Kabanata 1

5 0 0
                                    


"Talagang nawala kana sa sarili nung nakilala mo siya. Mahalin mo at tingnan mo naman ang sarili mo ngayon." tulala lang ako sa mga nag-tataasang building sa BGC. Hindi ko siya iniimikan kahit kanina pa niya ako pinapangaralan at pinagsasabihan.

"Naiintindihan kita kung bakit ganyan ka ngayon,aalis na ako. Sana marealize mo ang worth mo at hindi mo siya deserve." Humikbi ako matapos marinig ang pag-sara ng pinto. Yeah! I lost myself for loving him. Nawala lahat sa akin. Pangako huli na ito. Ito na ang huling beses na iiyakan ko siya.

Kinabukasan, pumasok ako sa opisina na parang walang nangyare sa akin. Subsob ako sa trabaho hanggang umabot ang gabi. Ganoon ang ginawa ko sa mga nakaraang araw. Trabaho at bahay, bahay trabaho. Halos hindi na din ako nakikisama sa mga kasama ko sa trabaho.

Ang dami din nakapansin sa aking pananahimik. I used to be jolly and always wearing a beautiful smile before. Hindi ko sila masisisi.

Isang araw, nasa isang café ako dito lang din sa BGC. Kakagaling ko lang sa gym at naisip ko mag-kape. At sa hindi inaasahan, I saw him, ang lalaking kinabaliwan ko. Mag-isa lang siya at mukhang may pupuntahan. Pumasok siya sa isang botique, napakunot noo ako. Sino naman kaya ang bibilhan niya ng branded na damit? May iba na ba agad siya? Well ,sa dami din naman babaeng umaaligid sa kanya at kahit sa social media ,kulang na lang ligawan siya. Ang sakit ng bawat tibok ng puso ko. Kalma ka lang Julliana, makakaahon ka din.

Nagbalik ang mga ala ala sa isipan ko. Mapait akong ngumiti at walang sabi na pinagbigyan ko ang gusto ng aking isipan.

"Nasa venue kana ba?" tanong niya sa akin. Nilanga linga ko ang paligid. Andito ako ngayon sa Makati para umattend ng isang art exhibit.

"Palagay ko naman andito na ako, ikaw ba nasaan kana?" tanong ko sa kanya at pumasok na sa building para makapasok na at doon na lamang siya hintayin.

Masaya at maayos ang naging takbo ng exhibit, late siya dumating pero ayos lang din. Nung maguuwian na ,gabi na para bumiyahe kami pauwi kaya napagdesisyonan namin makitulog sa isa naming kaibigan na parte ng exhibit.

Pagod na ako kaya ako ang nauna sa kamang humiga.

"Tabi na kayo ni Julliana ,Hans." huli kong narinig bago ako tuluyan pumikit.

That one night, changed me. We accidentally kissed. At doon nagumpisa ang lahat.

Muli namin pinuntahan ang exhibit ng magkasama dahil closing na nito. At muli kaming nakitulog sa kaibigan namin at napagpasyahan na tapusin ang gabi sa isang maalab na halik at mainit na yakap.

Dinala niya ako sa kanyang paboritong lugar, ito ay sa isang unibersidad sa kanilang lugar. Maganda ,tahimik at nakakarelax.

"Sana ,nag-enjoy ka. Dinala kita sa paborito kong lugar. "

" Oo naman, sana ikaw din nag-enjoy kasama ako." sagot ko sa kanya habang binabagtas ang daan pauwi.

Nauna siyang bumaba ng jeep dahil malapit lang siya sa University na iyon. Masaya ako at nakasama ko siyang muli.

Naputol ang pag-iisip ko nang makita ko siyang lumabas ng botique, wala siyang bitbit. Baka wala siyang nagustuhan.

Napagpasyahan ko ba din tapusin ang kape at bumalik na sa condo na aking tinutuluyan.

Sa BGC ko pinili manirahan at siya naman ay sa Makati. May probinsiya din naman akong inuuwian at ganoon din siya.

"Kanina pa kita iniintay Julls, My goodness at bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" napataas ang kilay ko sa nagaantay at naiiritang si Mandy, kaibigan ko. Siya ang isa sa mga taong nakakaalam ng tungkol sa amin ni Hans. Yeah! lihim ang naging ugnayan namin ni Hans noon. Siya din yong babae noong nakaraan.

"Naiwan ko ang phone ko, Im sorry." pinindot ko ang code at kusang nagunlock ang pinto ng aking unit.

"So nag-iba kana pala ng passcode, whatever Julls." panay ang reklamo niya hanggang kusina at ako naman ay punasok sa kwarto para magpalit ng damit. Medyo mahaba haba pala ang paggigym ko kanina. Keep it up Julls!

"Kamusta kana?" seryoso niyang tanong sa akin. Binalingan ko siya at habang nagsusuot ng isang malaking shirt at cycling. So comfortable.

" I am good and fine Mandy, thank you sa pagtitiis mo sa katigasan ng aking ulo. Bakit ka nga pala nandito? Masyadong maaga at hindi ka  napunta  dito ng ganitong oras." Huminga siya ng malamim bago umupo sa aking kama na animoy pinalantsa dahil ni isang gusot wala kang makikita.

" I just wanna check you out. I know you and I know kahit gusto mo mapagisa gusto mo pa din na may taong andyan para sayo." Ngumiti ako at pumunta sa glass window at tinanaw ang labas.

"Salamat sa pag aalala mo ,maybe Im not okay today but tomorrow for sure Ill be okay."

Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod.

Tagpong Hindi AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon