It was a beautiful, sunny day. All was well, until...
"Miss Andrada!" Oh shit.
Napaayos ako ng upo. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng aking tenga. "Yes sir?"
"Are you listening?" Napalunok ako.
"Y-yes, sir. Of course." Ngumiti ako ng pilit. Damn, bakit kasi nagpuyat ako kagabi.
"Inom pa, Ellie! It'll help you, promise!" sigaw ni Bea dahil sa ingay ng tugtugin dito sa bar.
Yes, I am at the bar. Dahil 'to sa katarantaduhan ng ex ko na si Benedict. He cheated on me, thrice! Puta akala ko nagbago na si tanga mas lumala pala.
"Isa pa nga," sabi ko sa bartender. Well, sa tingin ko naman makakatulong 'to sa pagkalimot ko sa kanya. Ewan, bahala na! Basta gusto ko na siya makalimutan. Hoy, I gave everything. Tinaya ko lahat. But not my virginity, no! Hindi pa ko gan'on kadesperada. Kaya nga siguro ako iniwan n'on kasi walang napala sa'kin, puro lang kasi kami second base.
I laughed. Lasing na yata ako. Pumunta ako sa dance floor. Sumayaw ako. Sumayaw ako kahit kung sino-sino na nababangga ko. Sumayaw ako kahit na alam kong may tsansang matumba ako dito dahil sa kalasingan ko. Lalong lumakas ang music, lalo din ako naging ganado.
Pabalik na sana ako sa couch namin nang biglang umikot ang paningin ko. Shit, lasing na lasing ako. I was expecting na lalagapak ako sa sahig but, no. Someone got my waist. Nakapikit pa ko ng sobra n'on and when I open my eyes, nakita ko agad ang isang gwapo, maputi, matangos ang ilong at may brown eyes na lalaki and then everything went black.
Hindi ko alam pa'no ako nakauwi pero pagkagising ko nasa condo na ko ni Bea. I asked her pero tumatawa lang siya. I couldn't remember anything! Sobrang sakit pa ng ulo ko pero may quiz kami today so kailangan ko pumasok.
Back to reality, kakatapos lang ng klase kay Sir Marc. Buti walang surprise quiz dahil for sure wala akong maisasagot dahil wala naman akong naintindihan. All I did was sleep and then wake up for 5 minutes and sleep again. I think that'll be my routine for this day.
"Ellie, uwi ka na lang kaya? Mukhang 'di mo kaya mag-aral ngayon. Nagpakasagad ka kasi kagabi uminom eh alam mo naming may pasok tayo ngayon. It's Wednesday, not Saturday!" ani Leslie.
"Malay ko ba? I was drunk remember? Malay ko ba kung anong petsa nung gabing y'on." Sumimangot ako. Totoo naman kasi.
"Oh, sa tingin mo ba makakasurvive ka?" humalukipkip siya.
I just shrugged my shoulder. "Hard-headed." Rinig kong aniya.
"'Wag mo na kong intindihin. Bili na lang tayo pagkain, nagugutom na 'ko. I want coffee as well, feeling ko may hang-over pa ko." I smiled cutely para hindi na niya sermonan.
She's my partner in crime here in school. She's my bestfried. 'Yung kagabi na si Bea, she's my cousin. Lasinggera y'on kaya ito napala ko.
"Fine," pumila na kami.
Nakarinig ako ng bulong-bulungan sa tabi. Tumingin ako sa kanan ko. And there he is. My bastard with his friends.
"Ellie, wag mong tignan." Ani Leslie.
Sinunod ko siya. Iniwasan kong mapatingin sa direksyon nila dahil masakit pa din. Siya lang 'yung lalaking inalayan ko ng lahat. Pinatawad ko ng ilang beses pero wala, inulit-ulit pa din niya. Ang tanga ko rin kasi bakit kailangan ko pang kunsintihin. Kung ako n asana 'yung bumitaw nung ikalawa niyang pambababae, edi sana hindi ako nasasaktan ngayon. I think I'm really hard-headed.
Then, I remember the guy kagabi. Who was that? Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Ang tanging memorya ko lang sa kanya ay 'yung brown niyang mga mata. Kakaiba y'on sa brown na mata na mayroon si Leslie.
After we ate, as usual bumalik na kami sa susunod naming klase. Wala pa kong review. First time in the history na hindi ako nakapagreview. Lutang na lutang ako. Wala akong gana sa kahit na anong bagay. Gusto ko lang matulog hanggang sa mawala 'yung hang-over ko saka 'yung sakit na nararamdaman ko. I just want to rest until I have enough energy to face the reality.
Pagkauwi sa bahay, ang mga maids lang ang bumungad sa'kin. My parents? They're out of town because of business. Once a month lang naman 'to and I'm used to it. Usually mga 3 days sila d'on. Buti na rin na wala sila dito para 'di nila makita tuwing umaga kung gaano kamugto ang mata ko. I am an only child. Raised to be prim and proper bilang training na din para matuto na ko kung paano makipag-socialize properly dahil I am the only heir of our company. Who else? Sa'kin lang umaasa ang parents ko so I should be independent. I am independent. Dependent lang sa isang tao pero nawala pa.
I answered my ringing phone. "Hello, mom?"
"Ellie, sa Sunday pa kami uuwi ng Daddy mo. Can you email us the powerpoint that you did for our presentation tomorrow?" wika ng mommy ko.
"Of course, mom. I'll just change. Kakauwi ko lang kasi."
"Okay, sweetie. Thanks." And I hung up. We're not the sweetest na may I love you's every call because I am not that showy. Alam naman nila y'on.
"Ellie, what do you want for dinner? Wala ang parents mo, you can choose whatever you want." Napangiti ako nang marinig ko ang sabi ng Yaya Joy ko. Inaalagan na niya ko since 4 years old ako. Now that I am 19, siya pa rin ang matiyagang nag-aasikaso sa'kin.
"I want sinigang na baboy, ya. Lagyan mong maraming gabi, ha?" wika ko nang malaki ang ngisi. Yes, that's my favorite.
Umakyat ako ng room ko. As I opened it, bumungad sa'kin ang picture namin ni Benedict. That, asshole. Hindi siya belong dito sa kwarto ko. Kinuha ko 'yung picture frame at tinapon sa basurahan. I have the willingness to move on lalo na ngayong natauhan na ko. I'm not sad because iniwan niya ko. I pity myself kasi he made me feel that I am not worthy 'to love. Gusto ko na lang makalimutan lahat about sa kanya.