Last Dance (One-Shot)

135 2 1
                                    

AN: One-Shot lang to. (: Anyhooo, Ewan ko kung bakit may prolouge to e, One-shot lang naman to. Anakngtupaaaaa! Hahahaha. XDD

PS: Kathang Isip lang. Nabuo lang dahil sa aking malikot na isipan, KK? 

PPS: Wala akong EX. >:D

PROLOUGE:

Madalas, Halos lahat tayo umaasa ng mala-wattpad na lovelife. Yung tipong nakakaexcite. May thrill. Minsan OA. Pero ang ending kayo parin. Kahit minsan cliche na, May kung anong--- Humihigit sayo para basahin mo ulit. Kasi may something factor. PAK na PAK! Yung pang what's hot ang dating.

Ang kaso nasa reality tayo. Magkaiba ang fiction sa non-fiction. May bakod.

Ako? Naabnoy sa wattpad.

Naging open sa lahat ng possibilities, Or more of nag-expect. Gaya ng mga nangyayari sa mga kwento.

Isa dun ang bumalik sakin ang EX ko.

Pero, Shet. They're right. Non-fiction is Non-Fiction. Fiction is Fiction. 

Fiction: “Fiction” refers to literature created from the imagination. Mysteries, science fiction, romance, fantasy, chick lit, crime thrillers are all fiction genres.

Non-Fiction: efers to literature based in fact. It is the broadest category of literature. About real things in life.

(AN: Wait. Tama ba? I asked Google about that. Hihi!)

At nasa Non-FIction tayo. Kung saan hindi lahat ng pede. Minsan may limitasyon ang mga bagay.

Expectation sucks.

 Di na nga ko magbabasa sa wattpad!

-----

"Waaaa~ Ang boring! Ang tagal naman magsayawan!" Reklamo sakin ni Kate. Nagrereklamo nadin yung iba naming schoolmate.

9:20pm na kasi. Eh hanggang 10pm lang daw ang acquaintance. Hanggang nagyon hindi parin nagsisimula yung sayawan. Puro games at chever program pa din. Dati naman hindi ganto! 2 hours pa nga ata sayawan nun eh!

Ay, Ewan. Sorry naman kung atat kami msyado sa Slow dance ah? Eto lang naman pinunta namin dito e. 

"Tara na nga, Jesh! Juskooo~ Sayang lang binayad natin! Sana bumili nalang ako baller!"

Kahit ako gusto ko naring umuwi. Pero may.. May pumipigil sakin. May inaantay pa ko. Alam kong may gusto akong mangyari bago matapos ang gabing to. Di pa ko pede umuwi.

Tumingin ako sa kabilang side ng court. Andun sya.

Naalala ko tuloy yung nabasa ko dati sa wattpad. Yung ano, Basta. 3 years na silang mag-Ex, Tapos wala silang pansinan, Parang kinalimutan na nila talaga yung isa't-isa. Total move-on ba. Basta, Tas bigla nalang naging Epal yung Guy, At kaboooom.  Ewan, Siguro nakakarelate lang ako.

3years. 3years na nung nagbreak kami. 1st year pa kami nun. Siguro pareho kaming di sanay sa atmosphere sa Highschool. At isang beses nya palang ako nasasayaw dito sa school. Yun yung one-month after ng break-up namin. May party kasi nun. Pinilit nga lang sya ng barakada nya nun e.

Gusto ko ulit.. Isayaw nya ko.

Siguro gusto ko lang itry. Gusto ko lang malaman kung ano bang mararamdaman ko kapag sinayaw nya ko. Siguro..

BIglang namatay yung mga ilaw. Napalitan na yon ng mga disco lights. Nagtilian na lahat. Syempre, Eto na yung pinakahihintay nila. Sweet dance.

Biglang kumabog yung dibdib ko. Kinakabahan? Siguro. 

Last Dance (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon