Chapter 2

5.5K 132 4
                                    

Chapter 2

Deanna Point of View

Nang matapos ang training namin ay sumama ako sa JhoBea, kakain sila and niyaya naman ako ni ate Bea.

"Kumain ka ng marami, Deans."

"Ang lakas lakas nga niyan kumain beh." Sabi ni ate Bea.

"Malakas nga, hindi naman tumataba. Isa pa hindi naman healthy yung ibang kinakain ng batang yan." Tukoy sakin ni ate Jho.

"Healthy kaya yun."

"Hindi healthy yun." Ate Jho said.

Napaismid na lang ako at kumain. Hindi ko sila pinansin, busy sila sa paghaharutan eh.

Matapos kami kumain ay hinatid na ko nila sa faura hall. "Salamat mga ate. Bye!"

Naglakad na ko paakyat gamit ang hagdanan. Dumeretso ako sa classroom.

"Uy Deans, bakit ngayon ka lang?" Pongs asked.

Ngumisi ako. "Pinakain ako ni ate Bea at ate Jho."

"Whaa! Daya! Bakit hindi niyo ko ininvite?" Ponggay asked.

"Malakas ka raw kumain kaya hindi ka na ininvite ni ate Bei."

Biglang sumimangot ito kaya tawang-tawa ako naupo sa tabi niya. Mayat-maya dumating ang professor namin hudyat na kailangan na namin maghanda.

May exam kami ngayon and SHIT lang, hindi ako nakapag-review.

"Ms. Wong, dito ka sa harap."

"Yes sir." Lumipat ako sa tabi ni Ron. "Nag-review ka?"

Mahina siyang tumawa at umiling. "Hindi."

"Anong pinagbubulungan niyo?"

"Wala Professor." Sabay namin sabi ni Ron at nagfocus na sa exam namin.

SHETE! HINDI KO ALAM! 😨

"Kamusta?" Tanong ni Ron habang palabas kami ng classroom.

Humawak ako sa aking ulo at hinilot-hilot ito. "Ang sakit sa ulo."

Biglang may umakbay sakin kaya napatingin ako rito. "Musta exam? Mahirap ba?"

"Sobra."

"Hahahah! Yan ang napapala ng hindi nagre-review." Sabi ni Ponggay at iniwan na kami ni Ron.

"Kain muna tayo. Treat ko."

"Mabuti pa nga."

Naglakad kami patungo sa college cafeteria. "Order ka na, Deans."

"Hindi ka talaga gentleman." Masungit kong sabi at kinuha ang pera niya na nasa ibabaw ng lamesa. "Ano sayo?"

"Kung ano yung sayo, ganun din yung akin."

Pumunta ako sa isang food stall at umorder ng dalawang chicken mushroom.

"Kuya pahatid na lang po."

"Cge hija."

Binalikan ko na si Ron na kasalukuyan may kausap sa cellphone. "Cge bye." He looked at me. "Anong inorder mo?"

"Chicken mushroom."

"Good." Sabay ngiti niya. "Sukli ko?"

"Anong sukli mo? Eh one hundred nga lang yung binigay mo."

Napakamot naman ito sa kanyang ulo. "Oo nga pala."

"Tsk!"

Sakit talaga ng ulo ko. Parang gusto ko umuwi sa pamilya ko kaso sa cebu pa eh, sobrang layo.

Hindi katulad ng ibang teammates ko na tiga rito talaga sa manila. Miss ko na sila mom and dad tsaka yung mga kapatid ko pwera lang sa isa. 😏

You Are My Weakness And StrengthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon