha

Dinala ko ang ganyang attitude hanggang sa mga panahong naghahanap na ako ng work. Pero wala naman akong choice. Sa tinapos ko kasi na kurso mahirap makahanap ng trabaho. (Yes nagegets nyo na ba kung ano ako?) So sinunod ko ang kasabihang: Confidence is the key. Nagapply ako bilang call center agent (natanggap naman), naging English teacher ng koreans at TAKE NOTE: naging trainor ako ng mga gustong magtrabaho sa call center. oha. Karamihan sa mga inaapply ko sa aking English practice ay bunga ng aking career path. Inabuso ko ang mga katrabaho ko. Lahat pa-proofread please! Kaya mahal ko sila hahaha. 

Well well (sa tono ng boses ni Maleficent) hindi naging huli ang lahat para sa akin. Pero hindi ko pa din gustong may nagtatanong sa akin ng directions. Baka bigla ko masabi eh FOLLOW the LIGHT. Kaya nung nagtuturo ako noon sa mga gusto magwork sa call center, hindi nawawala ang tiwala ko sa kanila kahit na ang sagot nila sa sa tanong kong: How can I call you? ay ang literal na cellphone number nila eh pasasaan pa at baka sa susunod landline na ang ibigay nila. LOL

Confidence is the key. I'm still learning so no haters. Paki-proofread please! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't English me I'm panic.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon