Two months later.
Maraming nagbago. Naging maaliwalas na ang mansyon. May mga nahired na ring mga maid at butlers si Raziel para daw may magbantay sa akin, since wala na akong sapat na lakas para mamalakad sa Hotel and Resort na iniwan ni Ramael, ay si Raziel na ang pinapamanage ko doon since naalala ko na nagtapos siya ng Business Management. Alam kong kaya na niya iyon. Kumuha din siya ng tagapag-alaga para kay Rhys. Minsan pa ay inaalagaan ko iyon. Gusto ko kasi maranasan ang mga ginagawa ng mga nanay para kung sakaling lumabas na ang anak ko sa mundong ito ay magagawa ko iyon.
Palagi na akong nananatili si kuwarto namin ni Ramael. Unti-unti ko na napapansin na nagiging mahina na ako. Parang kinuha ang bawat lakas ko sa mga araw na dumadaan.
Noong nakaraang buwan, I was suffer in depression. Hindi ko matanggap kasi ang lahat. Palagi akong nagkukulong sa kuwarto at panay tulog. Nagbabakasakaling dalawan man lang ako ni Ramael sa panaginip ko ngunit bigo ako. Akala ko din noon ay malalaglag ang anak ko... Buti pala, hindi... Buti makapit siya...
**
"Remember me, though I have to say goodbye... Remember me, don't let it make you cry...Forever if I'm far away I hold you in my heart...I sing a secret song to you each night we are apart... Ouch!"
"Okay ka lang ba, Beth?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Raziel nang marinig niya akong dumaing dahil sa sakit ng tyan.
Napangiwi ako at tumango. "Ayos lang ako. Ramdam ko lang ang pagsipa ng anak ko..." Sabi ko at kumuha ng mansanas sa aking tabi.
Nagbuntong-hininga siya. Sign of relief. "Madalas nang sumisipa iyang anak mo, ah." Natatawang sabi niya. Nakaupo siya sa single couch. And suddenly, his face turned into worry and sadness. "Sayang, wala siya para maalagaan niya kayo..."
I can feel my heart clenched. Nasulyap ako sa malaking portrait na nakasabit sa pader ng kuwartong ito. Litrato namin ni Ramael noong kinasal kami. Sinadya ko talagang huwag ipatanggal iyon.
Marami man nagbago sa paligid ko pero iisa lang ang hinding hindi magbabago at iyon ay ang pagmamahal ko sa kaniya... Kahit kailan ay hinding hindi siya mabubura sa puso ko.
"Lilith..." Kusang lumabas sa aking bibig ang pangalan na iyon.
"Huh?"
Bumaling ako kay Raziel at ngumiti. "Ipapangalan kong Lilith ang anak namin ni Ramael. Pero kung lalaki... Hmm... Ramael nalang siguro." Then I chuckled. Hinaplos ko ang aking tyan. "Nalaman ko na ang totoo, Raziel..."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Matutulad ako kay Trish, hindi ba?" Walang alinlangan kong tinanong iyon. Tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata. "Kung anong nangyayari sa akin ngayon ay nangyari din kay Trish. Kitang kita ko kung papaano siya nanghina noon, at ito ang nangyayari sa akin..."
Hindi siya makapagsalita. Mas lalo ko nababasa ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Raziel, alam kong selfish pakinggan kung sakaling sasabihin ko sa iyo ito..." Dagdag ko pa. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Kung sakaling ipinanganak na ang anak namin ni Ramael... Pwede bang ikaw na ang bahala sa kaniya? Sa kanila ni Rhys?"
Kita ko ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata. "I'm sorry..." Saka yumuko siya. "Kung nilihim ko, dahil ayokong masaktan ka sa oras na malalaman mo ang totoo."
Umiling ako. "Alam mo bang masaya ako? Kasi nakilala ko kayo? Nakilala kita... Si Ramael... At si Lucille? Ang akala ko, habambuhay lang ako matatakot. Lagi ko kinukwesyon kung bakit naging ganito ang kapalaran ko... Kung bakit hindi na normal? Nalaman ko din ang kasagutan na iyon, Raziel..." Kusang pumatak na ang luha ko. "Lahat may dahilan. Hindi ka nagkulang bilang kaibigan sa amin. Nagawa mo kaming protektahan ng anak ko alang-alang kay Ramael..."
Pumatak na din ang luha. "Beth..."
"Masayang masaya ako, Raziel. Kahit na maraming pagsubok na dumating sa buhay ko... Sa buhay natin... Kahit na maraming nawala..."
Walang sabi na niyakap ako ni Raziel nang mahigpit. His shoulder we're shaking and he cries. "Ang sakit, Beth... Ang sakit... Dalawang tinuturing kong kaibigan... Mawawala sa akin... Pati si Lucille... Kung kailan minahal ko na siya, saka pa siya nawala sa akin... Hindi ko siya nagawang pigilan noong nakaharap niya si Flavius... Hindi ko siya nagawang protektahan..."
Ngumiti ako at ginantihan siya ng yakap. "Naging komplikado lang ang buhay, Raziel." Saka pumikit ako. Marahan kong hinagod ang kaniyang likod para mapatahan siya. "Stay strong, Raziel. Not for me, for us."
**
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang may naririnig kong may naglalakad patungo dito sa kama. Iginalaw ko ang aking katawan hanggang sa bumangon ako. Napako ang aking tingin sa bulto ng isang lalaki na nakatayo sa tabi ng kama. Iba na ang kaniyang kasuotan... Anyong tao... Nakangiti siya sa akin nang matamis.
"Baby..." Mahinang tawag niya sa akin.
"R-Ramael..." Nanghihina at hindi makapaniwalng tawag ko sa kaniya.
Umupo siya sa gilid ng kama at marahan niyang hinawakan ang aking kamay. Hindi mawala ang ngiti niya lalo na't nagtama ang aming paningin. "I'm sorry... If I leave you like this." Aniya.
Hindi ko magawang magsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniyang mga mata. May namumuong luha sa aking mga mata.
"Sorry kung nahihirapan kang ganito..." And he kiss the back of my palm. "I am proud that you are the mother of my child, Bethany... You are get stronger as what I've thought."
Marahas umagos ang aking luha sa aking pisngi. "Nalaman ko na ang lahat, Ramael... Na... Mamamatay din ako. Dahil ina ako ng cambion."
Yumuko siya. "I'm sorry if I didn't tell you about that."
"Atleast, I have a chance to be with you someday, Ramael."
"Not for now, Bethany. Not now..."
Kumunot ng bahagya ang aking noo. "W-what..."
"The reason why I am here is I just want to see you, baby. Sorry, kung wala ako sa tabi mo habang nagbubuntis ka sa anak natin."
"I love you, Ramael..." Hindi ko na mapigilang sambitin ang mga katagang iyon. "I'll wait until our paths cross again."
"I'm inlove with you too, Bethany..." The last words he said until he fade aways...
**
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa sigaw.
Naliligo na ako sa sarili kong pawis. Ramdam ko na talaga ang sobrang panghihina. H-hindi ko na kaya...
"Kaunti nalang, Beth." Natatarantang sabi ni Raziel. Pawis na din siya dahil sa kaba at takot. Siya ang nagpapaanak sa akin. Hindi kami maaaring tumawag ng doktor dahil malaking sekreto ito lalo na't cambion ang anak ko. "Push!"
"HMMMMMMPPPP!"
"Isa pa, Beth!"
Humigpit ang pagkahawak ko sa teka na nakatali sa kama. Pumikit ako ng mariin. I clenched my jaw.. "HMMMMMMPPP!"
Hanggang sa narinig ko ang iyak ng sanggol. Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa pagod. Napaawang ang bibig ko nang nakita ko si Raziel na pinunasan niya ng puting bimpo ang anak ko dahil may mga dugo sa iba't ibang parte ng katawan nito. Pagkatapos n'on ay binalutan pa niya ito ng puting tela.
Nilapitan ako ni Raziel na nakangiti. "She's a girl, Beth." Saka binigay niya sa akin ang anak ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti nang nasa mga bisig ko na ang bunga ng pagmamahalan namin ni Ramael. Hindi ko mapigilang mapaluha nang makita ko ito. Tulad ni Rhys ay tao ito... Ni wala kang makikita na bahid ng demonyo o kakaiba sa histura niya. "Lilith..."Nanghihinang tawag ko sa kaniya. "Nakita na din kita, anak..."
'Ramael, nandito na ang anak natin...'
Pumikit ako saka dinampian ko ng halik sa noo ang anak ko. Pinagmasdan ko iyon ng mabuti ang mukha niya.
'Kamuka mo siya, Ram...'
"Lilith Rosemarie Black." Bumaling ako kay Raziel. "Iyan ang ipapangalan ko sa kaniya,"
Malungkot siyang tumango.
Bumaba ang tingin ko kay Lilith. May pumatak na dugo sa kaniyang ulo. Medyo natigilan ako nang makita ko ang sensyales na iyon. Nalalasahan ko ang dugo na iyon sa aking bibig.
"It's my time, Raziel..." Nanghihinang sabi ko. "Our promise, hmm?" Ibinalik ko ang aking tingin kay Lilith. "I love you, Lilith... Mama and papa always love you, baby..."
Hindi ko na kaya... Unti-unti na talagang kinukuha ang natitira kong lakas.
Dahan-dahan ko nang ipinikit ang mga mata ko.
Ngayong ipinikit ko na ang mga mata ko, Ramael. Ito na ang panahon para maghintay. Dahil sa oras na iminulat ko na ulit ang aking mga mata... Sana ay matagpuan na natin ang isa't isa...
YOU ARE READING
Game Over
Teen Fiction"You shall kneel before me naked and unashamed, Bethany." - Ramael Corson Black.