Chapter 15

3.9K 46 1
                                    


"Woooow!" Hindi ko mapigilang mabulalas iyon nang makita ko ang mga pagkain na nakahain na sa mahabang dining table. Sa tingin palang, masasarap na. Sa tingin palang, mukhang professional chef ang nagluto ng mga ito.

"The dinner is served." Masayang sabi ni Raziel na may mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi. Nakasuot pa rin siyang apron at nakapameywang, feeling proud sa kaniyang ginawa. Bumaling siya sa akin. "What do you think, Beth?"

Ngumiti ako. "Mukhang masasarap..."

"Don't smile at him, Bethany." Mariin at inis na sabat ni Ramael,

Napabuntong-hininga ako. "Siya, ako'y gutom na. Kakain na ako." Sabi ko nalang. Nagmartsa ako patungo sa isa sa mga dining chair. Hinila ko iyon at umupo. Kinuha ko ang table napkin saka nilagay iyon sa aking kandungan. Tumingin ako sa dalawa. Kumunot ang noo ko nang naabutan ko silang nagsusukatan na naman sila ng tingin sa isa't isa. Galit ang mukha ni Ramael samantalang si Raziel naman ay nakahalukipkip na nakangiti., tila inaasar niya ang kaharap niya. "Mamaya na kayo mag-away kapag tapos na tayo kumain." Malakas na pagkasabi ko sa kanila.

Doon ay pinutol na nila ang tingin sa isa't isa. Dinaluhan ni Ramael ang karaniwan niyang pwesto dito sa dining table habang si Raziel naman ay siya na ang bahalang namimili ng mauupuan niya. Medyo nagulat naman ako dahil may dalawang lalaki at dalawang babae ang pumasok dito sa Dining Area. Ang mga lalaki ay nakasuot na katulad sa matandang bulter, ang mga babae naman ay nakasuot ng... Maid?

"I hired them, masyadong malungkot naman itong bahay mo. At isa pa, masyado nang matanda ang bulter mo dito, dude. Dapat ay may katuwang-" Naputol ang sasabihin ni Raziel nang biglang hinampas ni Ramael ang mesa na ikinagulat ko.

"What the fuck are you doing, Raziel?!" Bulyaw niya.

Kalmado lang nakatingin sa kaniya si Raziel. "Sinabi ko na, ah. Bingi lang, dude?" Sabay napakamot siya sa kaniyang ulo.

"This is my house and don't break my rules!" Sigaw ulit ni Ramael.

Ngumuso si Raziel. "Dude, kawawa nga ang matanda. Sa katunayan ay senior na iyan. Dapat ay nagpunta na siya sa malayong lugar o sa probinsya niya at kasama na niya ang pamilya niya."

Matalim na tiningnan ni Ramael si Raziel. Kumuyom ang kamao niya. Alam na, galit na naman ang isang ito.

"Kung iniisip mo ay ang pambayad mo sa serbisyo nila, there's nothing to worry about. I can pay." Dagdag pa nito.

Hinawakan ni Ramael ang kopita na nasa kaniyang tabi at marahas siyang uminom ng tubig mula doon. "Fine." Finally he agreed.

Muli napangiti si Raziel. Tila nanalo siya sa isang pustahan. Bumaling siya sa mga bagong dating. "Mamaya kakausapin ko kayo. Finally we have the master's approval." Aniya sa mga iyon.

Agad nagsikilos ang mga butler at maid. Pinagsilbihan kami. Ilang beses na din ako tumanggi dahil hindi ako sanay. Mas sanay ako sa self-service.

"Let's pray..." Anunsyo ni Raziel bago kami kumain.

Napatingin ako kay Ramael. Lukot na naman ang mukha niya. Oo nga pala., he's a demon, literally. Malakas ang allergy niya sa mga prayers.

"Anyone?" Si Raziel upang mapukaw ang atensyon namin sa kaniya.

Napangiwi ako at tumingin ulit kay Ramael. Nababasa ko ang galit sa mukha niya. Unti-unti na natatanggap ng sistema ko tungkol kay Ramael. Magagawa niyang makihalubilo sa mga mortal na tulad ko pero may kaibahan pa rin. Lalo na ang pagdadasal.

"You want to pray, Raziel?" Mariin ngunit kalmadong tanong ni Ramael sa kaniya.

"Of course, we're receiving God's grace." May ipinagmamalaking sagot nito sa kaniya.

"Kung ganoon, umalis ka muna dito. Saka ka na bumalik dito kapag tapos ka nang magdasal." Tamad na sagot ni Ramael at nag-umpisa na siyang kumain. Para na din siguro wala nang kontra pa si Raziel.

Ngumuso si Raziel at tumayo. "Bagalan mo ang kain, Ramael para maabutan ko pa kayo hanggang sa matapos kayo." Bumaling siya sa akin. "Ikaw din, Beth." Mabilis siyang lumabas sa Dining Area para talaga magdasal.

Napayuko ako. Pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito.

**

"Kaibigan ka pala niya eh bakit galit na galit ka sa kaniya?" Hindi ko mapigilang itanong iyon kay Ramael.

Nandito kami ngayon sa kuwarto niya. Tapos na din kami kumain. Hindi kasi ako panatag kung ano ba talaga si Raziel. Hindi rin naman kasi niya sinabi sa akin kung ano ba talaga iyon.

"He just assume." Tamad na sagot niya sa akin. "Why you keep asking me about him?" Napalitan ng pagkainis sa boses niya nang tanungin niya iyon.

"Eh, malay ko bang ayaw mong sabihin." Umingos ako at pinuntahan ang malaking kurtina dito sa kuwarto niya. Hinawi ko iyon. Grabe, nakakatakot talaga itong bahay na ito. Hindi ko rin lubos maisip na dito ako tumutuloy ngayon, kasama ang demonyong lalaking ito! Papaano ko nga ba nasisikmurahan na pakisamahan ang isang ito? Siguro ay dahil natatanggap na ng sistema ko ang isang tulad niya. "Talaga bang pinabayaan na..." Mahina kong saad habang nakadungaw ako sa malaking bintana na ito.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ramael. Prente siya ngayon nakaupo sa couch, may hawak-hawak siyang kopita na may lamang red wine.

Dinaluhan ko siya. "Ramael," Tawag ko sa kaniya.

Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. Hindi man nagsasalita pero nababasa sa kaniyang mukha ang pagtataka.

Napalunok ako. Tumingin ako sa sahig. "T-tungkol kanina..." I paused for a seconds, nangangapa ng mga salita na sasabihin. "Papaanong... Ako ang napili mo bilang ina ng sinasabi mong Cambion?"

I heard him sighed. Ipinatong niya ang kopita sa side table at tumayo. "Since you are a child." He answered.

Doon ako naglakas ng loob na tingnan siya sa kaniyang mga mata. Bahagyang kumunot ang aking noo. "W-what...?" May halong hindi makapaniwala nang mabulalas ko iyon.

Blangkong ekspresyon ang iginawad niya sa akin. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Bumagsak ang mainit niyang palad sa aking balikat at hinaplos iyon. "Yes, Bethany. This is your fate. This is our fate." Nilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa akin na parang tatangkain na niya akong halikan.

Hindi ko magawang sumagot. Tila nauubusan na ako ng mga salita na sasabihin o itatanong sa kaniya. Sa halip ay marahan ko siyang naitulak. "Shower na muna ako." Sabi ko kasabay na pagbilis ng pintig ng aking puso.

Kumunot ang noo niya.

Tinalikuran ko siya. Mabilis kong kinuha ang pampatulog sa na nakapatong sa couch hanggang sa narating ko ang bath room.

Pagkasara ko ng pinto ay isindal ko doon ang aking likod. Napasapo ako sa aking dibdib na parang hingal na hingal ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Iba ang dating kasi sa aking ang huli niyang sinasabi.

'This is our fate.'

Marahas akong umiling para mabura sa aking isipan ang bagay na iyon.

Remember, Bethany. He's a demon. Literally a demon and you, a mortal. A human! That's impossible.

**

Naging payapa naman ang tulog ko ng gabing iyon. Pero hindi inaasahan na nangyari na nagpagising sa akin. Nararamdaman akong malabot na bagay sa aking braso. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Noong una ay malabo, hanggang sa naging malinaw na ito. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin si Ramael! He brushing his lips in my arm!

"R-Ramael..." I voice were husky when I called his name.

Tumigil siya at tumingin sa akin.

"W-what are you doing?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"This is the way of my greeting... good morning, Bethany." He answered. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa sa aking katawan.

Nagpoprotesta ang isipan ko ngunit bakit ang katawan ko ay tinatanggap ang bawat galaw na iginagawa ni Ramael?! Bakit nagagawang sumunod na naman ito? Hindi kaya...

"I didn't controlling you, Bethany." Seryosong sabi niya.

Napaawang ang bibig ko. "Y-you... You can read my mind?!" Hindi ko mapigilang lakasan nag boses ko.

Tumaas ang isang kilay niya. "Yes, I can." Sagot niya pa.

I gasped.

"I can read you want to escape from me that night, hmm?" Saka may sumilay ang mala-demonyo niyang ngiti. "But you can't."

Napangiwi ako. Gumalaw ako para makabangon na ngunit nagawa akong pigilan ni Ramael! Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Nakaibabaw na siya sa akin!

"Ramael!" Sigaw ko.

"Just a minute, baby." Then he started to kiss my neck! Marahas niyang ibinaba ang strap ng kamison na suot ko. Lumipat ang mga labi niya sa isang balikat ko, paakyat ang mga labi niya sa isang tainga ko. "You have no idea how much I want you last night."

Hindi ko magawang magsalita. Pero may napapansin ako. May kakaiba. Noon ay halos hindi ako makahinga... Iyong tipong mapupugto na ang hininga ko, halos mamamatay na ako. Pero ngayon, hindi ko na nararamdamn ang ganoon. Parang normal...Maliban lang sa kiliti sa pinanggagawa niya...

Tumigil si Ramael. Itinapat niya ang mukha niya sa akin. Nagtama ang mga tingin namin. "Bethany?"

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. May pagtataka din sa aking mukha. "Ramael..." Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.

"Good morning, folks!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Walang sabi na malakas kong naitulak si Ramael. Mabilis akong bumangon at inayos ang aking damit.

Takang tumingin sa amin si Raziel. "Oh shit, porn!" Bulalas niya sabay takip sa kaniyang mga mata. "I didn't mean to disturb you, guys!" Malakas niyang sabi.

"What the fuck, Raziel!" Galit na galit na bulalas ni Ramael.

Tinanggal ni Raziel ang pagkatakip niya sa kaniyang mga mata. "Kumakatok ako, hindi ninyo ba narinig? Nakapagluto na kasi ako ng breakfast."

Walang sabi na binato siya ni Ramael ng flower vase. Agad siyang yumuko hanggang sa nabasag ang plorera sa pader ng kuwarto. Buti nakailag siya. "Get outta here, Raziel! I will kill you, mother fucker!" Sigaw ni Ramael

"Yeah, yeah. Lalabas na nga." Natatawang sabi ni Raziel sa kaniya. "Bilisan ninyo d'yan, bawal ipaghintay ang grasya." Nagmartsa na siya palabas sa kuwartong ito habang inilagay niya ang kaniyang mga palad sa likod ng ulo nito...

Game OverWhere stories live. Discover now