Prince's POV
So our next game is Shiozuka Jaguar, sayang at di namin sila nakakalaban sa Final Four last year dahil tinalo sila ng Jousei sa last elimination game. And balita ko lumakas lalo ang Shiozuka kahit wala na yung ibang seniors sa kanila.
DUG OUT
''Boss balita??''
Walang sumagot sa ginawa kong pagpapapansin, nakita ko roon si Bernard, nakaupo lang at walang imik, haixt pinsan talaga. Seryosong seryoso nanaman itong pinsan ko. Then yung mga teammates ko kanya kanyang puwesto nakahiwalay kay Bernard. Siguro nagpractice pa ito si Bernard sa school before game.
''Kalma lang guys, its just an elimination game ok, and besides kaya naman natin ang Shiozuka right?''
Biglang sumama ang tingin sa akin ni Bernard.
''Seryoso ka pinsan?'' -Bernard
''Oo naman, ilang beses na natin silang tinalo diba?''
Hinampas ako ng tuwalya ni Bernard.
''Aray ko, pinsan naman ehh. Anung problema mo?'' eto ang ayaw ko kay Bernard ehh, minsan mainitin ang ulo lalo na kapag nasa games ehh.
''Huwag mong i-compare ang Shiozuka sa mga previous teams na tinalo natin, at lalong huwag mong i-cocompare ang Shiozuka last year kaysa sa ngayon'' -Bernard
Anu bang nasabi ko na hindi niya nagustuhan? Hay ganyan talaga iyang taong iyan. Sa labas parang anghel pero kapag nasa court o kaya sa dug out demonyo na hahaha peace pinsan.
Nessan's POV
Sa labas pa lang ng arena ay sobrang daming tao na yung parang magkaka stampede lang. Parang sasabog nga rito ehh dahil pare parehas ng mga suot ng mga tao dito, naka kulay gold saka pula. Yun kasi ang school color ng San Agustin ehh. BTW kasama ko rin pala yung pinsan kong si Aldrin saka yung girlfriend raw niyang si Chienna.
(AUTHOR'S NOTE: SI ALDRIN AY CHARACTER SA ISA KONG STORY NA WATTY ACADEMY CLASS OF 2014, PATI NA RIN SI CHIENNA)
''Ness!!!'' si Ekaii, teka akala ko ba walang ticket eto?
''Nandito ka rin pala?'' -Ekaii
''Ay wala, imagination mo lang. Saka san ka nakakuha ng ticket huh?''
''Binigyan kaya ako ni Martin noh, ang sweet diba?'' -Ekaii
''Ayyy same pala tayo, binigyan rin ako ng ticket ni Rodney, at isa pa look'' tinuro ko sa kanya yung necklace na binigay ni Rodney sa akin last night.
''Hoy babae ka, hindi ka nagsasabi sa akin ahh. Sinung nagbigay sa iyo niyan? Don't tell me na si Rod---------...'' tinakpan ko yung bibig niya, ang ingay neto ehh mamaya may mga fans na makarinig baka kuyugin pa ako.
''afagasgagsdsgd'' -Ekaii
''Ahhhmmmm, sorry rito sa bestfriend ko ahh, epekto kasi ng kababasa niya ng mga romance story ehh'' palusot ko.
''Ahmmm Ate Ness, papasok na ohh'' tinuro ni Aldrin sakin yung entrance, oo nga noh. bili bili, gusto kong umupo sa unahan.
''Tara na nga Ekaii''
''Hoy babae, mamaya after game tayo mag question and answer ok'' -Ekaii
Pagpasok namin sa arena, naupo na kami, sa may bandang gitna kami kaya kahit papaano kita pa rin namin yung papanoorin namin, wala ehh may nakareserve na pala sa unahan, sayang.
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...