Nang nasa toilet siya ay hinawakan niya ang kanyang labi, ito ang first kiss niya, aminin niyang nagustuhan niya ito, tiningnan niya ang kanyang cellphone, tinext niya ang photographer at agad naman itong nagreply.
'lahat nakuha ko mam, kapanipaniwala lahat ng shots, malaki bale natin dito.'
Ang Message ng photographer sa kanya, hay salamat naman para sa friday eh makapagresign na siya. Ayaw niyang tumagal sa pagtrabaho dito, lumabas na siya ng banyo at pormal naman ang itsura ni Seth, kumain sila at agad bumalik sa office.
Seth POV
Habang nasa kanyang office si Seth ay tinawagan niya nag kanyang private investigator, napansin niya kanina sa restaurant na parang may sumusunod sa kanila, buti nalang nakita niya ang sasakyan nung lalaki at plate number ng sasakyan nito kaya ipapahanap niya baka sino yun na may masamang banta sa kanya or kay Nicole.Iniisip niya ung halikan nila ni Nicole, Di niya napigilan na halikan si Nicole kanina,lalo na at ito pa ang lumapit, he felt guilty dahil may girlfriend siya, saka naman niya naalala si rhianna, tumawag siya dito at wala ulit sumagot, baka busy ulit nung last na usap nila saglit lang dahil busy daw ito. Naiintindihan niya dahil siya din naman ay busy araw araw. Di niya naman maintindihan ang sarili at di niya ito namimiss kaya siguro natukso siya kay nicole kanina. He's thinking of fixing his schedules para napuntahan si rhianna sa cebu.
Higit na mas maganda si nicole, physically lamang na lamang si Nicole kay rhianna pero rhianna is the one he loves. Mahal niya nga ba? o sinasabi niya lang sa sarili niya?, ginugulo ni nicole ang isip niya, iwasan niya muna eto baka next time eh saan pa mapunta nga halik nila lalo na at mukhang type din siya ni nicole. Maybe next time he cant't resist anymore pag lumapit ulit si nicole sa kanya, he admits that he's attracted kay nicole pero hanggang dun lang yun, ayaw niyang sirain ang nabuo nilang relasyon ni rhianna.
Nicole' s POV
Lumipas ang araw na hindi sila masyadong nagkakasama ni seth, buti nalang dahil di niya din alam kung pano harapin ito. Magreresign na siya bukas kay mam annie, ready na din siya sa alibi niya.Excited na si nicole sa pagbalik sa trabaho lalo na pag nakuha na niya ang promotion na asam niya, mamimiss niya si mam annie dahil napakaayos na boss ito, pati din si seth pero mas gusto niya na sana pagkatapos nito ay di na sila magkita pa. Bahala na si Brian sa lahat pagkatapos nito.
Nasa office pa rin si Seth kahit seven na ng gabi, marami pa rin siyang trabaho ng tumawag ang investigator na hinire niya.
" so kumusta ung pinapahanap ko sayo?" agad niyang tanong.
" well isang photographer yun, may nag utos sa kanya na kunan ka ng picture, sinend ko na ung mga copies ng picture na kuha mo, albert casio ang pangalan, inutusan siya ng isang Brian Sy exboyfriend ni rhianna. Very interesting ung mga pictures na kuha niya dahil kasama mo isang girlfriend mo."
" what?! are you sure na yung mga pictures eh may kasama akong ibang babae?."
" base sa mga nakuhang pictures seems like may relationship din kayo, tingnan mo nalang pag dumating na sa office mo."
" ok, salamat, sige tingnan ko ung mga picture pag nasa office ko na, tatawagan ulit kita pag kelangan ko ulit serbisyo mo". sabi niyang galit, kilala niya si brian, mayabang eto pero sorry siya dahil siya ang pinili ni rhianna.
Sumakit ulo niya sa narinig pero wala namang dapat ipag alala si rhianna dahil he never meet any girls. Di siya takot dito.
The next morning eh di siya makaconcentrate sa trabaho dahil hinihintay niya ang padala ng investigator niya, di niya rin macontact si rhianna. He will call her again later.
Halos mainit ang ulo niya ng buong maghapon, buti nalang at sanay na si juliet sa mood niya kaya natiis nito.
Four na ng hapon ng may iabot sa kanya na white envelope si juliet, yun na siguro ung pictures, binuksan niya at tiningnan, halos lahat ay picture nila ni nicole, aakalain mo talagang para silang may relasyon, mgkatabi sila ni nicole, ung pag alalay niya dito at ung halikan nila, iisipin talaga ng makakakita dito na may relasyon sila.
Tiningnan niya lahat ng picture at ang huling papel, profile information ni nicole, nagtratrabaho ito sa company ni brian, nakaleave ito at ngayon at ngtratrabaho sa kanila, nakuyom niya ang kanyang mga kamay, baka babae pa ito ni brian, pailalim sila sumugod sa kanya. Sobrang uminit ang ulo niya sa nakita, kumuha siya ng hard drinks sa maliit na cabinet niya sa office, nag iisip siya kung ano gagawin niya laban kila brian.
Mali sila ng kinalaban un ang nasa isip niya, magaling umarte si nicole, halos di niya napansin na inaakit na pala siya!
Agad niyang tinawagan si rhianna at nagring ang phone nito saka sumagot.
" Hi baby, I really miss you kelan balik mo?, I'm planning to fly there later, what do you think?" sabi niya.
Di ito sumagot, at naririnig niyang humihikbi ito.
" are you ok?" tanong niya dito.
" Seth, I'm sorry pero mahal ko talaga ang exboyfriend ko, sorry I tried to change for you pero di ko talaga kaya, I'm not the girl you think I am, I'm sorry" sabi nitong humihikbi.
"are you ok? We need to talk baby, I will go there ok?"
" I am with brian during the past few days, sorry bye" at binaba na nito ang telepono.
Napahawak siya sa kanyang sintido, kung kelan seryoso siya eh ganito pa ang nangyari, siguro ay nakita ni rhianna ang mga picture kaya sumama agad kay brian.
Hindi ito mangyayari kung hindi sa kagagawan ni nicole, magtutuos sila, pupuntahan niya ito sa bahay nila, alam niyang may imemeet ang kanyang mama ngayong gabi kaya maybe it's the right time to confront that bitch.
BINABASA MO ANG
Take a chance with me
RomanceSeth is one of the richiest bachelor in the country, he loves to play with girls at walang sineseryoso pero ng makilala niya si Rhianna ay nagbago ang lahat, naging seryoso siya dito pero iniwan siya ni Rhianna dahil sa kagagawan ni Nicole. Ambisyos...