Tumigil ang sasakyan sa isang maliit na bahay. Medyo malayo na kami. Ang sabi sa akin ni Raziel ay dalawang oras daw ang biniyahe namin pero wala akong ideya kung nasa Batangas pa rin ba kami. Basta ang nakikita ko lang ay liblib ang lugar na ito. Wala masyadong kabahayan. Napapaligiran ng mga puno at mga halaman ang bungalow house na ito.
"Nakahanda na ang bahay na ito bilang matutuluyan natin. Dito din natin h-hihintayin si R-Ramael..." Sabi ni Raziel na may pilit na ngiti.
Bumaling ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Ayos ka lang ba, Raziel?" May halong pag-aalala sa aking boses nang tanungin ko iyon.
"A-ah! Oo naman. Nasa kanan ang kuwarto mo pala, Beth. Alam kong gutom ka na, ipagluluto nalang kita ng makakain mo." Sabi niya.
Tatanungin ko pa sana siya nang tinalikuran na niya ako at tumungo na siya sa kusina para maghanda ng makakakain namin. Kumawala ako ng isang buntong-hininga. Bumaling ako sa orasan na nasa aking cellphone. Alas diez na pala ng gabi. Nagpasya akong pumasok sa kuwarto kung san itinuro sa akin ni Raziel. Pinihit ko ang pinto, kinapa ko ang switch ng ilaw sa pader. Bumungad sa akin ang kuwarto na tanging katre, mesa at upuan na yari sa kahoy ang tanging kagamitan dito. Kita ko rin ang puting kurtina na sumasayaw sa malamig na hangin. Humakbang ako palapit doon at hinawi ng bahagya ang naturang kurtina na ito.
Nababalutan na din ako ng pangangamba para kay Ramael. Ano na kaya ang lagay niya doon? Gayundin ang kapatid niyang si Lucille? Ano na kaya ang balita sa kanilang dalawa? Hindi kaya sila napahamak doon? Natalo kaya nila si Flarvius?
Napasapo ako sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Bumibilis ang pintig ng aking puso. Mayroon bang hindi magandang nangyari kaya ganito ang aking nararamdaman?
"Huwag naman sana." Kumbinsi ko sa aking sarili. Lumipat ang aking palad sa aking tyan. Tiningnan ko iyon. "Babalik ang daddy mo, anak. Naniniwala ka rin, hindi ba? Babalik din siya?"
Kahit na hindi pa gaano lumalaki ang aking tyan, ay ginagawa ko ang kalimitian na ginagawa ng mga buntis. Kinakausap ang kaniyang anak sa kani-kanilang sinapupunan. Kahit papaano ay napangiti ako. "Kapag hindi nakauwi si daddy, ako mismong susundo sa kaniya, anak. Pangako 'yan..."
**
Ilang minuto pa ang lumipas ay pinuntahan ako ni Raziel dito sa kuwarto na may dala na niya ang pagkain. Inaya ko siya na sabay na kaming kumain. Kahit din na wala talaga akong ganang kumain dahil sa pag-aalala ko sa asawa ko ay kailangan, para sa anak namin. Hindi ko hahayaang magutom siya.
"Kailangan mo magpahinga pagkatapos mong pagbaba ng kinain, Beth." Nakangiting bilin sa akin ni Raziel pagkatapos naming kumain.
Tipid akong ngumiti pabalik saka tumago. "Ikaw din, magpahinga ka na, Raziel. Alam kong napagod ka na sa pagmamaneho." Wika ko pa.
Bago siya tuluyang umalis ay may inilabas siyang isang card mula sa bulsa ng kaniyang leather jacket. Inabot niya iyon sa akin. Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Sa oras na lalapitan ka ng kampon ni Flavius, ilabas mo lang ito, paniguradong hindi ka nila mahawakan o malalapitan. Title card ang tawag dito. May nakaukit a Devil's trap, isa sa mga kahinaan nila ang simbolo na 'yan..."
Walang alinlangan kong tinanggap ang bagay na iyon. "Salamat, Raziel." Mahinang sabi ko.
Tumango siya. "Good night, Bethany." Bati niya bago man siya lumabas ng kuwartong ito.
Ngiti lang ang tanging naisagot ko. Pinapanood ko lang kung papaano niya sinara ang pinto. Nilipat ko ang aking tingin sa title card na hawak ko. Pinagmasdan ko iyon. May bilog na may pentagon sa loob ng bilog na iyon.
Devil's trap...
**
Kinaumagahan din iyon ay nagpaalam si Raziel ay pupunta daw siya ng palengke. Marami pa nga siyang paalala bago talaga tuluyang umalis. Huwag na huwag ko daw pagbubuksan ng pinto kung sinu-sino. Maaaring magpapanggap na tao talaga o tagadito pero ang totoo daw ay si Flavius pala iyon o isa sa mga tauhan n'on.
I decided to stay at my room. Dudungaw nalang siguro ako sa bintana, pagmamasdan ko nalang ang mga bagay-bagay sa labas. Hindi ko naman nararamdaman na kinukulong ako bilang bilanggo ni Raziel, ginagawa niya lang iyon para protektahan niya kami lalo na't malalagot siya kay Ramael sa oras na mapahamak ako at ang anak namin
Sa gitna ng aking paghihintay ay biglang kumulimlim ang langit. Kumunot ang noo ko. Uulan ba?
Hanggang sa nagiging dim na ang paligid. May nararamdaman din akong kakaiba sa paligid ko. Napalingon ako nang may bulto ng isang lalaki na nakatayo sa pinto kasabay ang pagkidlat na malakas na dahilan upang magulat ako ng husto!
Nakangisi siya sa akin na mala-demonyo. "Ang akala mo ba ay matatakasan mo ako, Bethany Arles?" Wika niya sa mababang boses.
Napasinghap ako. Biglang bumuhay ang takot at kaba sa aking sistema nang makita ko si Flavius sa aking harap. "P-papaanong..." Ang tanging masabi ko.
"It doesn't matter..." He darted his eyes into my tummy. Mas lalo lumapad ang ngisi niya. "Congratulations, by the way. You already a mother of a cambion."
Wala akong makapang salita dahil sa takot. Sumandal ako sa pader. Nakapatong ang title card sa may mesa! Kailangan kong kunin iyon! Ngunit bago ko man kunin iyon ay hindi na ako makagalaw! Ni mga daliri ko ay hindi ko magalaw! Parang nanunuyo ang lalamunan ako at tila umurong ang dila ko! Ibig sabihin, nakokontrol niya din ako?!
Humakbang siya palapit sa akin. "Hinding hindi mo magagamit sa akin iyan. You know, I'm not only an incubus. I'm also one of the Knights of Hell." Sabi niya. "Magkatulad nga kayo ng iyong ina."
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. A-ano?! Kilala niya si mama?! K-Knights of Hell?!
Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. "Pagkatapos kang ipinanganak ka sa mundo na ito ay ako ang incubus dumadalaw sa panaginip niya." Saka tumawa siya nang nakakatakot. "I'm trying to make a cambion with your mother. Sagabal lang itong putang ina mong ama. Dahil sa inis ko, pinatay ko nalang."
Parang nabingi ako. Inaalala ko ang lahat na nangyari. Nang araw na iyon ay parehong namatay ang mga magulang ko. Magkaibang insidente. Ang pinalabas ng mga pulis noon ay namatay si papa dahil sa car accident, samantalang si mama naman ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon niya sa building...
"Ang totoo niyan ay sinadya ko talagang itulak ang nanay mo mula sa rooftop na iyon dahil galit ako. Oo, nakikita niya ako. She can recognize me. She keep telling me to stay away. She doesn't want to have a child with me..."
Napapikit ako ng mariin kasabay na pagpiga ng aking puso. Konektado pala ang lahat na nangyari sa magulang ko sa kasalukuyan!
Kusang tumulo ang luha ko sa rebelasyon na kaniyang sinabi. Bata palang ako ay naranasan ko na mawalan ng magulang hanggang sa estado ko ngayon.
"You want to see your husband, eh?" Tanong niya na may nakakalokong ngisi. Hinaplos niya ang aking pisngi, pababa s aking leeg. "Minsan nakakainggit din itong si Ramael, ano? Nakakuha ng masarap na mortal, tulad mo."
'No, please...'
"Tss." Singhal niya. "Kung hindi ka lang buntis, ako mismo ang bubuntis sa iyo. Puta."
Muli akong pumikit. Natatakot talaga ako sa histura niya! 'Ramael...'
Tumawa siya na mala-demonyo na mas lalo ko ikinakatakot. "Huwag kang mag-alala, dadalhin kita sa asawa mo." Saka itinagilid niya ang kaniyang ulo. May itim na usok na gumagala sa buong silid na ito hanggang sa nag-anyong tao na ang mga iyon. Dalawang lalaki...
Lumapit sila sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. Kahit na ganoon ay hindi ko pa rin magawang igalaw sa pamamagitan ng sarili kong sikap!
"Hawakan niyo ng maigi ang babaeng iyan. Bilisan niyo ang kilos para marating na natin ang Hell Gate!" Malakas na utos niya sa mga kasama niya.
Kusang sumunod ang aking katawan. Kahit anong gawin ko talaga para makakilos ako kahit kaunti ay bigo ako. Patuloy pa rin nila ako kinakaladkad patungo sa sinasabi niyang Hell Gate.
Ilang saglit pa ay tumigil kami. Mausok at parang nasa pusod na kami ng kagubatan. Napatingin ako sa direksyon kung nasaan nakatapat si Flavius. There's a passage like a Purgatory. May inilabas na isang bagay... Isang bato?
Biglang humangin ng malakas sa aming paligid. Inangat ni Flavius ang isa niyang kamay at itinapat niya ang kaniyang palad doon. Napaawang ang bibig ko nang may lumilitaw na parang... Portal?
Lumingon si Flavius sa akin. Nakangisi. "Yeah, it's a portal between hell and earth." Wika niya at binawi ang tiningin niya sa akin.
Naunang naglakad si Flavius patungol sa portal na iyon. Sumunod kami sa kaniya...
"BETH!"
Kilala ako ang boses na iyon! Si Raziel!
Gusto kong lumingon pero hindi ko pa rin magawa.
"Bilisan ninyo!" Malakas na utos ni Flavius.
Binilisan naman ng kilos ng mga tauhan niya na makapasok sa portal habang kinakaladkad nila ako.
Tumatakbo palapit sa amin si Raziel. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Iyon lang din ang tanging magagawa ko. Hindi ko rin magawang magsalita dahil nasa ilalim ako ng kapangyarihan ni Flavius at nakokontrol niya ako.
"Flavius!" Singhal ni Raziel saka tumakbo siya palapit sa amin. Kusang lumabas ang mga puti niyang pakpak at sumulpot na espada sa kaniyang kamay. "Bitawan mo si Beth!"
"Hah! Kung kaya mo!" May halong pang-aasar na sagot sa kaniya ni Flavius.
Bago man sumugod si Raziel ay naging itim na ang paligid namin. Nawala si Raziel! Oh, diyos ko...
"Shut up, you bitch!" Sigaw sa akin ni Flavius, walang sabi na sinabunutan niya ako. "Bawal na bawal mong babangggitin ang mga salita na iyan sa harap ko!" Saka marahas niya akong binitawan.
Patuloy pa rin ang mag-agos ng aking luha.
**
Hindi ko namalayan na napadpad na kami sa isag templo... Pinaghalong itim at pulang usok, mga patay na puno, halaman... May mga nakakatakot na nilalang... Mga... Demonyo...
Hanggang sa narating namin ang isang malaking templo na nababalutan ng itim na usok na mas lalo ko kinakatakutan. Pinagbuksan kami ng malaking pinto at tumambad sa amin ang mga ingay ng mga demonyo, bukod pa doon ay lahat sila ay nakatingin sa aming direksyon.
Tumigil kami sa isang malaking pinto na yari sa bakal. Dahan-dahan iyon nagbukas. Nang nakapasok kami doon ay kusang sumind ang mga kandila na nakadikit sa pader ng silid na iyon.
Napasinghap ako sa aking nadatnan. Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko ang kalagayan ng pinakamamahal. Nakahandusay sa maruming sahig habang nakasabit sa magkabilang kamay at paa niya ang mga kadena. Sugatan siya, putol ang mga sungay niya... Marumi siyang tingnan ngunit hindi na siya anyong tao kungdi anyong demonyo na din... Literal na demonyo. Malinaw pa rin sa akin ang mukha niya noong anyong tao palang siya,
"R-Ramael..." Sa wakas nagawa kong tawagin ang kaniyang pangalan.
Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang tingin sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang makita niya ako sa kaniyang harap. "B-Bethany..."
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapaiyak. Agad ko siyang nilapitan. May halong awa at pangungulila sa aking mukha. Tagumpay akong nakalapit sa kaniya. Lumuhod ako sa kaniyang harap para maging kasing lebel ang mga tingin namin. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Marahan kong idinapo ang aking palad sa kaniyang pisngi. Walang humpay na pagtulo ng aking mga luha at marahas iyon umaagos sa aking pisngi. "I'm sorry... N-nahuli niya ako..." Garagal kong sabi.
Kita ko ang pagtulo ng isang butil ng luha saka umagos iyon sa kaniyang pisngi. Hindi niya matanggal ang tingin niya sa akin. "W-where's Raziel?" Nanghihina niyang tanong.
"N-nahuli siya... Na iligtas ako. H-Hindi niya kami nahabol.." Pag-amin ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, niyakap ko siya.
Wala akong pakialam kung nagbago man ang hitsura ni Ramael. Wala akong pakialam kung bumalik man siya sa dati niyang anyo. Basta ang alam ko, siya pa rin ang Ramael na minahal ko... Ang Ramael na pinag-alalayan ko ng aking sarili, kaluluwa at pagmamahal ko... Ang Ramael na ama ng magiging anak namin.
"Kaladkarin niyo na iyan." Mariing utos ni Flavius.
Nilapitan ako ng dalawnag tauhan niya. Parang natataranta si Ramael sa kaniyang nakita. "Don't touch her, Flavius!" Hindi niya mapigilang sigawan ang kaniyang kapatid.
"I'll imprison this woman, Ramael. Don't worry." Nakangising sagot. "Ngayon din ay ipapadala ko na siya sa Maternal Plane para manatili siya doon hanggang sa manganak."
Kikilos pa sana si Ramael pero nilapitan siya ng iilang bantay ng lugar na ito ay walang sabi binugbog nila si Ramael.
"Ramael..." Nanghihinang tawag ko sa kaniya habang pwersahan akong kinakaladkad palabas sa silid na iyon. 'Please... Kailangan ka pa namin...'
Nagsara ang malaking pinto at nakalabas na kami sa templo. Pinasakay nila ako sa itim at nakakatakot na karwahe. May maliit na bintana doon. Pilit kongh sumulyap doon. Umaandar ang sasakyan na ito ay dahan-dahan kami nakakaalis. Muli ay hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong umiyak...
▶▶
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.