Chapter 1

17 1 0
                                    

Zayn

Oo nga pala, 1st day ko nga pala ngayon sa College. Siyempre excited ako na may halong kaba.

Pano nga ba ang buhay ng College Student? Siguro masaya kasi pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo, Siyempre maraming ring Babae niyan for sure.

Ako nga pala si Zayn, Medyo Bad Boy pero wag ka!, habulin yata to ng chixx. Di' ko kasama ang mga magulang ko, nasa Ibang bansa sila naghahanap buhay. Lumaki ako kasama ang Lola ko. Once a year lang ata nakakabalik sa pinas sina Mama At Papa. Varsity Player naman ako ng basketball sa School tsiaka favorite subject ko talaga ang Math, hatest subject ko naman ang Science lalo na yang balance balance at predict predict na yan haha. Seryo, pero pagdating sa

math kahit pa kasing rami ng "X" ko yung ipasolve mo kayang kaya ko yan. Dancer din ako sa Campus namin mahilig din akong kumanta pero mas prefer ko ang pagsasayaw.

Pinark na ni Zayn yung kotse niya, at excited siyang bumaba sa sasakyan niya dahil ito na yung matagal niyang hinihintay, ang buhay Kolehiyo.

"Ang gwapo niya, Grabe ang Hot" sigaw ng mga girls

"Ayan nanaman sila nagkakagulo" bulong ni Zayn sa sarili

"Oy Pre, ang aga natin ngayon a!" Sabi ni Lloyd

Si Lloyd ang matalik na kaibigan ni Zayn, Simula bata palang kasi sila siya na talaga yung bestfriend niya, pagdating sa gimik, kalokohan at sa mga babae.

"Sup men, Ang porma natin ngayon a" Zayn

"Siyempre, 1st day Kailangan mag pa-pogi sa mga girls" Pabirong sabi ni Lloyd

"Oo nga naman, Di pa ba ako nasanay?" Zayn

"Teka, teka. Halatang nagkakagulo ang mga kababaihan sayo a, Nako Zayn... lakas mo talaga sa mga babae" sabi ni Lloyd

"Ganyan talaga sila, Parang ngayon lang nakakita ng gwapo" patawang sambit ni Zay . At dumeretso na sila sa kanilang Room.

Pagdating nila sa room,May isang babae sa room na abalang abala sa pagbabasa ng isang libro, kaya naman nagpasiya silang tumambay muna sa labas

Janelle

Ako naman si Janella, Babaeng puro libro lang ang inaatupag, Walang alam pag dating sa Love life. Dahil para sakin walang totoong magmamahal ng totoo kundi sarili mo lang. Ayokong matutunan magmahal dahil masasaktan ka lang, wala pa akong karanasan sa Love pero ilang beses na akong nasaktan sa love sapagkat broken family ako. Dahil din ito sa Papa ko na wala ng ginawa samin ng nanay ko kundi saktan kami. Honor student ako, nagkapagtapos sa de la salle noong high school at napasa ko naman ang entrance exam sa UPLB. Isa akong scholar kaya naman pinagbubutihan ko ang aking pag aaral. Di kami mayaman pero may kaya. Iisang anak kaya naman kami lang ni Mama ang magkakampi sa buhay.

"sino kaya yun? Mukha namang Jejemon yung porma nila" Janella

Biglang may pumasok na isang lalaki.

"Hi, 1st year student ka ba?" tanong ng lalaki

*Dedma.

"Hi miss? Tinatanong ho kita" sabay tawang sinabi ng lalaki

"Ay, o may tao pala dyan, bakit? Ay Oo" sagot ni Janella

Mahiyaing bata kasi si Janella, hindi siya mahilig makipagusap lalo na't hindi niya pa kilala.

"nakakatawa ka naman, Kamukha ko ba si Daniel Padilla para magulat ka? Hindi biro lang. Ako nga pala si Darren" sabi ng lalaki

"Ako naman si Janella, Teka 1st year student karin ba? Tanong ni Janella

"Oo, so... Classmate pala kita" Darren

Tumango nalang si Janella at ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

Pagkalipas ng 15 minuto ay nagsidatingan na ang mga estudyante at nagsimula na ang kanilang klase. Isa isa silang nagpakilala at nang si Zayn na ang nagpakilala Biglang tumahimik ang lahat at sabay sabay humiyaw ang mga kababaihan.

"Ako nga pala si Zayn Santos, 17 years of age." ika ni Zayn

"Ang gwapo niya!"

"Ang swerte ng katabi niya!"

"Single kaya siya? Baka naman taken"

Kanya kanyang bulong ng mga kababaihan. Sumunod namang nagpakilala si Janella.

"Hi, I'm Janella Chua, 16 years old. I love science especially Chemistry, I love Novels and writing poems, I hate love stories because i don't belive in love"

************************

I hope you like it guys, 1st Chapter is done. Abangan natin kung kumusta ang 1st day nila Zayn at Janella sa Buhay Kolehiyo nila.

How many votes for the 1st Chapter of my 1st Story? Hehe Thank you Sweeties. Lablab

-Nik

It is never too lateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon