Chapter Three: Endless Whys
Days passed, pangalawang week ko na ito sa school.
I gained confidence, I gained friends. Marami ang nag-alok ng friendship at tinaggap ko naman.
The students were very good. They cooperated well. Sumasagot sila sa mga tanong ko at malaki din ang mga scores nila sa quizzes. And I am happy with it, that means they understand my lessons well.
They are getting closer to me day by day and I hope one day they will all be comfortable. And the boy from my first day in 7 Red?. Ayun, tinutukso parin nila. Naaalala ko pa nga nun na may classmate akong may crush sa Filipino teacher namin, kaya ayun, inspired na inspired siya, siya yata yung best in Filipino namin noon.
Well anyway, my life as a public teacher is very okay. Kilala ko na ang mga guro at may mga kaibigan narin ako. May mga welcome cards din na binibigay ang mga estudyante. Very sweet right?.
And Nico?, Hindi parin kami nagpapansinan, well minsan kasi may mga meeting ang mga science teachers ukol sa Science Club at sa mga dapat gawin namin. And considering him na Science teacher din sa Grade 7 level katulad ko, hindi talaga maiiwasan na hindi kami magpansinan lalo na kapag may meetings ang bawat Grade Level.
Tamang ngiti-ngiti lang o hello, hi, kamusta?, Okay lang. Mga ganyan lang and then back to normal.
Ayaw ko na kasi siyang pansinin dahil alam kong madidistract lang ako. My work is very important, I have to prove Daddy na tama ang pinili kong course. I have to prove him na tamang sinunod ko ang puso ko.
But then a part of me wants to smile at him everytime we see each other. Pero nandun parin yung galit at lungkot. It was like, I am really confused now.
Okay naman yung buhay ko nung hindi pa siya bumalik, pero nung araw mismo na nakita ko siya ulit, biglang nagkagulo na naman ang mundo ko. And I hate it.
I was in the faculty room sitting on my chair when a student approached me. Dahil malapit na malapit lang ako sa pinto ng Faculty Room ay madali lang niya akong maka-usap. It was my vacant time and I was busy recording some written quizzes.
"Good Afternoon maam"it was a sweet voice. I think siya yung President sa 7 Red.
"Hello Jean"nakangiting bati ko.
May inabot siyang Red Card sa akin. Malaki iyon. Mukhang Whole na red colored paper na tinupi in half.
"Para sa inyo po, galing po yan sa 7 Red, naisipan po kasi namin na i-welcome kayo. Bukod po kasi kay Sir Dela Cruz ay paborito ka rin namin. Kaya welcome po dito"pnakangiting sabi niya. Wala si Nico dahil may klase siya so hindi niya narinig na paborito siya ng mga bata. Well siguro obvious naman kasi, active ang mga bata sa kaniya at hiyang.
"Aww, thank you. Pakisabi sa mga classmates mo thank you rin"sabi ko at medyo ginulo ang buhok niya. Tumawa naman siya at nag-bow para umalis na.
I read the letter. It was a very very beautiful letter. Maganda rin ang designs ng card. It was well designed. At ang message?, It was very heart warming. May mga thank yous, wishes and hopes for me at sa huli ay isang malaking Welcome. Napangiti ako at inilapag na ang card sa table nang may mapansin ako sa likod ng card.
Tiningnan ko ito at natigilan nang makita kung ano ito. It was a picture. A picture of me and Nico. I remembered this. Nung inintroduce niya ako sa 7 Red. His hands are on my waist and guiding me to the center though his attention is still on the kids, while me?, Smiling. Siguro tinatago ang pagkabigla nung hinawakan niya ako sa baywang.
Hindi ko alam pero sa oras na iyon ay parang nawala lahat ng iniisip ko at natuon lang ang atensyon ko sa picture na iyon na para bang hindi ko na alam kung nandito oa ba ako sa mundo o wala na.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Romance"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...