Seatmate

0 0 0
                                    

"Okay class since it's first day of school alam niyo naman na siguro kung ano ang kadalasang ginagawa kapag unang araw diba?"sabi ng professor sa harap, nako alam ko na to magpapakilala kami isa isa sa harap ng klase.

"So umpisahan natin sa unang nakaupo sa harap." tinignan ko ang nakaupo sa harapan. Napakaiksi ng suot niyang palda at naka crop top siya. Putok na putok din ang kaniyang magkabilang pisngi dahil sa blush on at ang kanyang labi ay pulang pula. Tumayo siya at pumunta pa sa gitna at humarap samin.

"Hi everyone! My name is Sofia Reyes and I'm 19 years old. Most of you already knew me right? That's all!" pakilala niya sabay flying kiss with matching kindat pa.

"Witwew!"

"Sexy!"

"Ang hot mo talaga Sofia!"

"Akin ka nalang!"

Sigaw ng mga lalake. Ngumiti lang sa kanila si Sofia at naglakad na pabalik sa kaniyang upuan. Pati ang lakad niya ay poise na poise dahil din siguro sa suot niyang sandal na may mataas na heels.

"Okay next!" sabay tingin ng prof namin sa katabi ni Sofia.

Tumayo ang isang babae na nakasalamin, kulot ang buhok at maliit. Nakayuko siyang humarap samin at nang iangat niya ang kaniyang tingin sa buong klase, para siyang takot na takot at mukhang hindi siya sanay na na sakanya ang buong atensiyon.

"He-hello my n-name is G-grace Vasquez a-and I'm 19 years o-old. T-thank y-you." Nauutal niyang sabi. Mukhang mahiyain ang isang to.

"Anobayan Grace! 3rd year na tayo pero ganyan ka padin hindi nagbabago! Ang nerd mo talaga!" sigaw ng lalaking nasa likod na ka-row ko. Nakabukas ang kanyang longsleeve at nakikita ang tshirt niya sa loob na may design pang superhero.

Mukhang mahangin at mayabang ang isang to.

Naupo na lamang si Grace at hindi na pinansin ang sinabi nung lalake.

Haynako! Hindi talaga mawawala ang mga bully! Kawawa tuloy si Grace.

Nagpatuloy ang pagpapakila hanggang sa ako na ang susunod.

"Hello everyone! My name is Alexandria Alcantara. You can call me Dria if you want. I am 18 years old. I'm a transferee so I hope we can get along with each other well! Thank you!" nakangiting bati ko sa kanila with matching kaway pa. Kahit na sobrang kinakabahan ako hindi ko iyon pinahalata sa kanila.

"Hi Dria! Ganda mo! Sexy pa!" sabi sakin ng lalaking nasa harap ko. Albert ata ang pangalan niya nakalimutan ko.

"Salamat!"sagot ko pabalik sa kaniya at nginitian ko siya.

"Tss"

Paupo na ako ng nilingon ko ang nagsalita. Ang lalaking katabi ko iyon na ngayon ay nakatingin na sa may bintana.

Anong problema ng isang to? Hindi ko pa nga siya kilala kung makapag-tss!

"And last but not the least", sabi ni prof sabay turo dito sa lalaking katabi ko.

Hindi siya nagreact. Hindi niya siguro narinig ang sinabi ni prof dahil nakaheadphones siya at nakatingin sa labas. Ang bastos din ng isang to e. Kahit andyan ang prof parang wala siyang pakialam!

Mukhang naiinis na ang prof namin dahil hindi siya pinapansin ng lalakeng to kaya kinalabit ko na siya.

"Huy ikaw na daw sabi ni prof" bulong ko sa kanya.

He just looked at me with a bored face. My God! This man is getting into my nerves! What's his problem?!

Binababa niya sa leeg niya ang headphones niya at nagsalita.

"Lance Alonzo" tamad niyang pakilala pagtapos binalik ulit ang headphones sabay tingin ulit sa labas.

Wow ha! Yun na yun?! Pangalan lang? Wala nang kasunod? Jusko! Umiinit ang dugo ko sa lalaking to! Bastos talaga! Mukha pang masungit!

"Okay class that's all for today! Since first day palang ng klase wala muna tayong gagawin! You may all go now. Bye!" paalam ng prof namin.

Nagsigawan naman ang buong klase at nagsitalon dahil nga wala ng klase.

Nilingon ko ang seatmate ko na ngayon ay nakayuko na at matutulog ata. Juskolord! Matatagalan ko kaya ang ugali ng isang to? Sana nga dahil pag ako hindi nakapagtimpi aba ewan ko nalang.

A/N: Hey guys! This is my second update and I hope you'll like it! Love u all mwa!

-Majesty

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AlmostWhere stories live. Discover now