β1

109 5 0
                                    

You want to die?Then start living.

I felt so much strength than before. Tahimik lang ako habang binabagtas ang daan patungo sa bago kong school. I know its a dormitory school so nauna na yung gamit ko doon. Hindi allowed sa mga estyudyanteng makalabas kapag nakapasok na saka di naman ako gala kaya okay lang.

Habang sakay ako ng Mustang ko ay pinagmamasdan ko ang paligid. Madilim at maraming puno at may mga street lights. Kung titignan ng iba parang creepy pero sakin okay lang di ako matatakutin.

Anong oras naba?

Tumingin ako sa relo ko at saktong ala sais na kailangan ko nang marating ang school gate ng 7 dahil mahirap magdrive ng gabi. Hindi sa takot ako ayaw ko lang na masira ang unang araw ko mamuhay ng magisa.

Well im living alone from now and then

Matagal nakong magisa sa buhay walang pamilya. Wala akong kabigan pero may kakilala. Sanay akong magisa. Sikat din ako sa mga previous school but still i remain as private as i can. Gusto ko ng tahimik na buhay walang inaasahan hindi nasasaktan.

Sa kasamaang palad kailan kong magaral sa School nato. Diko alam na kasama pala yun sa tradisyon ng pamilya ko kahit matagal nakong wala nun.

Isang malaking gate ang na nakita ko. Nakadaan nako sa check point at mahigit 15 minutes kong binagtas yung daan bago nakarating sa tapat ng gate nito. Isang bag lang ang dala ko dahil nauna na ang maleta ko.

Pinakita ko ang isang uri ng simbolo sa nakabantay na guard agad naman itong tumango at binuksan na ang gate. Nakapasok ako alam ko high tech ang buong lugar na ito dahil meron silang metal exray na ginagamit para sa mga sasakyan.

Pagkapasok ko ay isang fountain agad ang sumalubong sakin yung tubig na binubuga nito ay kumikinang at ang desenyo ng fountain ay sobrang historical. Habang iniikotan ko ang fountain may napansin ako.

Merong tatlong layer ang fountain. Sa unang layer makikita ang mga taong naglalaban may mga hawak na espada at mga blade kung di ako nagkakamali. Sa pangalawa naman ay mayron mga lalaki na may iba't-ibang uri ng mga sandata sa bilang ko ay 7 sila. At ang pinakahuli sa lahat isang figura ng babaeng nakaupo sa trono habang may pitong lalaki na katabi nito sa makabilang gilid habang ang mga tao ay nagsisiyukan dito.

Masasabi ko na kung sino man ang gumawa nun ay napahanga niya ako dahil sigurado ako sa likod ng magandang desenyo nito ay may isa itong kwentong gustong ibaon sa lahat at yun na ang nagiisang patunay na ang nakaraan ay maaala parin ng kasalukuyan at hindi makakalimutan sa hinaharap.

Nagpark ako sa harap ng magarbong building agad akong sinalubong ng isang lalaki at kinuha ang susi ng Mustang ko at kinuha ko muna ang bag at ibang kailangan ko bago ako iwan sa kanya.

Pagpasok ko sa Double Door ay isang information table ang nakita ko. Nilapitan ko ito at hinintay matapos ang babae sa kausap nito sa telepono bago makipagusap dito.

"Yes sir?" Sabi ng babae sakin. Pinakita ko ang card ko at tumango naman ito.Mukhang naintindihan naman niya na ayokong makipagusap

I dont like talking to someone.

"This way, Sir Del-Tiero." Agad akong tumango at sinundan siya.

Nakarating kami sa isang maliit na Conference Room di naman talaga siya maliit kasya lang anman ang trenta katao dito. Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa dulo at may kausap sa telepono.

"Miss Pieps?Nandito na po si Sir Del-Tiero," sabi ng babae at napalingon naman ang babae sakin.

I admit may itsura siya pero hindi sapat para makuha ang atensyon ko. Tumango naman ang babae at umalis na ang naghatid sakin.

The Childish Cute PresidentWhere stories live. Discover now