Based on the true story.
Hayy..
Pasukan nanaman. Maraming cute boys at marami ding bagong estyudante.
Ako naman di masyadong excited kasi natatakot ako at nahihiya sa mga magiging kaklase ko.
Ako nga pala si Aya. 18 years old at first year college irregular. Sabi nila meron daw kaming NSTP. Nung una di ko maintindihan yung NSTP na yon. Pero nung nagkaroon ng mapagpipilian kun
g sa’n mo gusto if sa NSTP ROTC o NSTP CWTS. Pinili ko yung ROTC kasi matagal ko ng pangarap yun ehh. Yung parang sundalo ba. Sa madaling sabi..nag-enroll ako sa ROTC.
Nung first day, kinakabahan ako kung ano ba gagawin naming sa ROTC. Habang ina-assemble kami ng isa sa officer,napansin ko yung napaka gwapong naka pang army na damit. Nahuli nya akong nakatingin sakanya. Lumingon ako bigla at ngumiti . Ginanahan akong mag training nung araw na yon.
Nang matapos ang training,nakilala ko si Janna at naging friend ko narin. Lagi na kaming magkasama pag sabado,sabay kumain pag break time at kapag pupunta na kami sa Amphi theater para magklase. Sinabi ko narin sakanya yung tungkol sa gwapong guy. Pag sinasabi ko yun sakanya napapangiti lang sya at kung minsan niloloko ako. Syempre ako naman kinikilig kapag pinag-uusapan naming sya.
Isang gabi,katext ko si Janna:
Friend..kinikilig ako
Lantod ka talaga.
Di nga promise. Sya lagi nasa isip ko.
Haha.
Uy Janna,may number ka ba nya?
Wala ehh..
Ahh ok…
Makalipas ang ilang Sabado. Lalo akong kinikilig kapag nakikita ko sya. Nalaman ko narin name nya. Si Sir..”T”. Ooppss..sorry kung di ko sasabihin sayo full name nya. Nahihiya ako ehh..Syempre shine-share ko kay Janna yung nararamdaman ko kay Sir “T”. Happy sakin si Janna kapag kinunwento ko si Sir “T” sakanya. Pero ba’t ganon? Ganito lagi nyang sinasabi nya sakin:
Ano ka ba may asawa na kaya yon.
Wala naman siguro. Pero kahit na may asawa man sya o gf hanggang paghanga lang magagawa ko para sakanya.
Haha.sige
September 13,2012 at 2:40 ng hapon papasok ako sa school nang mapadaan ako sa conference room ng mga ROTC officers. Nakita ko sa Janna katabi si Sir “T”. Nagulat ako nung time na yon. Dumeretso lang ako sa paglalakad na kunwari di ko nakita yung nakita ko. Pero hinabol ako ni Janna..
Aya!
Binilisan ko lakad ko. Kunwari di ko sya naririnig. Pero naabutan nya ako at hinatak papuntang conference room. Nag pupumigil ako. Ngunit nakarating na kami sa conference room at pinaupo ako ni Mam Sumagyo.
Sabi ni Janna..
Jan ka lang papakilala kita kay Sir.
Namula ako at medyo kinilig. Tapos bigla nalang may umupo sa harap ko. Si Sir! Tumalikod ako kasi nakakahiya.
Sir, si Aya. (pakilala sakin ni Janna kay sir)
Hello Aya..(sabay abot ng kamay nya sakin para makipag shake hand) Habang inaabot ko kamay ko sakanya nanginginig ako at napapangiti.