HIS 4

23 10 0
                                    

CHAPTER 4

Problems

Tulala akong nakatingin kay Tyra na kaharap ko. Tahimik kaming dalawa, siguro ay nag-iisip din ito. Hindi nagtagal ay nagsalita rin ito, siguro'y hindi na nakatiis.

"A-anong sinabi ni kuya Zee sayo? Bakit ka nya hinaltak kanina? May hindi ba ko alam?" Sunod na sunod na tanong nito. Sasagot na sana ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong sinagot ng di tinitignan kung sino ang tumatawag.

"B-Bri, si Papa". Kinabahan ako bigla nung narinig ko ang umiiyak na boses ni ate Xy.

"Ate, a-nong problema?". Nakatitig na sakin si Tyra habang nakakunot ang noo. " W-wala na si P-papa". Sunod sunod na bumagsak ang luha nya. Ang itinuring nyang pangalawang ama ay wala na. Bumalik na naman ang pakiramdam nya nung nawala ang tunay nyang ama.

Naramdaman na lang nya na niyakap sya ni Tyra na nasa tabi nya sa kama sa kwarto nila, wala ang tatlong babaeng kasama nila. Umiyak na sya ng umiyak habang nakayakap kay Tyra.

"P-puntahan ko si Ate X-xyla". Nagmamadaling tumayo ako para kuhanin lahat ng gamit ko.

"Sasabihin ko kay kuya ihatid ka!". Nagmamadaling lumabas ito ng pinto ng kwarto nila, siguro'y para puntahan ang kuya nito.

Mabilis akong natapos, nagpalit lang ako ng black midriff shirt at white short shorts na pinarisan ko ng itim na ruber shoes pagkatapos ay lumabas na ko.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si kuya Tyron kasama ang mga kaibigan nya except kay Zee na may pag aalala sa mukha . Huminto ako saglit para kausapin sila.

" Kuya, mauna na ko sainyo. Salamat sa pagsama sakin dito"

"Ihahatid na kita". Mabilis akong umiling sa kanya.

"Hindi na kuya, kaya ko na 'to. Nice meeting you all". Ngumiti ako sakanila at nagpaalam na.

"Ingat ka!" Narinig ko pang sigaw nila.

Nakasakay na ko sa taxi na maghahatid sakin pauwi. Sumilip ako sa nakabukas na bintana ng sasakyan para tingnan sa huling pagkakataon ang resort.

Unti unti ng sumasara ang bintana ng mahagip ng tingin ko si Zee na nakatingin din sakin.

Nginitian ko sya bago tuluyang sumara ang bintana. Sinabi ko kay manong driver ang adress bago ko kinuha sa loob ng bag ko ang cellphone ko at tinawagan si Ate Xyla. Hindi pa nakakatatlong ring ay sinagot na agad ni ate Xy ang cellphone nya.

"H-hello a-ate, pauwi na ko. H-hintayin mo ko". Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita, rinig ko naman sa kabilang linya ang hikbi ni ate Xyla.

" S-s-sige". Pinatay ko agad ang cellphone dahil baka maiyak na ko ng tuluyan. Kailangan kong maging malakas para kay ate Xyla.

Alam kong masakit 'to para sakanya, dahil kagaya ko, si tito na lang din ang ang natitirang kilala nyang kamag anak.

Hating gabi na nung dumating ako sa village. Dumiretso ako sa bahay nila Ate Xyla. Maraming tao na ang nandoon dahil rinig na rinig ko ang mga boses nila kahit malayo pa lang ako.

Nag iiyakang mga tao ang naabutan ko, di ko na rin napigilang tumulo ang luha ko.

"A-ate Xy". Umiiyak kong sabi na nagpalingon sa mga tao sa loob ng bahay.

" B-b-briii". Umiiyak na niyakap ako ni Ate Xy. Tuloy tuloy na tumulo ang luha ko at mas lalo pa kong naiyak ng lahat na kaming mga babae sa loob ng bahay ay umiiyak.

Nakaempake na ang lahat ng gamit ko, nasa labas na kami ng bahay at nagpapaalam na lang kami sa isa't isa. Waang kasiguraduhan kung kelan kami makakabalik.

HIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon