Chapter 5

25 0 0
                                    






Kinabukasan ay nagready na kami para pumunta sa underground. Hindi pa ako nakapunta doon since hindi ko naman tinapos ang tour. Naman eh!

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway. Napakatahimik ng tatlo, ng dalawa pala. Palagi namang tahimik tong isa. Himala nga hindi nagbabangayan ang dalawa.

Si Rhed ay halatang kakagising lang. Si Jaechan naman ay parang hindi nakatulog dahil sa laki ng eyebags nito. Si Hide naman, hindi ko alam, ganyan naman palagi yung mukha niya. Ang pinagkaiba lang ay may dala-dala itong malaking bag.

"Daga!" sigaw ko at tinuro ang sahig.

"Nasaan nasaan?!! Angrybird nasan?"sigaw ni Jae at nag tatalon.

"HAHAHAHAHA." Pagtawa ko ng malakas.

"Ang tahimik niyokasi. Di ko tuloy feel ang araw ko ngayon"

"Ikaw okay ka lang ba?" tanong ni Rhed.

"Okay lang naman."

Walang nagsalita matapos kong mag salita. Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad. Dumaan kami sa may cafeteria. Dito kasi kami dumaan noong pumunta kami sa main quadrangle.

Alam niyo ba kung bakit hindi makikita ang daan sa main quadrangle? Ang daan kasi doon ay ang ding-ding sa may cafeteria. Natatabunan ito ng makakapal na halaman kaya hindi ito nakikita kaagad.

Pumasok kami sa wall at bababa na sana sa hagdan nang......





"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

"Bakit tayo nasla-slide!"

"Rhed anong pinindot mo!!"

"Ewan ko! Wahhhhhhhhhhhhhh!"

"Nakikiliti ako. Ang sakit na ng tiyan ko wahhhh Rhed! Luna! Hide!"

Bumagsak kaming apat sa isang puting sahig. Nasaan kami? PATAY NA BA KAMI? OH NO!

"ARE WE DEAD?!" sabi ni Jaechan.

Bumangon ako at sumunod naman sila. WOW! Nananaginip ba ako?Totoo ba tong nakikita ko? Nilingon ko sila at ganun din ang reaksyon nila. Maliban lamang kay Hide, hindi na ata yan nagkakaroon ng reaksyon eh.

Nakapalibot sa amin ang iba't ibang klase ng weapons. May bow and arrow, daggers, spears, swords, at iba pa. May mga rooms din dito. Square lang ang lugar na ito at pinalibutan ito ng mga rooms na salamin ang dingding.

"Welcome, highest guardians." Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses.

Lumulutang ang isang lalaki sa hangin kaya napanganga kami. Paano niya nagagawa iyan? Wahhhh naiingit ako. PWEDENG PATURO!

"Hindi ako ang magtuturo sa inyo nito. Nagagawa ito ng lahat ng guardian kaya wag kayong mag-alala. Anyway, I'm Chan Nevesaga, you can call me teacher Chan. Im your instructor for your physical training. Ang ability ng taga northern and western division ay hindi gaanong useful sa pakikipag-laban. Kaya itr-train ko kayo upang mas lalong lumakas." Sabi ni teacher chan.

"Wow, sir. Pareho po tayo ng pangalan. Pwede ba kitang maging tito?" masiglang sabi ni Jaechan.

Kung ano-ano nalang pumapasok sa utak nito. May saltik ata to. Tsk tsk!

"Pwede naman pero dapat niyo munang ipasa ang test ko ngayon."

"test?"

"Bakit po may test?"

"Patay na po talaga ako."

"Pumili kayo ng weapon niyo. Matapos ang maikling orientation ko sa inyo ay magsisimula na tayo sa pagsubok." Sabi ni sir.

The Guardians (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon