Love Me Again

1.4K 49 81
                                    

WARNING: CRAPPY WORK INSIDE :p

Do unto others what you want others to do unto you.

No. I don't think this rule is always true, 'cause if it is, why then can't he love me the way I love him?

It's been almost a year since it all started. I was in senior year in high school when we first met. He was just an ordinary schoolmate. I never really noticed him. Until one Saturday night...

"Hi, Ms. Caitlin!" a chat box popped in. Huh? Who's this?

"Hi! I'm sorry, but do I know you?"

"No. I don't think so. Oh, I'm sorry. I should've introduced myself first. I'm Matt Williams from section 4-1A." Hmm. His name seems familiar. Oh, right. Siya ata 'yung Fil-Am transfer student last year. Lots of girls always talk about him, how cool, handsome, intelligent, and attractive he is. I've never seen him though. Not even once.

"Familiar. You're that transfer student, right? I heard you're running for valedictorian. Usually, hindi pinapayagang maipasok ang mga transfer students sa unang tatlong sections. Siguro puro 100 ang grades mo, no? Hahaha."

"Haha. Hindi naman. Just lucky, I guess? Anyway, I don't know how to say this, but may I know your number? Kung ayaw mo, okay lang naman."

"Pasensya na. I don't give my number to unfamiliar persons. Not that I call you a stranger, it's just that hindi naman kasi talaga kita kilala e. Sorryyy. I hope you understand."

"It's okay, really. I completely understand. Oh well, I should get going. May mga gagawin pang assignments e. Guess I'll see you 'round then?"

"Alright. Bye!" Nakacurious tuloy ako sa taong 'to. Ang weird naman kasi e, iisang room lang ang pagitan ng homeroom namin pero hindi ko siya nakikita. Laki ko namang bulag! Oh well, if we're fated to meet, we will meet.

Sunday.

Katatapos ko lang magsimba. May pupuntahan pa akong practice mamayang 2PM, meron pa akong dalawang oras. Saan na kaya sa Lauren? Makikipagkwentuhan na muna ako sa kanya. Sigurado naman hindi pa rin uuwi 'yun.

Si Lauren Santos nga pala ang isa sa mga closest friends ko. Alam niya kwento na buhay ko magmula pa ng ipinanganak ako hanggang sa ngayon. Siyempre joke lang. Pero sa kanya ako nagsasabi ng secrets bukod pa sa mga magulang ko. Maganda na nga siya, mabait pa't maalalahanin. Kulang nalang sa kanya boyfriend e, pati rin pala height. Kahit naman average lang ang tangkad ko, mas maliit pa rin siya sa akin. Hahaha! Sama kong kaibigan no? Ganyan talaga kami. Mahal ko naman siya.

"Pssst! Cait, hoy."

Heto na pala ang hinahanap ko. "Uy! Ikaw pala. Kanina pa kita hinahanap. Uuwi ka na ba? Kwentuhan muna tayo, mamaya pang 2PM ang punta ko sa practice naming para sa presentation sa English e."

"Suuuuure! Kaso mamayang 1PM aalis na ako, ha? Pupunta pa kasi ako kina Lola."

"Oo naman. O, kumusta na 'yung manliligaw mo? 'Yung section 4-2A? Pinatigil mo na ba? Ang tibay nun e! Anim na buwan nang nanliligaw. Sagutin mo na kaya?"

"Sira ka, girl. Hindi ko nga kasi siya gusto e. Nakakaawa nga e, kahit ilang beses ko nang patigilin, ayaw pa ring sumuko. Nakakailang na nga e. Haaay. Hayaan na natin. E ikaw, musta status ng love life mo?"

Alam naman niyang wala akong love life ehh. Naku, Lauren talaga. "Girl naman e, pinamumukha mo tuloy lalo sa akin na loveless ako. Wala namang nanliligaw sa akin e!" I pouted at her.

"Naku girl! Bwisit ka naman e," sabay sapok sa akin, "anong wala?! Ang haba kaya ng hair mo kahit ang sungit sungit mo sa mga lalaki. Choosy ka lang talaga. Ih! Iuntog kita diyan e!"

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon