My Endless Love

228 2 1
                                    

      July 23, 1990. Sa isang room ng Computer Tech. Course. nakaupo ang isang babaeng tahimik, at mukhang walang kakilala kahit isa man sa mga kaklase niya. Nang walang anu-ano'y may isang mistisahing babaeng bumati sa kan'ya.

"Pssstt!! Miss! "

lumingon- lingon ang sinitsitan..

"ako ba? "

"Oo, naman ikaw nga, may iba ka bang katabi dyan di ba wala?"

kumunot ang noo ng babae.

"Bago ka dito noh? tanong nang mistisahin.:

" Ah, hindi. Last Sem pa ako dito. Nahiwalay lng ako ng section sa mga dati kong classmates. "

"Ganun ba? Ako nga pala si Lyka." Pakilala ng mistisahin.

"Ikaw? "

"Shane." sagot niya.

"O, buhat ngayon friends na tayo ha? "Napangiti si shane.

"Oo naman."

     The following day 2nd floor ng University. Malapit sa library.Habang nakatanghod si shane sa barandilya ng pasilyo, (wait nia kasi ang time for the next period niya, ang drawing.)

    Biglang dumating si Lyka may kasamang isang di katangkaran na lalaki. Maputi, mapula ang lips, buo ang mga ngipin at akala mo ay napakatahimik na tao.

     Inakala pa ngang bakla nung una, kasi makinis ang balat. Ipinakilala siya ni Lyka kay shane.
     Habang nag-uusap sila na magkakatabi, biglang lumipat si shane sa bandang gilid ni Jhune.( Ay, sorry d ko agad naipakilala yung di katangkaran na lalaki.)

     Hindi naman niya alam na nagsasalita pala si Lyka at di namalayan ni lyka wala na pala siyang kausap. Hanap siya ng hanap kay shane na natatakpan lang naman ni jhune, ( parang ang laking tao niya para matakpan si shane diba? )

    Bubulong-bulong si Lyka habang inililigid ang mata sa paghahanap kay shane.

   "Lokang babaeng iyon salita ako ng salita dito wala na pala akong kausap.Jhune! nakita mo ba si shane? "

     Sinenyasan ni Shane si Jhune na huwag siyang ituro. Tawa ng tawa si Jhune at Shane habang patuloy pa rin sa pagbulong si Lyka.

     Hanggang sa mapansin niya na siya na pala ang pinagtatawanan ni Jhune. At doon niya nakita si shane na nasa tabi lang pala ni jhune.

     "kayong dalawa pinagkakaisahan niyo ako ha! sige lang, makakaganti rin ako sa inyong dalawa" banta niya..

      Lumipas ang mga araw ng pagkakaibigan ni Shane at Lyka. Lagi silang masayang nagkukwentuhan ng buhay-buhay nila.Sabi nga ni Lyka itinuring na niyang kapatid si Shane. Dahil wala siyang kapatid.

    Hanggang isang araw, ay nag audition sila sa isang club.(huwag na nating pangalanan ang club. Madali akong mabubuko doon eh. Basta, ang sigurado hindi iyon " night club ".

      Doon na nagsimula ang lahat.. naging trio ang pagkakaibigan nina Lyka, Jhune at Shane. Madalas sila-sila ang magkakasama sa mga lakaran. Sa sobrang close nilang tatlo, kapag nasa klase pa si jhune, nasa tambayan naman si lyka at si shane.

Biglang makakaramdam ng gutom si Lyka at aayain niya si shane na pakialaman ang bag ni Jhune.nuong araw kasi, lagi silang walang pera. E, si Jhune laging busog sa barya ang kanyang backpack na coin purse.

"Shane, kuha tayo ng pambiling buko juice at hamburger dito sa wallet ni jhune."

" Huh! Baka, magalit yun?"

" Akong bahala di yun magagalit kilala ko yun. Di niya mahahalatang pumayat ang coin purse niya. Tig dos lang naman tayo ng juice at 6 na hamburger eh."

My Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon