AUTHORS NOTE: The story below is not the typical kind of kilig moments, but this is based on a true story.--------------------------------------------------
I always dream of having a man who will love and accept me for who I am.
I have doubts in myself, because I lack self-confidence ... until one day ...Khamz’s POV
At LSPU Karate Do Team training, sinama ako ni Jhay ang lalaking mahal ko kasi hinatid ko rin yung kapatid kong si Lex na bagong Sali sa team nila.
Dumating yung mga kasama ni Jhay at sinalubong yung mga bagong sasali sa team nila.“Magpakilala muna yung mga bago.” sabi nung isang senpai sa team nila Jhay. Nagpakilala naman isa-isa yung mga bago after magpakilala nila Lex, nagpakilala rin yung mga senpai.
“Senpai Jhay, 20.” sabi ni Jhay sa mga newbies. Tapos bigla silang nagtanong kay Jhay.
“Senpai sino po yung kasama nyo?” Nakatingin silang lahat sa akin...
“My First Lady. Soon to be wife.” bigla tuloy akong nahiya sa sinabi ni Jhay sa mga newbies, naghiyawan pa sila nung sinabi ni Jhay yun.
****
After nung training nila yung mga newbies nagkantahan with gitara pa. Si Jhay naman biglang lumapit sa kanila at hiniram yung gitara. Pinuntahan naman nung Sensei nila yung mga newbies para kausapin tapos lumapit sa akin si Jhay at kinantahan at tinugtugan ako ng gitara the whole time.
After nun pumunta kami ni Jhay at Lex sa KFC para kumain.“Lex may girlfriend ka na ba?” tanong ni Jhay kay Lex
“Wala pa po Senpai.” tumango si Jhay
“Tama yan. Mag-aral ka muna. Bata ka pa.” agad naman na sumagot si Lex
“Opo naman Senpai.”
“Ako,kahit gustong gusto ko ng ligawan’tong ate mo, naghihintay lang ako na makatapos siya. Tsaka sabi ko sa sarili ko, hindi ako manliligaw hangga’t wala akong trabaho. Nahihiya nga ako sa magulang nyo, kasi ‘di ko pa maihatid sa inyo. Parang ako pa yung babae sa aming dalawa.”
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa.
“Pero, mahal mo Senpai? Sigurado ka na?” tanong pa ni Lex
“Oo naman. Mahal na mahal ko yan. Kung loloobin ni Lord, siya na gusto kong makasama habang buhay.”
“Nice.” yun lang sinagot ni Lex
“Kaya ikaw, wag kang papasok sa isang relasyon kung ‘di ka sigurado. Ang mindset mo dapat ay siya na rin talaga yung papakasalan mo. Hindi ka naman mag-gi-girlfriend para lang masabing may girlfriend ka. Syempre soon to be wife mo na ang tingin mo sa kaniya.”
“Senpai, Kelan ka po pupunta sa amin?”
“Gusto ko na, pero may mga magulang din ako na kailangan kong i-consider. Tutulong muna ako sa family ko. Ganoon din si Ate mo.”
“Mahal na mahal ka nan ni Ate.” sumali na ako sa usapan
“Oo naman. Kaya nga naghihintay din ako sa kaniya. Madami pa yang gagawin sa family nila.” nagsalita ulit si Jhay.
“Ikaw Lex, hanapin mo yung babaeng hindi lang ikaw ang mahal. Dapat yung mahal din family mo.”
“Opo, Senpai. Saka alagaan mo si Ate.”
“Oo naman, malapit na tsaka mahalagang may commitment kayo sa isa’t-isa at kay Lord. Praying together. Ako, masasabi kong madami na kaming pinagdaanan.”
“Thank you Senpai. Atleast panatag ako, nasa mabuting kamay si Ate.”
binatukan ko si Lex grabe siya... haha“Wag kang mag-alala, mahal na mahal ko ate mo. ‘Di ko maipapangako na hindi ko masasaktan ate mo kase nasa mundo tayo pero gagawin ko ang best ko na hindi siya masaktan at saka nag commit na rin ako kay Lord at sa ate mo.”
After namin kumain at magkaroon ng ganoon na usapan nagdecide na kami na umuwi na... habang nasa daan pa kami kina usap ko si Jhay.
“Thank you Jhay.” sabi ko
“Para san?” tanong naman niya sakin.
“Sa pagmamahal mo.” kinuha ni Jhay yung dalawa kong kamay at hinawakan ng mabuti
“Maghihintay ako sayo, patiently and faithfully. Wag kang maiinip ha? Mahal na mahal kita. Madaming temptation, lalo na sa trabaho, pero palagi tayong manalangin para sa ating dalawa. Sigurado na ako sayo. Hinihintay lang kita talagang makatapos at makatulong sa inyo.”
wala na kinilig na ako ng sobra... haha
“Tara na ate, gabi na hahaha” kahit kailan talaga ‘tong si Lex!!!
***
Nung nasa jeep na kami ni Lex, kinausap niya ako.
“Ate, parang nagliliwanag si Kuya Jhay kanina sa paningin ko. Haha lakas maka-gwapo ng inlove.”
THE END
---------------------------------------------------
AN:
Sabi nung friend ko na si Khamz , yung mga ganyang heart to heart talk siya kinikilig. Sobrang memorable at kinilig siya sa moment na iyan. Kasi dun nakausap ni Jhay yung kapatid niya about intentions nito para sa kaniya.