RID2#CHAPTER 6
REFERRAL✿°•✮•°✿
Nakatingin ako sa resume na hawak ko. Alright, it will never be enough. My credentials will never be enough. Pero kung makakakuha siguro ako ng referral mula kay Gavin ay makakalusot ako sa Alonte Industries. Gavin Nuñez is a big fish. Konting recommendation niya lang ay malaking bagay na iyon sa akin.
Pero bibigyan ba niya ako ng magandang feedback?
Napapailing akong inilapag iyon sa mesa sa kwarto ko. Katabi non ay ang enrolment form ng eskwelahan na kinuha ko kahapon sa registrar.
I was torn between studying and working. Ayaw ko kasing gastahin ang pera ni Tyang. Kahit pa sabihin nating binibigay niya iyon ng kusa kasi anak naman ako ni Tatay na siyang boyfriend niya pero hindi kasi ako sang ayon.
Maybe Gavin will give me the letter if I ask him in person?
Ah ewan, bahala na.
Nagempake ako ng konting damit at napagdesisyonang lumuwas ng Maynila.
Sinabi ko kay Tatay na may kailangan akong pirmahan sa dati kong trabaho para payagan niya akong lumawas.
At siyempre pa naabisuhan niya na si Ken na siyang kunot ang noong sumundo sa akin sa terminal.
"Bakit ka pa lumuwas? Pwede namang tawagan mo nalang siya para pakiusapang ipadala ang mga dapat mong pirmahan" May dudang tanong ni Ken habang papunta kami sa Nuñez building.
Alam ko nang sasabihin niya iyon pero gusto ko din kasing kumustahin si Gavin matapos kong matusok sa lalamunan.
Hindi ko nalang sinabi baka ano pa isipin ni Ken, chismoso pa naman.
"Wala akong dapat pirmahan, pero may kailangan kasi ako sa kanya, importante lang Ken" I instead told him.
"At nagsinungaling ka sa Tatay mo?" He snapped.
Ngumuso ako.
Umiling siya. "Ano ang kailangan mo sa kanya?" sunod niyang tanong.
"Referral"
Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong kung para saan yung referral. Hinatid lang niya ako doon sa opisina. Kinailangan din kasi niyang bumalik sa trabaho niya.
Agad akong dumeretso sa opisina ni Gavin, hindi pa ako nakakapagbihis at hilamos mula sa night trip ko at sa totoo lang ay pagod ako. It was almost eight kaya alam kong nandoon na si Ate Macey.
Pero ibang babae ang nakaupo sa desk ni Ate Macey. Hindi ko kilala.
"Good morning, may I help you?" Bati niya, the woman has blonde hair, kulay dilaw din ang frame ng glasses niya na halos magkakulay na sa buhok niya.
She is quite tall, mas matangkad siya sa akin at sa ayos niyang attire na blazer at mini skirt ay nanliit ako ng slight.
"Si Ate Macey?" I asked.
"Naka indefinite leave, I am Shelly Gavin's secretary, you are?" she finally smiled.
"Rikky" I said timidly at napatingin sa office ni Gavin. I know he wasn't there kasi maaga pa pero nagulat ako nang bumukas ito at gulo-gulo ang buhok itong lumabas.
"Shelly can you--- Marikit?" he asked nang makita niya ako.
I saw the plaster in his neck at nakonsensiya tuloy ako bigla.
Wala sa sarili akong lumapit sa kanya at pinatingala siya gamit ang hintuturo ko para makita ito ng maayos.
"What are you doing here?" he asked at tinignan ako sa mata. Nailang tuloy ako. Umatras ako ng isang hakbang, masyado naman akong nadala sa sugat niya sa leeg. Concern lang ganon?
BINABASA MO ANG
Rolling in the deep 2
RomanceThe reason she came working as a maid in Manila was her mother and has just died so Erikka Marikit Soliven or better known as Rikky to her friends and Marikit to the brother of her boss has decided to leave the city and to just stay at home to be ne...