Best buddies

4 0 0
                                    

June 2017, Ang araw na nakilala ko ang isang taong kasing kalog ko at sobrang baliw tulad ko

Simula na ng pasukan nung mga araw na yun, di ko inakala na sa dinami raming upuan na pwede nyang upuan, e dun pa talaga sa tabi ko, akala ko nga nung una ay mayabang sya, tahimik, at hamdog. Pero kabaliktaran pala, sya na ata ang perfect boyfriend material.

Dumaan ang mga araw at buwan at naging mas close kami ni emmanuel caloy de los reyes. Magkasama kami kumain ng tanghalian, magkasama kami gumawa ng assignments, at magkatabi kami lagi sa klase

Sya yung tipo ng lalake na maginoo......sobrang maginoo, kahit di mo hilingin, ibibigay nya na agad, kapag malungkot pa, papasayahin ka nya, pag kailangan mo ng karamay, nandyan sya lagi

We act like a couple, laging tinatanong ng mga tao kung ano ba talaga kami? Bakit lagi kami magkasama? Bakit ganito kami umasal? Isa lang ang lagi kong sinasabi sakanila, mag bestfriend lang kami. Oo mag bestfriend lamg kami, daig pa namin umasal yung mag jowa dyan sa tabi tabi pero oo mag best friend lang kami

Di ko alam na sa mga panahong magkasama kami ay unti unti na pala akong nahuhulog sakanya, sino ba naman ang hindi? Isang taong ang sarap kasama, malambing, lagi kang pasasayahin, yung nakakamatay nyang mga ngiti, yung makakabaliw nyang mga tawa at lalong lalo na yung nakaka in love nyang mga mata, mga matang kumikinang sa tuwing tinitignan ko, mga matang punong puno ng saya, lagi ko nalang natatanong sa sarili ko, paano kung naging boyfriend ko to? Ang saya siguro nun no? I'll have the best boyfriend ever, pero hanggang imagine nalang ata yun, dahil mag bestfriend lang kami

Isang araw nagising nalang ako at sinabi ko sa sarili ko na mahal ko na yata yung tao na yun, di lang to basta bastang like, in love na talaga ako sa taong to, gusto ko sa umaga makakatanggap ako ng good morning sakanya, gusto ko kapag hinahalikan nya ako sa noo, gusto ko kapag niyayakap nya ako gusto ko yung thought na magiging saakin sya,  I really fell in love with my bestfriend, really hard.

I fell in love with my bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon