• Synopsis •

13 0 0
                                    

Welcome to Astral University/Campus/Academy/School lahat na ng slash na sa lugar na'to.

Dyan ako nag aaral, taking my Grade 12 Senior studying. Magara, Pang-mayaman at syempre pang Masa. Private siya pero dahil nga may vouchers na tayo, Bakit hindi?.

Ako si Janina Santa Maria, Desi-otso at maniwala kayo sa hindi, Simple lang ako. Ang gusto ko lang ay makapag tapos ng pag aaral para sa Kinabukasan ko.

Yun lang talaga, Oo yun lang. Hanggang sa nag ka Apocalypse sa Campus at pineste sa 'Kate' ang lahat ng kababaihan at ka-moshiehan.

Meet the Kulangot este The Royalties, oh diba? Naks ampucha! Royalties daw eh?. Ang grupo ng mga asungot at pinag samasamang anak ni Saitan.

Ang pitong lalaking to, ang sisira at papasok sa 'Simpleng Buhay' ko.

Ang pitong Lalaking 'Nag kikisigan' 'Nag gwa-gwapuhan' 'Pinag kakaguluhan' at saksakan ng 'Sobrang Kabaliwan'.

TA DA!! Ang Royalties, ang grupo ng mga kalalakihang may iba't ibang klase ng pag uugali.

Yung isa Saltik.

Yung isa Bolero.

Yung isa Masiyahin.

Yung isa Bastos.

Yung isa Tahimik.

Pero yung isa? na'ko! Mabait na Gentleman pa, saan kapa? Dito kana!. ang tanging lalaking 'Enebeg' ko ng tunay, ang ultimate and one-and-only my Crush, Si Hans.

Ang dahilan kong bakit Sumisigla ang Araw at Gabi ko. Siya lang talaga ang lahat para sa'kin haaaay....

PERO!!!


May nag babadyang 'p*taragis' sa Lovestory ko, at ang TANGING lalaking 'Pashnea' na ayaw ko talagang makita IVIR!...

Ang pang pitong lalaki, si Lance salot! Ang Abnormal na leader ng Royalties, ang pinag sama samang lakas ng Sampung Kage Bunshin technique ni Naruto. Ang nag tataglay ng Sharigan ni Sasuke...ang pinaka *toot* pag dating sa ugali sa kanilang pito.

Lahat ng katangian nung apat nasa kanya na. Saltik, Bolero, Tahimik,
Bastos- Wait! There's more! May pag ka Masungit, Suplado, Tarantado, Basagulero, din yan! Oh ha? San kapa? Imposibleng maging Masiyahin yan, magiging abo ang Earth.

Pero para sa 'Crust' ko, gagawin ko, kahit mahirap SUSUBUIN ko. Mapalapit lang ako sa kanya. Kaso, dahil nga pito sila, may '6 insane level' pa'kong susuungin, mapalapit lang sa 'Grand prize' ng buhay ko.

Pero paano kong....

Sa pang '6' na level na stock ako...

Kung saan yung taong kina iinisan ko, siya pala ang tunay na Grand Prize dito sa puso ko.

Pwede ko bang ika-ila na gusto ko na siya? Pero may Mali eh, kasi dapat siya. Hindi siya. Basta!.

Kakaharapin ko lahat ng hirap at pag titiis para lang matupad ang pangarap ko.


Dahil dito palang nag sisimula ang...


"The Royalties and I"

The Royalties and I Where stories live. Discover now