(#1)

8K 39 0
                                    

Malakas na tugtog, hiyawan at tawanan. Ito ang maririnig mo sa loob ng bar, na tila ba kung ituring ng iba, paraiso.

Nagmamadaling tumakbo si Aika papuntang dressing room nila. Hiningal pa sya ng makapasok.

"Ang aga mo teh." Bungad sa kanya ng baklang ka trabaho nya.

"Asan si Miss Yan?"

"May kausap. Mainit ulo non"

Tinanguan nya alang ang bakla at dumiretso na. Hinanap nya kung nasan si Miss Yan at nakita nya ito sa office nya na may kausap.

Kumatok na muna sya at halos mapatalon pa sya ng pabigla itong lumingon sa kanya.

Takot lang nya sa boss nya. Iba kasi pag nagalit to, babawasan ang sweldo mo.

Matagal na din si Aika sa trabahng to. Halos maglilimang taon na din. At nasaksihan na din nya kung pano magalit ng todo si Miss Yan at wag na wag kang gagawa ng bagay na hindi nya gusto kasi hindi mo talagang gugustuhing makita ang demon side nya.

"Mabuti naman at dumating kana, malapit na kayong mag umpisa"

Bakla itong si Miss Yan.

Nagtaka naman sya. Bukas ng gabi pa kasi sya ilalabas, bale ngayon tig serve muna.

"Ehh akala ko ba kada byernes lang ako?"

"Yun na nga, nagkasakit daw si Jessa, kaya ikaw muna at si Sheena ngayon. Okay?"

Tumango naman sya. Alangan namang tanggihan nya, baka kasi may tip pa syang makuha ngayong gabi.

Senenyasan na sya na lumabas at sinunod nya naman ito. Isasarado na nya sana ang pinto ng magsalita ito.

"Yung kulay Black yung isusuot mo Aika, tapos kay Sheena yung blue. Got it?"

"Yes Miss Yan"

Dali dali syang bumalik sa dressing room at sinabi sa kasama nya ang susuotin.

'Ba't ba kasi nagkasakit si Jessa?' Sa isip nya

"Girls, be ready. After 20 minutes dapat nakahanda na. Dating gawi, kuha?"

"Yes Miss Yan" sagot ng lahat.

Bumalik na ito sa mga pinangga gawa nila habang si Aika ay nakatulala sa damit nya.

Lumapit sa kanya si Sheena at mahinang siniko ito.

" 'nong problema natin ah?"

Bumalik sa reyalidad si Aika at bumuntong hininga.

"Nag away na naman kayo no?"

Sa loob kasi ng mahabang panahon na magkarelasyon sila. Ito pa ang matinding away nilang magkasintahan.

"Hahays, intindihin mo nalang, concern lang yon sayo. Ang mabuti pa magbihis kana kasi after 20 minutes lalabas na tayo"

Tumango nalang sya at tumayo na. Iwinaglit nya muna sa isipan ang away nila at itinuon ang atensyon sa trabaho kaya naman dali dali syang nag bihis at naglagay ng mga palamuti at kolorete sa mukha.

____________________________________follow nyoko para mas mabilis ang update ko  

vote share comment like

Pleasuring The Virgin Man ( On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon