Sa 7eleven (One-Shot Story)

331 3 1
                                    

"3 minutes na lang Ma!!" inaantok pa ako, BWISET naman e. Yinugyog niya yung kama ko hanggang sa bumagsak ako sa sahig "I'm Up, Mom. I'm Up!!" wala namang pasok, ang aga aga paring mang-gising

"Sir? Dine in po?" dumiretso ako ng 7eleven pagkatapos ko bilhin yung walang hiyang Hot Pandesal ng nanay ko. Hindi niya ba alam na nakakapagod din mag-aral araw-araw at manatiling Top One sa klase? Ewan ko nga ba naman, Oo.

"Ah! Dine in ho!" Dito na ako kakain para naman makapagpalamig ng ulo kahit papaano. Umupo na ako, katabi ng babaeng parang mauubusan ng CowHead. Paano ba naman, Anim na 500mL na yung nakatumba, siguradong wala nang laman. Kailan pa naging pampalasing itong iniinom niya? Hay Nako! Pati ba naman kawirdohan ng babaeng to, poproblemahin ko pa?

Tinuloy ko lang yung ginagawa ko ng bigalang narinig ko siyang kumanta na parang umiiyak din  "Do you think i'm wasting my time, Doing things I wanna do...." Aruuu! Humagulgol na. Nakpenggal. Ano gagawin ko?? Kapag minamalas ka nga naman talaga. Hoy! Santanas, tantanan mo nga ako sa mga pakulo mo, Ang aga aga nambubwisit ka na naman. Napansin kong tumigil na rin siya. At biglang nagsalita.

"Pwede mo ba akong tulungang tuparin yung wish ko bago ako maglaho?" Ano daw? Maglaho?

"Huh?" Ang weird nitong babaeng 'to. May sapi yata 'to e. "Okay ka lan--"

She Kissed me!!!!!!!! She fucking kissed me. Magkadikit mga labi namin. Labi lang, walang kahit na anong konektadong bahagi ng katawan namin. Huminto siya at naiwan parin akong.....

NGANGA!!!!! O.O

"Ano kasi-- *kamot sa ulo* hindi ako marunong, First kiss ko kasi to. Gumalaw ka naman, Please?" Ang agresibo ng babaeng 'to. Nag-iinit ako anobaaaaaaa?!!! "Sigurado naman akong hindi mo 'to First e!" Hindi ko alam pero ginawa ko yung sinabi niya. Hinawakan ko yung mukha niya, habang pinalupot naman niya yung braso niya sa leeg ko. A passionate kiss indeed. Nanginginig siya. Malamig na parang bangkay. First time nga niya siguro. Hanggang sa halos mawalan na kami ng hininga. 

"Thankyou! :) Nice seeing you again" sabi niya at bigla na siyang lumabas ng 7eleven. AGAIN? Have I seen her before? Naiwan akong nakatulala. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya hinabol, pero sa pagkakataon nagtama yung mga mata namin bago siya kumalas sakin, May luha. Malungkot siya. Biglang lumipad yung Panorama na binabasa niya.

DID YOU KNOW THAT PEOPLE LOSE 168 Calories with kissing? e'kaya naman pala e. Loko yun aa. Pagkatapos niyang uminom ng sangkatutak na Cowhead na punong puno ng calories hahalikan niya ako? Wow. Just Wow! Makauwi na nga.

"Do you think i'm wasting my time, Doing things i wanna do....." Paulit ulit kong iniisip kung anong kanta 'to. Sinearch ko na nga sa google yung buong linya. E'sa hindi ko alam yung title e. Lumabas "PERFECT" , pinakinggan ko..

Oo nga, may problema siya. Sa tatay niya? Siguro?

Hindi ko alam, pero parang pagkatapos ng araw na nagkita kami, Araw-araw gusto kong tumambay sa 7eleven. Nagbabakasakaling nandun siya??? Ewan ko.

Pumunta ako ulit pero kagaya ng laging nangyayari. Wala siya! Kaya napagdesisyunan kong wag nang umasang makikita pa siya, pero kahit na ganon sa 7eleven parin ako tumatambay.

"Gabi na, nak! Aalis ka pa?"

"Bibili lang sa 7eleven Ma." sagot ko naman at dumiretso na ako doon. Umupo ako sa dating inuupuan ko. Ako nalang yung customer, naisipan kong bumili narin ng makakain at napadaan naman ako sa Stall ng COWHEAD. Kumuha ako para naman maiba yung iniinom ko nang may nakita akong nakaipit na sulat dito. "Para sakin ba 'to? Haha! Epic" At dahil nacurious ako, binuksan ko yung laman ng Papel.

Sa 7eleven (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon