Chapter 12

5.5K 193 88
                                    

Eyesha's POV

Ano yun?

Ano yung nakatutok sa bandang likod ko? Hindi kaya!!!?

"Ouch!! Fuck!" Daing nito dahil bigla ko syang hinarap at tinuhod dun sa bandang may gitna nya kung saan nakatutok ang sandata nya sa akin.

"Mate, bakit mo ako sinipa dun!!? " reklamo nya pero hindi ko sya pinansin at muling hinarap ang lalaking nagsasabing matagal na akong patay na totoo naman pero hindi nya alam ay nabuhay akong muli.

Masama ko itong tinitigan dahil na aalala ko na , ang lalaking ito, naninilbihan sya sa aking ina at isa sa mga tapat na taga sunod nito.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad kong pinahaba ang aking kuko at itinarak ko ito sa dibdib nya bago dinukot ang kanyang puso. Tumalsik pa ang dugo nito sa gilid ng aking pisngi.

Lahat sila ay napasinghap at nagimbal sa ginawa ko , pero hindi ako nagsisisi dahil kulang pa ang kamatayan bilang kaparusahan sa ginawa nila sa akin. Dahil sa kanila ay hindi ko naranasan papano maging isang bata na masayang naglalaro at walang pinoproblema.

"Mate..." mahinang tawag sa akin ni Zerion pero hindi ko na sya tinignan dahil naglakad na ako paalis sa lugar na iyon na parang walang nangyari.
Sa bawat paghakbang ko ay mga matang may takot, pangamba at gulat ang makikita sa mga nakakaslubong ko dahil ang aking damit ay nababahiran ng maraming dugo maging ang aking kamay at pisngi.

Pumasok ako sa kuwarto namin ni Zerion at sumandal sa pinto. Ramdam ko ang pagtulo ng ilang butil ng luha sa aking mga mata. Sana hindi totoo lahat ng ito...sana magising ako...sana bumalik ang oras sa panahong bata pa ako..

Gustong gusto ko talagang bumalik sa nakaraan dahil ayoko sa kung ano ang ugali ko ngayon. Gusto kong maging malapit sa lahat, maging masayahain at may ngiti palagi sa aking mga labi. Gusto kong maramdaman ang kaligayahan habang bata kapa. Mga bagay na hindi ko naranasan at wala ako ngayon.

Malamig ang pakikitungo ko sa lahat, ayokong magtiwala agad agad. Wala akong pakialam sa damdamin ng iba. Puro peke na ngiti ang ipinapakita ko sa lahat . Wala akong pakialam kung may nagmamahal man sa akin dahil ang importante ay makaganti ako sa sarili kong ina at kahit pa ibig sabihin nun ay kailangan kong gamitin si Zerion at ang kaharian nya para makamit ang paghihiganti na gusto ko.

Malayong malayo ako sa katangian ni Luna Daseri, bagamat ay may pagkakapareho kami sa kulay ng mata at mataas na buhok ay walang wala ako sa taglay nyang kabaitan at pagmamalasakit sa kaharian na ito. Dahil para sa akin mas importante ang matalo ko si Irene at magagamit ko ang pagiging Luna ng kahariang ito.

Tama..hindi ako kabuting nilalang...is akong masama na gumagamit ng iba para sa sarling ambisyon.

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang umihip ang malakas na hangin at doon ko lang napansin ang nakabukas na bintana na nililipad pa ng hangin ang kurtina nito.

Lumapit ako dito para sana isara ang bintana pero ng saktong malapit na ako ay isang matatalim na kuko ang biglang lumabas mula sa kadiliman at itinarak ito sa aking dibdib.

Umagos ang masaganang dugo na namumula sa akin at tumagaktak ito sa sahig . Sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na magawang makakilos o makalaban man lang dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ito.

Mas nanglaki ang aking mga mata ng tuluyang magpakita ang rebulto ng nilalang na maygawa sa akin nito. Walang iba kundi ang aking ina.

"Kumusta ka mahal kong anak.." malamig nitong sabi at hindi parin nito binibitawan ang kamay nya na nakatarak sa dibdib ko. Ramdam ko ang grabeng sakit sa aking katawan lalo't pakiramdam ko ay nakabaon ang mga kuko nito hanggang sa aking puso.

Moon's Knight  REBIRTH ( HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon