Twenty One

982 26 4
                                    

All yours

There are times that your mind and heart is in the process of arguing. na darating sa punto na mas pipiliin mo nalang maging tanga kasi hindi mo mapapatawad ang sarili mo kung hindi sya naging sayo.

Hindi ko pa rin halos maisip kung bakit. what the hell is happening? he made me believe that he's not into Caiana! ang tanga ko, bakit ba kasi nagpauto ako?

I almost caught up by Eri spacing out in the middle of our bondings. kaya naman medyo umayos ako at nakisali nalang sa usapan nila. I didn't bother to check my phone again at itinuon nalang ang buong atensyon sa mga pinsan.

Ano pa ba ang hihintayin ko? para lang din naman akong nakikipag lokohan sa sarili ko ngayon. it was me who's in fault, I made him mine to save my self from fucking fix marriage. but the point is he assured me that he's mine that night, now he can't prove his loyalty.

Naglabas kami ng table sa harap mismo ng villa namin. we're planning to play cards at in between daw ang lalaruin habang ang view namin ay ang dagat.

"Rionne walang mandadaya, alam ko plano ninyo ni Kuya!" pagbabanta ni Aero na nakaupo ngayon sa dulo ng lamesa. nasa likuran naman nito si Xenon at Flynn habang kami naman nila Eri ay magkakatabi ulit.

To be able to understand the game, the player must choose whether the value of the following card will fall between the previous two cards. an ace card has the smallest value and the king has the largest.

"Manahimik ang tanga." saad ni Priore sa kapatid. he's sitting like a boss waiting for the cards to be distributed. ibinalasa ni Rionne ang baraha ngayon kaya nanahimik na kami.

Umorder ng tatlong bucket ng beer sila Xenon para habang naglalaro kami ay may inumin kami.

"All in, lower!" masayang saad ni Xenon, dalawang king kasi ang card niya at alam na ng lahat na sure win na 'yon kaya nagtatalon ang tatlo sa tuwa.

Nang ibaba ni Rionne ang card na nabunot nito ay halos magsisigaw na kami dahil nakita naming king din ang lumabas.

"Putangina, ang daya!" napatayo pa si Xenon dahil sa lumabas na card. nagtawanan naman kaming lahat.

689 pesos ang perang nakataya, iyon dapat ang mapapanalunan nito subalit talo siya kaya babayaran niya iyon. napahiyaw naman kami nang nadagdagan pa muli ang perang nakataya roon, pag na all in mo iyon lahat malamang ay sa'yo na lahat ng pera sa mesa.

"May balat ka siguro sa pwet?" natatawang saad ni Flynn.

"Pera na, naging bato pa!" humahalakhak na saad ni Vera.

"Baka malas talaga ang kamay mo Rionne, si Cael nalang!" pikon na saad ni Xenon.

"Huwag mo na ipasa ang kamalasan mo gago." natatawang saad ni Rionne at ibinigay kay Cael ang baraha. natatawa pa rin si Cael habang nagdidistribute ng cards.

Hindi na rin namin namalayan pa ang oras at naparami na rin kami ng beer. inutusan pa ata ni Cael sila Flynn na mag order pa ng dalawang bote ng bacardi kanina.

"Vera magtira ka naman!" pikon na saad ni Aero, dahil kanina pa hinahakot ni Vera ang mga taya.

"Hoy Cael dinadaya nyo ba kami?" pagrereklamo ni Rionne. natatawa naman si Cael sa likuran ng kapatid na si Vera, kanina pa kasi sunod sunod ang panalo nito.

"Huwag na mag reklamo pag talo." natatawang saad ni Cael at muling nag ayos ng card para sa panibagong round.

"Tangina kuya, ako naman ipanalo mo!" saad ni Flynn.

"Walang daya dito, gunggong." seryosong saad nito sa kapatid.

Nakailang ikot pa ng cards sila Cael kaya medyo nakaramdam na ako ng antok. gawa na rin siguro ito ng alak kaya napahikab ako nagkusot ng mata.

Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon