Kabanata 24

3.6K 198 29
                                    

Kaagad kong naikuyom ang aking kamao. Tumalim ang tingin ko kay felicia, napakawalanghiya niya.

"Hindi yan mangyayari! Hindi ako papayag" giit ko sa kanya.

Napahinto ito sa pagtawa, tumaas ang kanyang isang kilay at tsala siya dahan dahang lumapit sa akin. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin.

"Matapang ka na ngayon celestina?" Mapanghamong tanong niya sa akin.

"Oo! Hindi ako papayag na gawin mo ito, napaka sinungaling mo" asik ko pa sa kanya pero mas lalo lamang siyang ngumisi.

"Wala ka ng pamilya ngayon, wala na ang iyong ama at ina. Wala ng magtatanggol sayo binibini" mapanuyang sabi niya sa akin.

Habol habol ko ang aking hininga. Ito na siguro ang sinasabi ni joselito na karumaldumal na krimen. Hindi ako nakapagsalita kaagad.

"May kapatid ka nga pala sa kumbento" natatawang sabi niya pa kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Anong ginawa mo kay joselito?" Galit na tanong ko sa kanya pero nginisian niya lamang ako.

"Wala ka dapat ipagalala felicia, nasa mabuting kamay si joselito. Pero kung magiging matigas ka pa din. Matatanggap mo agad agad ang ulo ng iyong kapatid" natatawang pananakot niya sa akin.

"Wag mo ako tawaging felicia! Hindi iyan ang pangalan ko!" Sigaw ko sa kanya pero muli ay napahalakhak lamang siya.

Napailing iling ito. "Celestina, tatlong buhay ang nakasalalay sayo..." nakangising sabi pa nito kaya naman napakunot ang aking noo.

Mas lalong nagliwanag ang kanyang mukha. "Buhay ni joselito, ni cedes at ni carlita" sabi pa niya sa akin kaya naman halos mahigit ko na ang aking hininga.

Kaagad kong itinaas ang kamay ko para sana sampalin siya ng mabilis niya iyong nahuli. "Hindi mo na ako masasaktan, nasa baba ka na ngayon" sabi pa niya bago ako itinulak kaya naman napasubsob ako sa may sahig.

Bigla akong naiyak sa takot. Hindi ko alam ang aking gagawin. Wala na akong kakampi, wala akong kilala. Si joselito ay nawawala. Wala si elena. Magisa lamang ako.

Hindi nagtagal ay kaagad na may dumating na mga sundalonh pilipino sa bahay ng mga agoncillo. Naging mabilis si felicia dahil paglabas nito galing sa aking kwarto ay nakasuot na ito ng magandang baro't saya para magpanggap na celestina agoncillo.

Umiiyak ito habahg kausap ang mga sundalo. Isa isa na ding binubuhat ang mga bangkay ng hindi bababa sa kinseng tao. Kabilang na sina don ismael at donya victorina.

"Ako at ang aming katulong na si felicia na lamang ang natira, nakaligtas kami dahil hindi kami kumain ng sopas na inihain ng aming tagapagluto" umiiyak na kwento nito sa mga sundalo.

Gusto ko siyang saktan habang umaarte siya. Naikuyom ko ang aking kamao. Kaya naman imbes na manatili duon ay kaagad akong tumakbo palabas ng bahay.

Mabilis akong tumakbo papuntang kumbento. Pero sa huli ay nabigo ako. Wala na duon si joselito, kinuha daw ito ng kanyang nakatatandang kapatid na celestina. Ang tinutukoy ng mga ito ay si felicia.

Habol habol ko ang aking hininga. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Imbes na dumiretso sa aming tahanan ay nagtungo ako sa bahay burdahan. Kung saan kami nagaaral magburda ng aking mga kaibigan.

"Celestina?" Gulat na tawag sa akin ni realita ng makita niya ako.

Wala na akong nagawa pa kundi ang tumakbo papunta sa kanya at yumakap.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon